Chapter 33

11K 330 17
                                    

Cecelia's grandmother serve me with foods. May sinigang, kare-kare, at afritada.



"Pasensya na, hijo. Iyan pa lamang ang naluto ni Tesyo dahil sa susunod pa naman na araw ang fiesta kaya hindi pa nakakatay ang mga baboy."



I smiled at her. "Madami na nga ho 'to. Join me po, ma'am."



"Lola na lang, hijo."



I bit my lip before nodding. "Ellis na rin lang ho."



"Sige na. Kumain kana."



Tumango ulit ako at hinawakan na ang mga kubyertos. Kumuha ako ng kanin at kaunting kare-kare. Habang ngumunguya ay nilasap ko ang lasa. "Masarap ho palang magluto si lolo Tesyo. Pareho lang kay Cecelia, kahit lugaw ay hinahanap-hanap ko kapag siya ang nagluluto."



She laugh. "Syempre naman. Si Ceril yata ang nagturo sa apo kong iyon."



Kumunot ang noo ko at nilunok ang nginunguyang pagkain. "Ceril?"



"Hindi mo kilala si Ceril?" Nagtataka niyang tanong. I shook my head as an answer. "Si Cerillo o mas kilala bilang Ceril ay ang tatay ni Cecelia. Hindi niya ba sinabi sa iyo?"



Mahigpit kong hinawakan ang kutsara't tinidor at ngumiti ng pilit sa matanda. "She didn't."



She sigh. "Talagang hindi niya sasabihin iyon sa'yo."



"What?"



She sat on the opposite chair of mine on the other side of the table. "Hindi mapagkuwento ang apo ko, Ellis. Lalong lalo na kapag tungkol kay Ceril. Dahil muntik nang ikabaliw ng apo ko ang pagkawala ng kanyang ama, Ellis. Literal na baliw. Siguro ay masyado lang napamahal si Ceril kay Celi kaya ganoon."



Napakurap ako. "Ano ho?"



She just smiled. "Kumain kana."



Matagal ko siyang tinignan bago kumain ng dahan dahan. Did I heard it right? Cecelia almost lost her sanity because of her father.



Napansin yata ni lola ang malalim kong pag-iisip kaya kinuha niya ang atensyon ko.



"Hijo, huwag mo ng isipin iyon. Maayos naman si Cecelia sa'yo, hindi ba? Inaalagaan mo naman siguro ang apo ko?"



"Rest assured, lola 'Tina."



She reached for my head and messed my hair. "Kain ka lang."



"Ay oo nga ho pala. May darating pa ho akong mga kasama, kasabay nila si Cecille."



She nod with a smile on her face. "Kain na."



Like what she said, I did eat. Papatapos na ako nang may yumakap sa leeg ko mula sa likod.



"Hindi mo 'ko ginising."



My lips stretch for a smile. Binitawan ko ang tinidor para abutin ang ulo niya. "You're asleep, how can I wake you up when you look so comfortable sleeping?"



She kissed my cheek before sitting on the chair next to me. "Masarap?"



Tumango ako at ginamit ang tinidor para tumusok ng isang hiwa ng kare-kare. "Say ah." Bumuka ang bibig niya kaya pinasok ko na ang karne sa loob. "Masarap?"



She nod. Kinusot niya ang isang mata at mukhang inaantok pa kaya inusod ko ang upuan para maitabi sa kanya. Ginamit ko ang kamay ko para ipasandal ang ulo niya sa balikat ko.



"You should have sleep more."



Naramdaman kong umiling siya. "Wala ka naman doon. Natulog akong yakap kita pero wala ka noong magising ako."



I pressed my lips together to hide my smile. Kinikilig pa nga yata ako. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil walang wala sa plano ko dati ang magkaroon ng asawa ngunit mukhang pagsisisihan ko kung hindi nga ako nagka-asawa at hindi pa siya iyon.



Narinig kong malakas na tumawa si lola 'Tina kaya napatingin ako sa kanya habang nginunguya ang pagkain kakasubo ko lang. "Ang sweet naman ng mga apo ko." She made a face like she realized something. "Kailan kayo magkaka-anak? May apo sa tuhod na ba akong dapat asahan, Cecelia?"



Bumara ang kanin sa aking lalamunan kaya naubo ako. Hinarangan ko ang bibig habang umuubo at inabot ang tubig.



Why the heck is she asking that?!



"Ayos ka lang?"



Tumango lang ang isinagot ko habang mahinang hinahampas ang dibdib.



"May mali ba sa itinanong ko?"



Agad naman akong umiling at nilingon si Cecelia na nakatingin sa mga pagkain sa lamesa. "Wala naman ho."



Using my right knee, I tried to get Cecelia's attention.



She look at me and to her grandmother. "Wala pang laman itong tiyan ko, lola. Pinagtaguan kasi ako ng asawa ko, may babae yata e." Kinuha niya ang tinidor ko at ginamit iyon para kumuha ng afritada.



My jaw almost drop to what she said. What the fuck?! Nanlalaki ang mga matang binalingan ko ulit ang lola niya. Her forehead is creased probably processing her grandchild's words.



"W-wala ho akong babae." Pagpapaliwanag ko. "B-babe.. what the hell are you saying?"



Siniringan niya lang ako habang kumakain.



"Babae? Sinong may babae?



Lumunok ako at nag-angat ng tingin sa kakarating lamang na lolo ni Cecelia. "Babe, explain this. Wala akong babae. Palagi akong nasa opisina sa bahay at alam kong alam mo 'yon. I'm working outside sometimes but no girls. Ngayong mga nakaraang araw nga ay palagi akong nasa kuwarto dahil nandoon ka at natutulog. You like to cuddle with me because of my scent, you said."



She just look away. I sharply sigh. Shit! Anong ipapaliwanag ko sa lolo't lola niya?!



Bigla na lang bumuka ang aking bibig at iniluwa ang mga salitang hindi ko alam kung saan galing.



"I can impregnate you right now if that can prove my will of being your husband."



Saka ko lang na-realize ang sinabi ko nang lingunin niya ako nang may malaking mata at ganoon din ang dalawang matanda.



"W-what did I s-say?"



Muli akong napalunok. Parang gusto ko na lamang iuntog ang sarili ko sa lamesa hanggang sa mawalan ako ng malay dahil sa kahihiyan. Ano ba kasing pinagsasasabi ko?!



"N-nagjo-joke lang naman ako.." she said in a low voice.



Fuck! A joke?!



I bit my lip and look down. My eyes shut off. That was so embarrassing, Ellis!



Narinig kong tumikhim ang lolo niya kaya nag-angat ako ng tingin. "Sa susunod na iyang pagbuntis mo sa apo ko." He look at Cecelia. "Ikaw, bata ka, huwag mong niloloko ng ganoon ang asawa mo. Halatang patay na patay sayo tapos ginaganon mo."



Patay na.. patay? What the hell does that mean?!



"Ah, nga pala. Gusto mo bang mamitas ng mansanas, Ellis? Puwede mo ring kainin, magdala ka lamang ng tubig."



Nilingon ko si Cecelia na kinakain na ang isang mangkok ng afritada. "Pagkatapos na ho kumain ng asawa ko."



She look at me with her red cheeks before eating again.

The Famous UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon