Chapter 43

9.4K 285 21
                                    

"Cecelia?" Mahinang tawag ni papa kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Tulog na ba?"



Tumango ako bilang sagot at binalingan ang natutulog na si Alescia. Nasa sala kami at sa crib siya natutulog. She looks at peace.



"May pupunta dito. Lalagyan ka niya ng isang tanda, proteksyon at pagkakakilanlan mo."



Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Anong klasing lagay?"



His lips thinned. "Lalagyan ka niya ng tatu sa batok."



Bumilog ang mga mata ko. "No way!" Pabulong kong sigaw dahil baka magising si Alescia. "Ayoko, papa. Masakit 'yon!"



"Anak, tanda lang naman. Kailangan mo 'yon. Isa pa,  nakakahiya naman doon sa magta-tatu sayo."



He's using a card against me! Madaya! Sumama ang tingin ko sa kanya. "Kailan ba darating?"



"Nasa gate na." Kumamot siya sa batok. "Kinakausap ng lolo't lola mo."



Gulat akong napatayo. "Ano?!" Napasigaw na ako. I glanced at Alescia and thankfully she's still asleep. "Papa naman!" Bulong kong sigaw.



"Sorry na, anak. Excited lang kami. Kahit lola mo mayroon nun, 'wag ka mag-alala. Tradisyon na talaga ng pamilya na'tin na kapag nagkaanak ka ay lalagyan ka ng ganoon."



Huminga ako nang malalim. Sakto ay pumasok sila lola na may kasamang isang babae at dalawang lalaking may dalang tig-isang case.



When they saw us, they stopped and bow like we're a royalty!



Nag-angat ako ng tingin kay papa na tila ay sanay na. Lumapit sila sa amin. The two guys seems like shadows dahil sa pagiging walang pakialam sa mga nangyayari basta ay sumusunod lang sila.



Nakangiti naman ang babae at mukhang mabait. Iyong tipong hindi makakapatay ng daga. Singkit siya pero hindi pa rin nun nababawasan ang gandang tinataglay niya.



"Good day, Ma'am. The name's Jhana, Jhana Pauline Bellamy." She offered her hand.



Tinanggap ko naman 'yon nang nakangiti. "Cecelia na lang."



She just smiled at me, tumingin siya kay papa at bahagyang yumuko. "Magandang araw, boss."



Boss?



"Nakuha mo na ba?"



Naging mayabang ang ngiti ni Jhana. "Yes, boss. Ako pa ba?"



Humarap sa akin si papa. "Halika na? 'Ma, bantayan mo muna si Alescia doon lang kami sa labas."



Pumayag si lola kaya agad kaming lumabas papunta sa gazebo. Nang makarating doon ay agad na binuksan ng dalawang lalaki ang dala nilang case. May mga gamit doon para sa pantatu. Kinuha ni Jhana ang gloves na nasa loob ng isang case at sinuot.



Umupo ako malapit kay lolo. Para kung sakaling maging duwag ako ay si lolo ang ipapain ko sa kanila.



Nagset nila ng extension para may masaksakan. Napatingin ako sa isang malaking ipad na nilabas ni Jhana. Pinakita niya 'yon kay Papa at Lolo pagkatapos ay tinanong kung ganoon ba talaga ang ipapatatu sa akin.



I swallowed a lump in my throat. Kinakabahang humawak ako sa damit ni lolo nang marinig ang tunog ng hawak ni Jhana.



May nilagay silang ipad holder sa may likod ko at pinatong nila doon ang ipad habang si Jhana ay pumwesto na rin sa likod ko.



The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon