Halos ilang buwan na din akong pinagtsatsagaang ligawan ni Kian. Pero hanggang ngayon, parang wala pa din akong lakas ng loob na malaman ang mga totoo about him and Zoe, sabi ko nga sa sarili ko: DI PWEDENG DI KO MALAMAN YUN. Madaming dapat iexplain sa akin si Kian, madami siyang dapat bigyan ng linaw. Ngunit, sadyang ako ang di pa talaga handa. Kaya, pagpasensyahan niyo na muna ako. Siguro’y masakit pa sa akin ang iba, kahit pa sabihin na natin na maayos na kami ni Kian. Sadyang may mga bagay minsan na mahirap balikan o buksang ulit, kahit pa sabihin na natin na kahit papaano, kahit konti ay maayos na din ang lahat.
At ika nga din ni Kian “SOMETIMES THE TRUTH IS THE LAST THING WE NEED TO HEAR.”
Medyo, may kaba ako sa sinabi niyang yan, kaya naman pinaghahandaan ko na iyan.
Pero ito na din siguro ang sinasabing pagkakataon, ang masayang pagkakataon! kasi kay Kuya Caleb at sa daddy niya, nalaman ko na, AKO pala talaga ang dahilan bakit MAS PINILI NIYANG MAG-ARAL DITO SA PILIPINAS, KAYSA SA KOREA. Kahit pa pumasa siya sa SNU. Taon taon niyang sinusubukan ang mag-aral dun, pero taon-taon din siyang di natutuloy, di niya daw muna siya magtatagal sa isang lugar hanggat di kami nagiging maayos.
Yan ang galing sa aking TRUSTED SOURCES, ang daddy niya at si Kuya pogi. So, kahit papano, nalaman ko na di si Zoe ang dahilan. AKO! AKO! Si SHIMMERA LYONN PARAISO GONZALES, a.k.a. SAI ang dahilan!
Natapos na ang Pasko, New Year, Valentine’s Day . At, ilang araw na lang, GRADUATION NA NILA KIAN! Pero bago yun, bukas! birthday ko na! concert na ng CNBLUE! Sa wakas! Makikita ko na ang sinasabi ni Yuri na kamukha ni Kian, si JUNG YONG HWA.
Paanong di ko matatandaan? Actually, naumay na ngakami ni Eam, lalo na siguro ako. From Monday to Saturday, sa araw araw na ginawa na lang ni bathala, araw araw din kung makaremind itong si Yuri sa concert na pupuntahan namin ng Sunday. Naconvinced niya ang aking inang reyna na mapapunta ako, total naman daw birthday ko! at sila daw ni Eam ang bahala sa akin. Well, with that word? BREAK A LEG lang ang masasabi ko.
Napapayag niya din ang inang reyna ko na mag absent ako kina Lunesan! kung di ba naman kasi siya bruha SUNDAY ANG CONCERT E!. At san pa kami manggagaling? Basta malayo sa kung san kami nakatira.
“Hey Sai! bilisan mo, ang bagal mo!” sabi sa akin ni Eam, habang papunta na kami sa lugar kung san dapat kami nalaupo. Mabuti na lamanag at pinakaunang row kami.
“Just a bit of your patience, makakakita na tayo ng mga yummy fafabels!” si Yuri sabay appear nila ni Eam. ang dalawang bruhang ito! lalo na itong si Yuri, kala mo kung sinong refined? Pakitaan mo ng poging boylet, daig pang sinapian at nalagyan ng higad ang katawan. SUS!
PAG GWAPO AT POGI ANG USAPAN, MABILIS PA SA ALA UNA ANG MGA KASAMA KO! syempre ako din no! Sarap kaya sa paningin na makakita lagi ng pogi! Kaya nga, gustong gusto ko lagi nakikita si Kian, dahil para sa akin isa siyang MAGANDANG TANAWIN!
Umpisa palang ng pagpapakita ng 4 na members ng boyband na ito, grabe na makatili ang lahat. Okay, pati po ako, kasali ako sa nakikitili! Eh ang gugwapo nga talaga nila! feeling ko nagstopped ang heartbeat ko nang makita ko sila. Hay, lalo naman ng magpakilala sila. Natatawa man ako, sa kung pano sila magtagalog, CUTE PA DIN SILA.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...