CHAPTER III

1K 8 2
                                    

(PRESENT TIME..)

"Kian! Kian!" nagmamadaling tawag ni Jason kay Kian ng matanaw nya sa bintana sina Sai

."What?" tanong ni Kian sa kanya habang kinakapa kapa ang hinampas ni Jason sa balikat nya.

"Sino yun?" tanong ni Jelard kay Kian halos magkapalit na sila ng mukha sa pagkakadikit ng mukha nito

"Hala may nakauna na naman sayo bro"

"Nakauna? Huh! i dont plan, courting her again." sungit na sabi ni Kian sa mga kabarkada sabay labas ng kanilang classroom.

"Problema nun?"tanong ng isa

"It hurts you know?" nakahawak sa dibdib na sabi ni Jelard sa kanila

"Sabagay" sang ayon naman halos ng lahat at napatango naman ang iba habang nakatingin pa din sa labas ang iba sa kanila

"Si Cris yun, yung kapartner ni Sai sa pageant" nakatingin pa din sa labas si Jason habang nagsasalita. "Kayo naman agad nyo biniro si Kian ng ganun baka naman kasi nag uusap lang"

"Di naman affected si Kian, di ba nga sabi niya wala na siya balak" sabat ni Andy

"Sige na Cris balik ka na sa practice nyo, madami ka namissed kaya sige na" sabi ni Sai kay Cris habang tinatapik ang balikat nito nang biglang may humarurot at malakas na bumubusina na kotse galing sa kanilang likuran

halos matumba ang mga ito sa gilid ng daan

"Hoy! lumabas ka nga jan ang yabang mong....."di na naituloy pa ni Eam ang sasabihin ng biglang bumukas ang bintana ng kotse at nakaporma pa din ang kamay nya na parang kumakatok

"Sino ba yang mayabang na ya..."di na din natuloy pa ni Yuri ang sasabihin kundi napanganga na lang siya "h-h-hi"sabay kaway nalang ang nagawa nya

"S-si-sige bilis nagmamadali ka yata eh" may pagyukong sabi ni Eam dito.

Nang mapansin ng driver na papalapit sina Sai at Cris sa direksyon nina Yuri at Eam ay sumenyas sya na parang nagsasasabing wag sasabihin kung sino siya, kung sino ang nasa loob ng kotse at agad nyang sinara at pinaktakbo ulit ang kotse.

"Sino yun?"galit na tanong ni Sai sa dalawa. "Wala" tanging sagot lang ng dalawa at tumalikod na ang mga ito.

"Ok ka lang Sai?"tanong ni Cris

"Yes Cris, Im fine, so better go back sa practice nyo. I'll see you nalang sa practice natin. Break a leg for the both of us" nakangiting sabi ni Sai dito sabay talikod. Si Cris wala nang ibang nagawa kundi ang tunguhin na nga lang ang gym.

Ang dalawa naman, sina Eam at Yuri tahimik, tulala, derecho ang paa sa  pag-akyat sa malabundok na sementong daan ng kanilang eskwelahan. 

"Sino yun ha?" mataray na tanong ni Sai sa dalawa. Ang dalawa naman nilingon lang siya at balik na derecho ulit ang tanaw. Parang nakakita ng multo o kung ano mang mahiwagang bagay ang dalawa. Tulala.

"Yuri, iba talaga ang effect nya."

"Oo nga Eam eh" pagbubulungan ng dalawa para di marinig ni Sai

"Di ko alam kung natatakot ba ako o kinikilig ako" may pag iling at paghawak sa dibdib pa itong si Eam.

Biglang lumingon si Sai sa kanilang dalawa at "Sino ba kasi yung nakita nyo na para kayong nakakita ng multo!" inis na tanong sa dalawa.

"Oo poging multo nakita namin" birong sagot ni Eam

"Multong gwapo na kahit ilang beses magpakita sa akin hinding hindi ako matatakot..."

"Ha?" nawiwerduhan siya sa dalawa nyang kaibigan.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon