(FLASH BACK)
Oras na ang lumipas ngunit itong si Sai ay hindi pa din humuhupa ang kanyang inis na nararamdaman, oo inis sa sarili. Paano’y hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya, may parte ng kanyang pagkatao na gusto niya din naman yung nangyari at naiinis din siya kasi hindi niya din alam kung bakit. Naguguluhan at di niya alam ang malinaw na dahilan.
“Yuri, tignan mo kanina pa titig na titig yang bruhang yan sa salamin” pabulong na sabi ni Eam sa kaibigan habang sabay nilang pinagmamasdan ng mabuti si Sai.
“Hay naku, ano nangyayari diyan? Naku ha! Naku don’t tell me…” di na naman naituloy ni Yuri ang sasabihin, dahil ewan at itong si Sai ay biglang bumalik sa kanyang katinuan at nadinig ang sinasabi ni Yuri
“Excuse me ha! As in EXCUSE ME! never will i admire that guy! EXCUSE ME… he’s such a show off kaya imposible” maarteng pagrereact ni Sai
“Hoy teka nga lang Sai, wala naman ako sinasabing ganun ah!” taas kilay na sabi ni Yuri dito. “Defensive masyado, baka nga totoo ang mga sinasabi mo” may pakindat pang habol ito
“Che! Sabi ko naman di ba imposible, as in impossible…”
“Ok, sabi mo eh.” Tanging yun nalang ang nasabi pa ni Yuri.
“Teka nga, ano nga ba kasi sasabihin mo?” tanong naman ulit ni Sai sabay harap ulit sa salamin.
“Kanina mo pa tinititigan reflection mo jan ah!” inis na sabi naman ng isa pang nanahimik at nagtatakang si Eam “Baka mainlove ka na n……”
“What?” agad na tanong na naman ni Sai, dahilan para hindi na naman maituloy ng kaibigan ang sasabihin.
“Ikaw, sira ulong babae ka, high na high ka ata!” may pagtangong sabi ni Yuri dito.
“Kanina niyo pa kaya ako pinagtutulungan”
“Excuse me lang din Sai, ang weird mo kaya no!kanina pa, as in kanina pa din. Yan ba ang impact sayo ng nangyari kanina?” tanong ni Yuri dito, siya din namang naging dahilan para matahimik bigla si Sai at mapabuntong hininga.
“Tara na nga Yuri, mahirap kausapin ang nababaliw” paghila ni Eam kay Yuri sabay labas ng C.R.
Si Sai muling tumingin sa salamin at kanyang tinakip ang dalawang palad sa mukha “Sai” saway niya sa sarili. “Behave.” At sumunod na siya sa dalawa.
“Pinauuso niya yata ulit ang party line eh, kanina pa singit ng singit. Di matapos tapos sasabihin natin” pairap na sabi ni Yuri sa gawi ni Sai sa likudan nila.
“Oo nga, kung anu-ano pinagsasabi. Well, may nararamdaman akong kakaiba ha!” paarteng sabi din naman ng isa pa
“Tama nga, mukhang ngayon ko lang mapapatunayan na “Kabig ng bibig, Tulak ng dibdib” sabay pakikipag appear ni Yuri kay Eam.
“Hoy kayong dalawa nadidinig ko kayo! Wala na kayong ginawa kundi magtsismisan jan!”
“Alam naming nanadidinig mo mga sinasabi namin.” Maikling tugon ni Yuri
“Yup, Tama. Kasi sinasadya naming madinig mo. Kaya hindi ka na namin pinagtsitsismisan at isa pa hindi ka ba nakakailag sa mga sinasabi namin?”pang aasar pang lalo ni Eam dito.
Si Sai, ito naiinis din naman kaya ang tangi na lang nagawa ay hinarap ang dalawa, naniningkit ang mga mata at kanyang pinakikita ang mga daliri na akala mo ay mangangalmot na parang tigre sabay paspas ng lakad palayo sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...