Chapter 37

11.7K 304 47
                                        

Hindi din nagtagal nang dumating si lola sa kwarto. Gulong gulo siyang nakatingin sa akin na nakabalot ng kumot.



"May sakit ka ba? Ang sabi ni Ellis ay kailangan mo raw ako."



Kinagat ko ang aking labi bago umusod papunta sa kanya, balot pa rin ng kumot. "Lola.. hindi ka naman magagalit, 'di ba?"



"Bakit naman ako magagalit?"



Binitawan ko ang kumot na tumatabing sa hubad kong katawan kaya napatingin doon si lola. Her eyes immediately grew bigger.



"Diyos ko! Ano 'yan? Si Ellis ba ang may gawa nyan?"



Lumunok muna ako bago mahinang tumango. Maraming namumula sa aking katawan lalo na banda sa aking dibdib.



"Mukhang gigil na gigil kagabi si Ellis ah? Desperado bang magka-anak?"



"Lola!" Nahihiya kong sigaw bago bumuntong hininga. "Inaya akong magpakasal ni Ellis, lola." Pinakita ko sa kanya ang singsing na nasa daliri ko.



"Hindi ba't kasal na kayo?"



Alanganin akong ngumiti. "Mahabang storya, lola, basta inaya niya akong magpakasal kagabi tapos... tapos.." hindi ko masabi!



"Nanggigil? Kaya nasobrahan?"



Agad na uminit ang aking pisngi sa sinabi ni lola. "M-masakit ang ibaba ko, lola."



Mahina siyang natawa. "Halika na. Tutulungan kitang makaligo."



Tango lang sinagot ko.



"Gaano ba kalaki at hindi ka makalakad ng maayos?"



"Lola naman!"




"SINO siya, 'Lo Tesyo? Bagong trabahador? Ang guwapo naman.."



"Ah, si Ellis. Hindi siya trabahador."



Nilagay ko ang pangatlong serve ng kanin. I exhaled loudly. This is exhausting. Si Nico at Cedrick ay kapareho kong nagse-serve pero ng ulam nga lang. Pabalik na sana ako ng kusina nang may tumawag sa akin.



"Hi?"



Nilingon ko ang isang babaeng lumapit sa akin ng seryoso. She's smiling but I hate it.



"Ako nga pala si Claudia, Ellis right? Kaano-ano mo si Lolo Tesyo?"



I just stared at her. Bakit kapag si Cecelia ang tinitignan ko ay napapangiti at lumalakas ang tibok ng puso ko? But her? I feel nothing.



Her smile got bigger when she realized that I'm staring at her. "Do you want to go out and talk?" She asked again.




Her voice is irritating me.



I was about to talk when someone pulled my shirt up.



"What the fu.. babe? Why.."



I blinked several times when I saw Claudia looking at my abdomen. Bumaba din doon ang aking paningin.



"Hi! I'm Cecelia, his wife. I'm sure you're seeing this  kaya alam kong alam mo na kung anong nangyari kagabi." Binitawan niya ang suot ko bago ngumiti ng matamis. "Please don't talk to my husband ever again. Ayaw niya pa naman sa mga kagaya mo, baka malaman mo na lang palutang lutang kana sa sapa."



The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon