Lumabas ako ng kwarto pagkatapos maligo. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil may gusto akong puntahan. Kanina pa sana pero kinakabahan ako kaya naligo muna ako.
Huminga ako ng malalim bago pinuntahan ang isang pintuan na may isang bantay na lalaki. Nang makita ako ay agad itong naging alerto.
"Hi, kuya!" Matamis na ngiti ang binigay ko dito. "Ano ho ginagawa niyo dyan?"
Ang walang emosyon niyang mukha ay nanatili bagaman ay alerto pa rin. "Nagbabantay po, ma'am. May kailangan ba kayo?"
Sa aking isip ay ngumisi ako. Kanina ko pa 'to pinag-isipan kaya alam ko na ang isasagot ko sa iyo. "Ah, may ipapakuhang papeles ang asawa ko. Pipirmahan ko raw e." Nakangiti kong sambit.
Matagal siyang tumingin sa akin bago binuksan ang pinto. Wow! Gumana talaga 'yon?"
"Salamat po, kuya!"
Parang isang bata akong pumasok sa opisina na pinagdalhan sa'kin ni manang Lita dati nang papirmahin ako sa marriage contract namin. Pinuntahan ko agad ang lamesa nang sumara ang pinto.
Tinignan ko kung mayroon mang gamit na puwede kong gamitin na pagkakilanlan sa asawa kong hindi ko kilala pero wala akong nakuha. Tila ba'y normal na lamesa lang ang naroon.
Lumibot ang paningin ko sa loob pero isang hindi pamilyar na bagay lamang ang nakakuha ng aking atensyon na agad kong nilapitan.
A wolf mask inside a glass. Hahawakan ko sana iyon nang may magsalita sa loob.
"You're naughty as ever, Cecelia."
Para akong nanigas na tubig sa aking kinatatayuan. Galing na naman sa speaker ang boses niya pero para parin akong nahuli ng personal.
"Nakikita mo ako?" Panigurado kong tanong.
He chuckled. "Of course. I wouldn't miss this chance to see you sneak through my office and lie to the guard that I ordered you to get and sign some kind of papers."
Napanguso ako at naglakad papunta sa upuan bago doon umupo. "Hindi ko naman kasalanan na pinapasok niya ako dito."
"Correction, babe. I let you in not him. Inutusan ko siyang buksan ng pinto ang maganda kong asawa."
Sumama agad ang timpla ng mukha ko. "Ayan ka na naman sa kalokohan mo e."
He laughed. "Ok, my wife."
"Nga pala, kumain kana ba? Gusto mong ipagluto kita? Don't worry, ipapahatid ko sa mga bodyguards na nandito yung pagkain papunta sayo. Kung nasaan ka man."
Kumunot ang noo ko nang wala akong narinig na sagot mula sa kanya. "Nandyan ka pa ba? Hoy, ano payag ka?"
"S-sure.."
"Bakit ka nauutal? May nangyari ba?"
"Nothing." Mahina siyang natawa. "I'm just surprised about you cooking for me."
Napangiti na rin ako. "Nako, ano ka ba? Wala 'to. Mas marami ka pa ngang naitutulong sa akin e."
"Alright. I'll watch you in the kitchen then."
"Siya nga pala, puwede bang bilhan mo ako ng cellphone? Kung maaari ay yung pareho ng sayo sana." Nahihiyang sabi ko na ikinatawa niya ulit. "Huwag mo nga ako pagtawanan! Nakakahiya kaya!"
He stop laughing. "Hey, Beta, I need another cellphone like mine. Contact Neo-Technetronic and tell Ian that I need one for my wife."
"Beta? Anong beta? Betamax? As in 'yung inihaw na dugo ng manok?" Lutang kong tanong.
He burst into laughter. "Fuck it!" Muli siyang tumawa. "You hear that, Beta? My wife is bullying your position."
A sarcastic voice appeared. "Yes, I heard it, you moron."
