"Salamat, ineng." Ngumiti ang ginang at binalingan ang batang nakahawak sa madumi niyang damit. "Kagabi pa ako hindi kumakain pati na rin ang anak ko."
Hinaplos ko ang buhok ng bata at nginitian ang ginang. "Wala naman pong kaso sa'kin itong ginagawa ko. Saka hindi naman umaangal 'yung asawa ko e." Mahina akong tumawa. "Siya pa nga nagbibigay nitong mga pagkain sa akin, ako lang 'yung namimigay sa inyo ng personal."
"Pakisabi na lamang sa asawa mo na maraming, maraming salamat. Malaking tulong na itong ginagawa niyo sa aming mga taong lansangan at walang makuhanan ng pera."
Tumango ako at ngumiti ng matamis sa kanya pati na sa bata. "Sige ho." Kumuha pa ako ng dalawang box ng pagkain. "Sa'yo na ito para mamaya."
"S-salamat po, ate."
Ginulo ko ang buhok niya at kumaway nang aalis na sila. Binalingan ko ang mga taong lansangan na kumakain sa covered court malapit sa tinitirahan namin dati.
Alam ko kung gaano kahirap ang maging kagaya nila dahil maski ako ay naranasan na ang maging kagaya nila. Noong pinalayas kami ni mama sa bahay. Halos tatlong linggo rin kaming natulog dito mismo sa covered court ng kapatid ko.
Napakahirap. Sobra. Pero kahit anong pakiusap ko kay mama na kahit si Cecille lang ang pabalikin niya ay walang nangyari. Sinubukan naming mamalimos at suwerte namin dahil mayroon paring mga taong busilak ang mga puso.
Kaya kahit paano ay gusto ko ring makatulong sa mga kagaya nila. Dahil napakahirap ng buhay ngayon. Kapag wala kang pera, wala kang makakain. Makakakain ka nga pero pagpag naman. Kailangan ng pera para may bubong kang matutuloyan. Pera ang katapat ng mga bagay sa mundo.
Nakakalungkot pero totoo.
"Ate? Pahingi po ako."
I was pulled out from my reverie by a child. "Sige, sandali lang ha?" Kumuha ako ng dalawang box at akmang ibibigay iyon sa kanya nang may pumalakpak na para bang nang-uuyam.
"So, tama pala ang nakuha kong balita.."
Napa-angat ako ng tingin sa isang babaeng nasa kwarenta na ang edad. Nakasuot ng magarang damit at maraming aksesorya sa katawan.
"Namimigay ng pagkain ang magaling kong anak." Sinabi niya 'yon na para bang nakakatawa ang ginagawa ko.
Nagbaba ako ng paningin sa bata at nginitian siya. "Pasensya na, ito na nga pala oh." Binigay ko sa kanya ang pagkain bago ginulo ang buhok niya. "Mag-ingat ka."
"Kinakain niyo 'yan?" Nandidiri niyang tanong sa mga taong kumakain ng binigay ko.
Marami na ang nakatingin sa kanya. Pati na ang mga bodyguards na kasama ko pero tahimik lang silang nakikinig.
"Nakakadiri. Nandidiri na nga ako sa mga itsura ninyo tapos kinakain niyo pa ang pagkaing binigay ng 'mabait' kong anak." Madiin niyang binanggit ang salitang mabait habang nakatingin sa akin. "Hindi niyo ba alam na ang kinakain niyong iyan ay galing sa pagbebenta niya ng katawan?"
"Mama!" I growled. "Ano na naman bang kailangan mo?!"
Ngumisi niya na tila ay nasisiyahan. "Ang sirain ka." Humarap siya sa mga taong nakatingin sa amin. "Ang trabaho ng anak ko ay isang GRO sa club. Binebenta niya ang sarili niyang katawan. At sigurado akong ang mga kinakain niyo ngayon ay galing sa mga sugar daddy niya sa club. Nakakadiri."
Malakas na tumawa si mama at itinuro pa ang mga kasama kong bodyguards. "Nakikita niyo ba ang mga lalaking iyan? For sure, nakama na ng mga iyan ang nagmamalinis kong anak."
Alanganin kong nginitian ang pangalawang nangangasiwa sa mga bodyguards at sinenyasan na huwag ng sumabat nang subukin niya.
"Ma.." tawag ko na ikinalingon niya. "Hindi ko ho ginagaw—"
"Sinunghaling! Binenta mo pa nga ang kapatid mong walang kamuwang-muwang dahil sagabal siya sa pagtatrabaho mo! Hindi mo madala sa tinutuloyan mo ang mga lalaki mo dahil nandoon ang kapatid mo!"
Hindi makapaniwalang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Mama naman! Kung lalaitin niyo ako, ako lang! Huwag na huwag mong idadamay ang kapatid ko na wala namang kinalaman dito! At kahit kailan hinding hindi ko ibebenta itong katawan ko!"
"See? Ikaw pa ang matapang. You sold your own sister para mas dumami ang pera mo!"
Pekeng natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw!" Galit kong sigaw. "Ikaw ang umabandona sa amin! Binenta mo ako sa club na 'yon, mama! Umangal ba ako? 'Di ba hindi!? Kasi iniisip ko 'yung kapatid ko na palalayasin mo kapag hindi ako pumayag!"
Naramdaman kong umiinit na ang sulok ng aking mga mata kasabay ng panunubig no'n. "Ginawa ko, mama! Pero putangina!" Tumulo ang luha ko sa aking pisngi. "Anong ginawa mo!? Ginawa mong pulubi 'yung kapatid ko! Ginawa mong manglilimos!"
Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga pisngi pati na ang nasa aking mga mata. "Pero salamat din dahil ginawa mo iyon sa amin." Gumuhit ang pagkalito sa kanyang mukha. "Nakalaya na kami sa'yo, ma. Nakawala na kami sa kadena namin sa leeg na hawak-hawak mo at nakatagpo kami ng taong tinulongan kami."
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesang puro box ng pagkain.
Babe calling...
Inayos ko muna ang sarili bago sinagot ang tawag niya.
"Babe?"
Tinignan ko muna si mama bago tumalikod na. "Hmm?"
"Come home, babe. To our house. To me."
"Hindi ka nga nagpapakita, 'di ba? May pa to me, to me ka pang nalalaman.. tse!"
I heard him laugh. "I... cooked for you, babe. So, come home? Please?"
"Totoo? Nagluto ka talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko at bumalik sa pwesto ko kanina. Nakita kong namimigay na ulit ang mga bodyguards na kasama ko na para bang walang nangyari. "Kuya, mauna na ho ako. Pinapauwi na ako ng boss niyo e."
Tumango lang ito. "Sige po, ma'am. Mag-ingat kayo."
Ngumiti ako sa kanya bago binalingan si mama na masamang nakatingin sa akin. "Para sa kaalaman mo, mama. Hindi na ako nagtatrabaho sa club ni Mommy Sera. Nilayo ako doon ng mga taong may mabubuting loob na kailan man ay hindi ka magkakaroon."
"Tell her that you have a very handsome husband, babe!"
Gusto umikot ng mga mata ko kaya tumalikod ulit. "Proof nga," hamon ko. "Kapag may pinakita ka, maniniwala ako sa'yo."
"Ngumiti ka nalang kapag nandito kana sa bahay. I'll watch you eat. See you, babe!" Lusot nito.
Napailing ako sa kanya. "Napakadaya mo talagang lalaki ka."
He laughed kaya pinatay ko na lang ang tawag. Nakakagago ang lalaking 'yon. Letse siya.
BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021