Chapter 4

15.6K 463 11
                                        

"Kuya, puwede ko bang kausapin ang asawa ko?"


Ang walang emosyon niyang mukha ay nakitaan ko ng kaba.


"Bakit po, ma'am? May kailangan ba kayo?"


Tinignan ko ang isa pang bodyguard na kasama namin na ngayon lang nagsalita. "May hihingin lang sana akong pabor."


Nagkatingin silang tatlo bago ako binigyang pansin. "Baka may ginagawa po si boss, ma'am."


"Sige na, kuya. Madali lang naman e."


Huminga ito ng malalim bago hinawakan ang earpiece na suot. "Iconnect niyo nga ako kay Tino." sabi nito. "Si boss?" Pumikit ito at mariing humawak sa earpiece niya ganon din ang dalawa pang bodyguard. "Kakausapin siya ni ma'am."


Nakita kong tinanggal niya ang earpiece at binigay sa akin. "Isuot niyo, ma'am."


Hindi ako sumagot pero kinuha ko 'yon at sinuot. "Paano 'to, kuya? Gumagana na po ba 'to?"


"Yes, it's working.."


Bumilog ang mga mata ko at hinawakan ang earpiece. "Naririnig mo 'ko? Ang galing naman!"


He chuckled. "You're funny. Anyway, what do you want? Tapos na kayo mag-shopping?"


"Oo, bakit mo pinasara itong mall? Nakakaawa 'yung mga gustong pumasok pero hindi makapasok dahil nga pinasara mo." Nakanguso kong sagot na para bang matagal na kaming magkakilala.


Puwede naman 'yon 'di ba?


"Ayoko lang na may kaagaw ka."


Umasim ang mukha ko dahil sa sagot nito. "May ginagawa ka ba? Na-iistubo ba kita?"


"It's ok. What is it?"


Tumingin ako sa dalawang paslit na tumatakbo papunta sa akin.


"Ate, ang sarap ng ice cream!"


Mahina ako tumawa at pinunasan ang mukha nito. "Dahan-dahan lang."


"Who's that?"


"Ah, mga batang lansangan. 'Yon sana ipapaki-usap ko sayo. Puwede bang bigyan mo sila ng matutuluyan?"


He silently listened to what I said. "Well, is it ok to you that they'll be with your sister?"


"Oo naman! Basta may matutulogan sila!"


"It's settle then—"


"Ahhhh! I will fucking kill you—"


Kumunot ang noo ko nang may marinig ako kakaibang tunog bago nawalan ng tuluyan. "Nandyan ka pa ba?" nagtaas ako ng tingin sa bodyguard. "Kuya, nawala siya." Tinanggal ko sa tainga ang earpiece at binigay 'yon sa kanya.


"May kailangan pa po kayo, ma'am?"


Umiling ako. "Mr. Ogardo, akin na ho yan. Kanina niyo pa hawak e."


"Nako, ayos lang, ma'am." anito at binigay sa akin ang ice cream na malapit nang matunaw. "Baka may gusto pa kayo, sabihin niyo lang, ma'am"


Nilasahan ko ang ice cream. "Pizza na lang po. Fifteen box."


Napatanga ito sa sinabi ko. "S-sige, ma'am." pumunta siya sa stall ng pizza at nakita kong naging aligaga ang dalawang lalaking nandoon.


"Ma'am, hindi pa po tayo uuwi?"


Dahil sa tanong na iyon ay napatingin sa aking ang dalawang bata.


"Uuwi na kayo, ate?" malungkot na tanong ni Selena.


Tinanguan ko siya. "Oo, Selena, pero 'wag kayong mag-alala. Sinabihan ko na ang... a-asawa ko na bigyan kayo ng matutuluyan. Sabi niya sa'kin ay doon kayo sa bahay na tinitirahan ng kapatid ko. Hihilingin ko rin sa kanya mamaya na papag-aralin kayo, ayos ba?"


Bumalik ang saya sa mukha nila na ikinatuwa ko.