"Hala! Naka-loudspeaker ba ako? Beta, pasensya na hindi ko naman kasi alam na posisyon pala yon. Akala ko pagkain." Nakangusong hingi ko ng tawad.
"Nah. It's ok. Kahit lait-laitin mo pa nga ang pagkatao nila, I got you."
Napakurap ako sa sinabi niya? Anong kahit pagkatao pa ng Beta na 'yon ang lait-laitin ko? Hindi ba sasama ang loob sa kanya ng kaibigan niya?
"Aalis na ako. Ipagluluto ko kayo." Hahakbang na sana ako nang may maalala. "Dalawa lang ba kayo dyan?"
"No. Nico's with us. So basically, we are three here."
Kumunot ang noo ko sa boses at tono niya. "Bakit parang labag na naman sa loob mo ang pagsagot sa akin, ha?"
"Nothing, babe. Magluto kana. I'll watch you."
Umikot ang mga mata ko bago naglakad papunta sa pinto upang buksan. Pagkalabas ko ay nagpasalamat ako kay kuya na nagbabantay at tumakbo na pababa ng hagdan, narinig ko pa ngang sumigaw si kuya na mag-ingat raw ako at magdahan-dahan.
Malaki ang ngiti sa labi na pumasok ako ng kusina. Nandoon si manang at parang naghihintay. Nang makita ako ay ngumiti siya agad na ginantihan ko naman.
"Halika, ipagluluto mo raw ang asawa mo."
Pumunta ako sa ref at binuksan para kumuha ng manok. Kumuha din ako patatas at carrots bago tumingin kay manang.
"Manang, puwede ho bang pakihugasan at pakibalatan na rin?" Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
Kinuha ni manang ang mga iyon sa akin at inilagay sa lababo. "Oo naman. Hala't maghanda ka na ng iba pang sangkap."
Muli akong ngumiti at tinalikuran siya. Kinuha ko ang manok at tinadtad iyon na parang iaadobo. Naghanda na rin ako ng bawang, sibuyas, kamatis, tomato sauce, patis, at green bell pepper.
Tinadtad ko sa bilog ang binalatan ni manang na carrots at patatas. Hiniwa ko na rin ang bell pepper.
Huminga ako ng malalim bago inilagay ang cooking pot sa stove. Naglagay ako ng mantika at nang uminit na ay nilagay ko ang bawang at sibuyas. Sunod ang kamatis.
Naghintay ako nang isang minuto bago nilagay ang manok.
"I bet that will taste good, babe."
Napailing ako habang nagsasalin ng sarciadong manok sa pangatlong tupperware. "Tikman mo muna bago ka magkomento."
"I can't wait."
Pilit kong pinigilan ang ngiting gustong kumawala sa aking mga labi.
Nakakamiss ang ganito.
Pinagluluto ko dati si Cecille ng ganito dahil paborito niya. Nakakalungkot lang dahil tuwing birthday lang siya nakakakain ng paborito niya dahil kapos ako sa pera. Hindi rin ako mabigyan ni mama ng pera kahit isang daan man lang.
Nang matakpan ang tupperware ay nag angat ako ng tingin sa kawalan. "Babe?" Mahina kong pagtawag sa kanya. "Puwede bang.."
"What?"
Kinagat ko ang labi, "...padalhan ko rin si Cecille? Paborito niya kasi ang sarciadong manok. Puwede ba?"
"Why not? As long as it can make you happy, babe."
Naiiyak ako na natutuwa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. "Salamat! Salamat talaga..." gusto ko sanang banggitin ang pangalan niya pero hindi ko naman alam kung ano. Ngumiti ako at bahagyang umiling. "Kapag nakita kita ay hahalikan talaga kita sa pisngi bilang pasasalamat."
Mahinang tumawa ang malalim niyang boses. "Hmm.. soon, babe. I'll kiss you soon."

BINABASA MO ANG
The Famous Unknown
RomanceUnknown... Status: C O M P L E T E D Started: January 7, 2021 Finished: March 25, 2021