Namula ako sa sinabi ng hindi pamilyar na lalaki. Nakasubsob kasi siya sa pagitan ng mga dibdib ko. Umiwas ako ng tingin dahil sa mapanuksong tingin ng dalawa
"Ayos ha. Ipinapaalala ko lang, Alpha, nasa ospital kayo wala sa bahay. Hinay hinay lang."
Nagulat ako nang biglang tumaas ang ulo niya at masamang tinignan ang nagsalita. "Naririndi na ako, Safyer. Puputulin ko na iyang dila mo."
Pero kita ko kung paano nila titigan ang mukha ng asawa ko. That's when he realized that he's not wearing any mask.
"Fuck! Babe, hide me!" Tila bata na sigaw nito at sumubsob na sa tiyan ko.
"A-Alpha.. ikaw ba t-talaga 'yan?"
Sinamaan ko ng tingin si Nico dahil sa tanong nito. "Malamang! Sa tingin mo ba ay hahayaan kong may gumanito sa akin maliban sa asawa ko ha!?"
Nakaawang pa rin ang labi nilang dalawa. Sinara ni Nico ang pinto at nilapitan ang asawa ko.
"Alpha, patingin ulit! Ang pogi pala na'tin ah?"
Napabuntong hininga ako nang tumaas ang gitnang daliri ng asawa ko bilang tugon kay Nico. "Magpakita kana, babe. Nakita na rin naman nila iyang mukha mo."
Tinignan niya ako pero nakasubsob pa rin ang kalahati ng mukha sa aking tiyan. "Cecelia.."
Ngumiti lang ako. He took a deep breath before standing. Kinuha niya ang upuan at umupo doon nang nakatungo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa itsura niya.
"So this is what you've been hiding for your entire life?"
Lumapit ako sa tainga ng asawa ko at bumulong. "Sino siya?"
"Right. He's Cedrick Safyer, a friend of mine. Also he's Beta."
Napamulagat ako at tumingin kay Cedrick. "Sorry nga pala noong napagkamalan kong betamax ang posisyon mo. Hindi ko alam e."
He scratched his nape and smiled. "That's nothing."
"Sabi sa'yo e. Puwede mo silang laitin kahit kaluluwa pa nila."
"Wolfgang Ellis.." nagbabanta ang tonong pagkakasabi ko. He just shrugged.
Napatingin ulit ako kay Cedrick para humingin ng despensa pero nakatabingi ang ulo nito.
"Wolfgang Ellis? Pangalan mo 'yon, Alpha?! Wow! Ang weird!"
Nakagat ko ang labi nang makita ang pagtiim ng bagang ng asawa ko. "It's not my fault that my dad named me after the famous composer Wolfgang Amadeus Mozart. Besides he's named after Ludwig Van Beethoven too."
Kumunot ang noo ko. "Saan galing ang Ellis?"
Doon na nawala ang inis sa mukha niya. "My mom gave that name. She told me that it means benevolent, kind and good-hearted, but I'm the opposite of my name."
Napatingin ako sa dalawang lalaking nakatingin lang sa amin. "Ano... nga palang ginagawa niyo dito? May kailangan ba kayo?"
"Mr. Percival Villamartin visited your house pero wala kayo. Tumawag ang isang bata ko papunta na raw dito para kumustahin kayong dalawa kaya bumalik kami."
Percival Villamartin?
Umungot ang asawa ko na para bang napakalaking problema ang pagpunta ng ninong niya. "Ayokong makita si ninong.."

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021