"Update?" I asked after puffing my cigarette.
"They destroyed Adaku Clan, same with Walton Clan. I'm waiting for your signal to destroy the Guetta Clan."
Mahina akong tumawa at nagpakawala ng usok sa bibig. "You're too excited. Well, I am too. I can't wait to see Edwin Guetta begging me to spare his life."
"That would be delightful. Anyways, all Clan in the organization tightened their security."
"That's what I heard." I puffed my cigarette. "Masyado yatang natatakot ang mga boss ngayon. I'm not even doing any harm to anyone."
He sighed. "You finished two bosses at the two consecutive days. Tell me, sinong hindi matatakot?"
"Yeah right. How's the kid?"
"Which kid?"
Nilagay ko ang sigarilyo sa ashtray at tumayo. "The first kid. Cecelia's sister."
"Oh. She's doing fine. Madali niyang nakasundo ang dalawang batang dinala ng mga bodyguards mo dito. The kids are alright, mababait naman kasi."
I hummed and looked outside the glass window. "Any events coming?"
"Oo nga pala. A masquerade ball next wednesday and after that, an auction will happen."
"An auction, huh? What are they selling?" I look at a girl distributing pizza to my bodyguards. A small smile crept into my lips. "What is she doing?"
"Huh? Sinong she?"
I felt my ear heating up that's why I cleared my throat. "No one. What are they selling again?"
I heard him chuckled. "Ladies, man. They're selling ladies and other kinds of stuff."
"Sounds boring." I stopped myself from smiling when one of my bodyguards refuse to have a slice but I think she did something to make him have it.
Naughty...
"Oh boy. You'll be deadly serious about this. Listen, Arizona Guetta is the one providing the ladies."
My smile faded and a devilish smirk formed my lips. "Let's see what I can do about that."
"There you go. Well, I gotta go. I promised to teach your wife's sister, Cecille, and the two other kids about something."
The call ended. Tinungo ko ang isang malaking glass dome kung saan nakalagay ang maskarang ginagamit ko.
"It's time to avenge the little wolf's affliction."
MULI ko siyang kinalabit habang nakanguso. "Nico, iorder mo na kasi ako.."
"Ma'am Cecelia, may gagawin pa ho ako. Kaya puwede bang kayo na lang ang gumawa nyang inuutos niyo sa'kin?"
Padabog akong umupo sa tabi niya at pinagkrus ang mga braso. "Wala ka namang ginagawa. Nagla-laptop ka lang naman, ah?"
Iritadong itong humarap sa akin at pinakita ang ginagawa niya. "I'm doing work, ma'am Cecelia. Iba na lang."
"Pero ang sabi mo sa'kin ay sayo ako humingi ng mga kailangan ko dahil in-assign ka ng asawa ko bilang personal bodyguard ko!" Sinamaan ko siya ng tingin at masama ang timplang umalis sa sala. "Sundae at fries lang naman, damot damot. Mauntog ka sana."
"Naririnig kita, ma'am! Masama yan!"
"Tse!" Pumunta akong kusina at nakangusong pinuntahan si manang na naghuhugas ng mga gulay at prutas na pinamili nila kanina.
Dalawang araw na ang nakakalipas pero ganito na ang bangayan namin ng head ng mga bodyguard na 'yon! Walang galang! Walang hiya! Letse siya!
Sinandal ko sa lamesa ang ulo. "Manang, inaaway na naman po ako ng asungot na 'yon! Kapag siya talaga iniumpog ko sa pader, makikita niya!"
Narinig kong tumawa si manang at naglapag ng clear bowl na may lamang grapes. "Ikain mo na lamang iyan, Cecelia. Gabi na pero iyan ka na naman sa mga fast foods."
"'Yan din po manang ang point ko kaso mahirap ipaintindi kay ma'am Cecelia! Hambalusin niyo nga ng spatula 'yan, manang, baka ma-intindihan niya na!"
Mas kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang sigaw nito mula sa sala. "Naririnig kita, Nico. Baka gusto mong tanggalin kita sa trabaho mo!"
Malakas itong tumawa. "Si boss lang ang makakatanggal sa akin sa posisyon ko, ma'am!"
Naiinis na pinuntahan ko siya sa sala ngunit nakita kong may kausap na ito sa cellphone. Nawalan ulit ng emosyon ang mukha at mga mata nito. Parang 'di na siya 'yung Nico na gusto akong ipahambalos ng spatula kay manang.
"Ah, I forgot. Yeah, sure. Hintayin niyo na lang ako, papunta na."
Nakita ko siyang tumayo at sinara ang laptop na gamit bago naglakad papunta sa hagdan.
"I'm at my boss' house. Pinababantayan sa akin ang asawa niya. Yes. Piss off!"
Wala na siya sa paningin ko kaya binalikan ko ang grapes at dinala 'yon sa sala. Habang nanonood ay kumakain ako ng grapes. Sa tingin ko ay dalawampung minuto ang tinagal bago bumaba ulit si Nico na nakasuot ng formal na damit, hawak ang isang paper bag.
"Saan punta mo, Nico?"
Tumigil ang mga yapak na naririnig ko kaya bahagya ko siyang nilingon. Nakatingin lang ito sa akin ng walang emosyon.
"May pupuntahan lang ako, ma'am. Sa kaibigan ko lang, maghahatid ng mensahe." Ang noo niya ay kumunot habang mariin akong tinitignan. "May gusto ho ba kayong pasalubong, ma'am?"
Sumama ulit ang timpla ng mukha ko nang marinig ang sarkastiko niyang pagkakatanong. "Umalis kana. Layas."
"Sabi nga pala ni boss.." lumapit ito sa akin at may kinuha sa bulsang dalawang itim na card. ".. kapag gutom ka daw ma'am at gusto niyong umorder ng mga fast food, ito ang ipambayad niyo."
Kinuha ko ang binibigay niyang dalawang itim na card. "Paano 'to makakabayad?"
"Basta, ma'am. 'Wag na kayong makulit, pagbalik ko niyo na lang ako tadtarin ng tanong."
Malalaking hakbang na tinungo nito ang pinto pero bago pa man makalabas ay sumigaw ako.
"Mag-ingat ka, Nico!"
He turned his back, facing me. A small smile is visible on his face. "Ikaw rin, ma'am."
"Pero madapa ka sana dyan sa may garahe!"
Agad na nawala ang ngiti niya. "Ibang klase..."

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomansaUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021