Tumingin ako kay Mr. Ogardo na may dalang boxes ng pizza. "Maraming salamat po sa pag-assist sa'kin." bahagya pa akong yumukod.


"Tungkulin ko 'yon, ma'am." Sabi nito.


"Cecelia na lang po o kaya Celi, kayo pong bahala. Kuya, pakitulungan nga po si Mr. Ogardo."


Umiling siya. "Ma'am Celi na lang." kinuha ng isang bodyguard ang boxes na dala nito. "Salamat."


"Bahala ho kayo." Ngumuso ako at tinignan ang mga batang kasama. "Let's go?"


Muli kong inakay ang dalawa papunta sa exit ng mall habang ang dalawang bodyguards ay dala ang mga pinamili ko at ang isa ay sampung boxes ng pizza, ipapamigay ko rin naman 'yon sa kanila at sa mga tao sa bahay.


Pagkalabas namin ay may dalawang lalaking naka-abang at nakapormal na damit kagaya ng mga bodyguards na kasama ko.


"Ma'am, amin na po 'yung mga bata. Pinapakuha ni boss."


Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ng dalawa sa damit ko kaya bumaba ang tingin ko sa kanila. "Nasaan ba kasi siya?" tumingin ulit ako sa dalawang lalaki. "Bakit hindi siya nagpapakita sa akin?"


Nanatiling tikom ang mga bibig nito kaya bumuntong hininga ako.


"Selena, Ryan, sumama kayo sa kanila. Dadalhin nila kayo sa bahay kung nasaan ang kapatid ko." Umuklo ako at ginulo ang mga buhok nila. "Maging mabuti kayong bata doon, ha?"


Mahinang tumango ang dalawa. "Makikita ka pa po ba namin, ate?"


"Susubukan ni ate. Sa ngayon.." kumuha ako ng dalawang box ng pizza at binigay iyon sa dalawang bata. ".. pagdating niyo sa bahay maligo kayo, ha? Tapos huwag kayong mahiya doon. Puwede rin kayo makipaglaro sa kapatid ko. Kainin niyo 'to doon. Yung isa ibigay niyo sa kapatid ko, sabihin niyo galing kay ate Cecelia."


"Opo, ate. Maraming maraming salamat po talaga. Paalam, ate."


Kumaway ako sa kanilang nakaupo na sa kotse. "Bye. Ingat."


Sumara na ang pinto at humarap sa akin ang dalawang bodyguard. "Mag-ingat raw kayo, ma'am, pauwi sabi ni boss."


Tinanguan ko ang dalawa. "Ingat din po kayo."


Tumalikod na ako papunta sa nakaparadang kotse na sinakyan namin kanina na may bantay na lalaki. Binuksan nito ang pinto kaya agad akong pumasok.


Sa buong byahe papauwi ay nakatingin lang ako sa bintana. Ano bang mayroon sa lalaking bumili sa akin at hindi siya nagpapakita? Hindi ba ako karapat dapat na makita siya?


Muli akong huminga ng malalim.


"Ma'am, hindi pa ho ba kayo bababa?"


The bodyguard pulled me out from my reverie. "Sorry.." hingi ko ng paumanhin at bumaba na ng sasakyan. Inunat ko ang mga kamay sa ere at humikab. "Haay.. nakakapagod."


"Ma'am, saan po 'to?"


Lumingon ako sa tatlong lalaki. "'Yung mga gamit sa kwarto na lang po tapos yung pizza.." kumuha ako ng dalawang box. ".. inyo na po itong natirang eleven boxes, mamigay po kayo sa mga kasama niyo."


Dire-diretso akong pumasok sa bahay at pumunta sa kusina habang dala dalawang box. "Manang?"


Si manang ang hinahanap ko pero isang lalaking nakasuot ng puting long sleeve ang nakita ko. Napakurap ako ng tatlong beses habang nakatingin sa guwapo nitong mukha.


"S-sino ka?"


His serious face examine me and it settled at the boxes I'm holding. "Why are you holding that?"

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon