Minulat ko ang mga mata para tignan kung anong nangyayari dahil umaalog ang kamang hinihigaan ko. Only to find Alescia bouncing on the bed.
"Alescia, stop. Moma's still sleepy." I said and turn my back at her.
"Guweps! Guweps!"
Inaantok na bumangon ako sa kama at pinuntahan ang mini-ref sa kuwarto namin para kumuha ng grapes.
I gave Alescia the grapes she wanted before throwing myself to the bed again. Muli akong pumosisyon sa higaan at pumikit.
I am about to doze off when I heard someone knocking on the door.
Really?!
"Cecelia? Are you still asleep? Nicolaos Galbez and Cedrick Safyer are here."
At dahil nakatalikod ako sa bandang pinto ay hindi ako kumibo. My eyes are glued on the opened window.
Papalubog na ang araw.
I heard his footsteps walking towards my direction.
"Alescia, did moma wake up na?"
Alescia giggles. "Guweps!"
"Anak, they wanted to explain to you. Kausapin mo naman sila."
Hindi pa rin ako nagsalita. He sighed again.
"Come, baby Alescia. Let's go downstairs. Two of your Titos are there."
Nang marinig ang pagsarado ng pinto ay agad akong tumihaya. It's been two days since that incident happened.
The first time I saw how broken my husband really is. Pinakaunang beses na nakita ko siyang hinang hina. Even his twin, Amadeus.
Pareho silang may tinatagong sakit na galing din sa parehong dahilan. I wanted to blame Uncle Perci so bad. Gusto kong magbigay siya ng tamang rason sa mga ginawa niya.
Pagkatapos din ng insidenteng 'yon ay pinaghiwalay kami ni papa. Pinadala niya si Ellis sa mansyon ng lola niya while he brought me to his house.
"They need to talk as a family, anak."
Iyon palagi ang sinasabi niya sakin kapag pinipilit ko siyang puntahan namin si Ellis. Gusto ko lang naman aluin ang asawa ko. I wanted to make him feel that he have me. Na puwede niya akong mapagsabihan ng kung ano.
After what I saw, it just pushes me. Ayokong makitang ganoon si Ellis. He's still stuck in the past. His painful past. Sa likod ng mga masaya nilang mukha ay may nakatagong sakit.
Amadeus also didn't contact me. Pareho sila ng kuya niya, si Ellis.
Bumuntong hininga ako at umupo sa kama para mag-unat ng kamay. Lumagutok ang leeg ko pati na ang likod ko pagkatapos mag-stretching.
Naghilamos muna ako at inayos ang sarili para harapin sila Nico.
Their eyes are on me when the elevator opened. Buryong tinungo ko ang pang-isahang sofa at doon umupo. "Talk now."
"Puwede bang magtanong kana lang? Hindi kasi namin alam kung saan nagsisimula."
Pinagkrus ko ang mga braso habang nakatingin kay Nico. "Hindi mo alam kung saan magsisimula? Kung ganoon ay bakit kayo nandidito?"

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021