Chapter 41

9.5K 304 55
                                    

Lumipas ang dalawang araw na palagi akong umiiyak kapag nagigising kaya palagi rin akong tinuturukan ng pampakalma. I've been mourning about Ellis and I can't believe that he's already... No!



Nakaupo ako at nakasandal sa nakataas na kama. Kanina pa ako nakatingin sa kawalan nang nakatulala. Hindi pa rin nila tinatanggal ang IV fluid sa kamay ko at patuloy iyon na pinapalitan dahil kakaunti lang naman daw ang kinakain ko.



Ganoon ang napasukang senaryo ni lolo. Hindi siya umimik at dumiretso sa tabi ng kama.



"Cecelia.."



Hindi ko siya nilingon. Ayokong makipag-usap kahit kanino.



"Apo, labas tayo." He said again. "May ipapakilala si lolo sayo."



Walang buhay ko siyang binalingan. His face lit up seeing me look at him. Kinuha ni lolo ang wheelchair na nasa gilid at nilagay sa kanang bahagi ng kama.



Binaba ko ang mga paa kaya agad akong inalalayan ni lolo. Maingat akong umupo sa wheelchair habang si lolo ay sinasabit ang IV fluid doon.



He started pushing the wheelchair towards the open door. Nang makalabas ay lumibot agad ang paningin ko. May mga pinto at malalapad na mga salamin sa bawat pader ngunit puro lang naman mga doctor ang nakikita ko sa loob.



Saang lugar 'to? Bakit nandito kami?



Namalayan ko na lang na pinasok ako ni lolo sa isang elevator. Pinindot niya ang F1 bago hinaplos ang buhok ko.



Mas lalong dumadagdag ang kuryusidad ko sa lugar na 'to. Ano pa 'yung isang floor na nilagpasan namin?



Nang bumukas ang elevator ay nabigla ako sa nakita. Isang simpleng sala ngunit kapansin pansin ang mga magarbong kagamitan.



"Malapit na siya, apo."



Tinulak ulit ni lolo ang wheelchair na sinasakyan ko papalabas ng bahay. Isang malawak na hardin ang aking nakita pero lumiko kami ni lolo.



Dinaretso niya sa isang gazebo ngunit sa loob nun ay may isang lalaking nakaupo. His familiar back brought back a lot of memories.



No!



Lumaki ang mga mata ko dahil sa isang pangalang lumabas agad sa isip ko. Habang papalapit ay mas nagiging malakas ang tibok ng puso ko. Nanginginig ang mga kamay at kagat ang pang-ibabang labi.



"Gusto kong makilala mo ang nagligtas sayo, apo." Mahinang sabi ni lolo.



At mukhang narinig iyon ng lalaki kaya napatigil siya at tumuwid ang likod.



Pinasok ni lolo ang wheelchair ko sa loob ng gazebo at halos lumabas na sa loob ng dibdib ang puso ko. Nanuyo ang lalamunan ko para lumunok ako.



Tears forms in my eyes when the man stares back at me. He smiled making my tears fell on my cheeks, his eyes also watered.



"Cecelia."



Napapikit ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Sobrang tagal na nang marinig ko ang boses niya.



Mahina akong humikbi. "P-papa.."



Mahina siyang natawa at tumayo para lapitan ako. Nang umuklo siya ay agad kong kinabig ang ulo niya para yakapin.



"Papa ko.."



The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon