"A-Ano ho pinagsasasabi niyo?" Gulong gulo kong tanong.
Sasagot na sana siya nang may lumapit sa kanyang isang guwardya at may binulong sa kanyang tainga. "Amadeus, you are dead." Sabi ni Don Estavo pagkaalis ng guwardya.
Amadeus, on the other hand, fixed his posture. "I guess, I need to ready myself."
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nilang mag-lolo. But my confusion vanished when I saw someone entering the front door. Ang mukha niyang tila handa nang pumatay. His deadly eyes are locked on Amadeus.
Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang direksyon ng kakambal bago ito hinawakan sa kuwelyo at sunod sunod na sinuntok sa mukha.
"I told you several times, didn't I?! I said, don't you fucking get her out of house!" Binitawan niya ang kuwelyo nito ngunit isang sipa naman ang pinakawalan niya. "What if he saw her? Nag-iisip ka bang putangina ka?!"
Sinong he? Sinong makakakita sa'kin?
Amadeus laughed while on the floor. Hawak na si Ellis ng dalawang guwardya at pilit pinapatigil. This is the first time I saw him like this. Galit na galit at handa nang pumatay. Shit! I have to do something!
"Let me go!" Sigaw niya at nagpumiglas. "Tangina ka, Amadeus! I will fucking kill you! Let go of me!"
Tumingin ako sa lola nila pero nakatingin siya sa'kin, probably waiting for me to stop him. Wala na akong sinayang na oras at tinakbo na si Ellis.
I held his face and look at his sharp eyes. "Babe, listen to me. I'm safe. Walang nangyari sa'king masama. Tama na. Calm down."
Naramdaman kong tumigil siya sa pagpumiglas bago dumapo sa aking magkabilang pisngi ang kanyang mga palad.
"I'm sorry." he mumbled. "I'm so sorry." Mahigpit niya akong niyakap sa baywang at binaon sa aking leeg ang kanyang mukha. "Forgive me for hiding. Patawarin mo 'ko dahil nagpanggap ako. I'm sorry for hiding you. I'm so sorry for taking our daughter away from you."
Naramdaman kong namasa ang aking leeg. Kaya kahit naiiyak ay sinubukan kong aluhin siya. "It's ok. Iintindihin pa rin kita. Don't cry."
"I'm sorry for disappointing you.." mahina niyang sabi. "Sorry dahil napunta sayo ang lahat na responsibilidad ko kay Alescia. I'm so sorry, Cecelia. I'm so sorry. Forgive me, babe. Forgive me, please."
I caressed his back and bury my own face on his shoulder. "Tama na. I forgive you. Alam kong may dahilan ka so stop saying sorry." I tried looking at his face. "Stop crying baka pagtawanan ka ng kakambal mo. Siraulong gago pa naman."
Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya. He kissed my forehead first before fixing his posture again.
Masama siyang tumingin sa kapatid niya nagpupunas ng tissue sa mukha. "That's for your disobedience."
"Ang tanda ko na para sa pagdidisiplina mo, kuya. Masyado kang namimisikal."
Akmang aambahan niya ulit si Amadeus nang kurutin ko siya sa baywang. Bumaba ang mga mata niya sa'kin bago umiwas ng tingin.
"Hindi mo man lang ba kami babatiin, Wolfgang Ellis?"
Ngumisi sa kanya si Amadeus. "Lagot ka."
Umikot ang mga mata ni Ellis bago bumitaw sa akin para puntahan ang lolo't lola niya.
"Good afternoon, Lola." Nagmano siya sa dalawa. "Good afternoon, Lolo."
Tumango lang ang lola niya. "Where's this daughter of yours? What's her name?"
"At her father's house." Bumalik siya sa akin bago ako hinila paupo sa unupuan ko kanina. "Her name is Dream Alescia."
Sumabat bigla si Amadeus. "Alescia's cute and she got your eyes, lola."
Sumama ang timpla ng mukha ni Ellis bago tinapunan ng unan si Amadeus na madali naman nitong naiwasan.
"Really? I want to see her."
Tumango si Ellis. "Also I'm planning to complete your favorite composers, lola. Kapag nagkaroon kami ng anak na lalaki ay Franz Haydn ang ipapangalan ko."
Bumilog ang bibig ng lola niya at tila ba'y nasisiyahan sa nalaman. "I can't wait for that." Bumaling siya kay Amadeus. "Ikaw, kailan ako magkakaroon ng apo sa iyong pasaway ka?"
Umiwas ito ng tingin. "Wala pa akong plano, lola. Kapag siguro naayos na ni kuya ang dalawang batas sa organisasyon ay saka na."
"Kumusta na nga pala ang mga batas na iyon, Ellis?"
"Malapit ko ng matapos, lola."
"And the traitor?" Nakataas ang kilay na tanong ng lolo niya.
Nawalan ng emosyon ang mukha ng asawa ko. "Malapit nang magbayad. Amadeus and I are on it."
Traydor? Sino?
Humigpit ang hawak ko sa damit ni Ellis na ikinatingin niya sa'kin. "Nothing's gonna happen. You and Alescia are safe." Pagsisiguro niya.
"Stop flirting, you people."
Masama ulit siyang tumingin sa kakambal. "Itikom mo iyang bibig mo baka sungalngalin ko ng baril."
"Ellis? Do you remember playing with me when you were a child?" Biglaan kong tanong nang maalala ang sinabi ng mag-asawa kanina.
Kumunot ang noo niya. "What are you saying?"
Tumingin ako sa lola niya. "See? He also don't remember."
"What are you talking about? Ano ang hindi ko maalala?"
Huminga ng malalim ang lola niya. "You and Cecelia were playmates back then. You call her C while she calls you Wolf."
Nakita ko kung paano nawala ang pagkalito sa mukha niya na pinalitan ng panlalaki ng mga mata. "No way! You're lying!"
Sumama ang tingin ng lola niya sa kanya. "Don't you dare raise your voice in front of me!"
Lumunok si Ellis bago nagsalita gamit ang malumanay na tono. "Sorry.."
"I can still remember how you asked Ceril that you'll marry his daughter." Nagkatinginan kami ni Ellis dahil sa sinabi ng lolo niya. "You were like 'Uncle Ceril, I will marry C when I'm big na! Then we will have lots of kids!'"
Ha?
"S-stop messing with me, Lolo.."
"I'm not, kahit tanungin mo pa mismo si Ceril, I'm sure he can still remember that. Actually, he will always remember it. Isigaw mo ba naman habang nag-uusap-usap kami kasama ang papa at grandparents niya."
"I-I.."
"Huwag mo ng ikaila, kuya, demanding ka masyado e. Nakakahiya ka. Saka isa pa, asawa mo na rin si Cecelia kaya kapalan mo na lamang iyang mukha mo."
Diyos ko, Amadeus!

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
Roman d'amourUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021