CHAPTER XLVII

375 4 0
                                    

Where you wanna go
I'd love to take you there
Wish that I could make the road easy
I wish that life was fair
Don't wanna see you cry
Even when it rains
And I hope you don't forget this
You were born for better things” ~~I’LL FIGHT
(CHRIS DAUGHTRY )

 

Nagkatinginan  kami sa pagtataka dahil sa tanong ng mga babaeng ‘to!

At naisip ko din kung “Ano ang kailangan nila sa akin?” medyo weird sila huh.

Itong si Tricia, sumenyas sya na umalis na kami. Ganun din sina ate Morning.

“Hmm, mga ate, kasi alam ko mga seniors kayo” si Yuri na, ang lakas loob na nagsalita. Marahil ay nakita na niyang nangungunot na ang noo ko. “May kailangan po ba kayo, or?” sabay kumpas ng kanyang mga kamay.

“Yeah, may pwede ba kaming gawin?” si Eam

Ako, himinga akong malalim, at naramdaman ko ang paghawak ni Ate Morning sa braso ko, naisip niya siguro baka kung ano gawin ko.

Kaso, di naman ganun yun.

“If you need to say something about Kian, the president of your department” Huminto muna akong saglit, “Go!” pagtapos ko.

“Wala naman, its just that, we saw what he did kanina. He winked at you.” Ang isa pa.

“Ah, yun pala yun.” Sa isip ko,  habang napapatango ako. “Dami pang pasakalye.” At muntikan ko nang iiirap ang mata ko sa inis.

“Alam mo? If I were you, sasagutin ko na agad si Kian, bago pa makuha ulit ng iba” sagot din isa pa. WELL, kung kanina, sabi komedyo weird.

NGAYON WEIRD PALA TALAGA SILA! 

“Basta yun lang Sai, piece of advice lang.” sabi p ulit nung nahuling nagsalita kanina, at “Tara na” sabi niya sa mga kasama niya.   

Kaming magbabarkada, natahimik lang talaga, di namin alam kung may sapak ba sa utak mga ‘to sa pinagsasabi nila.

“Ano ba mga ‘to, nautusan?” sa isip ko. Kung sana PWEDE lang di ba? itatanong ko talaga.

Hay! Salamat naman! AALIS NA ANG MGA KIAN’S ANGELS! peste! weird!

“Type siguro nila si Kian.” Sabi ni Eam.

 “Problema ng mga ‘yun?!” si Tricia, kibit balikat lang naman ang nasagot ko sa kanya. EH, SA MALAY KO BA NAMAN TALAGA!

“Baliw ata mga yun eh.” side comment ni ate Morning, nang medyo makalayo na sila sa amin.

“Kailangan pa talaga sabihin yun sayo?” nakataas ang kilay ni Yuri ng sinabi niya iyon,  “TARA NA NGA, mga baliw talaga mga tao sa department na yun!” 

Nang tuluyan na kaming makapasok sa building ng department namin, tahimik pa din kami. Siguro, pilit naming kinakapa sa bawat sulok ng isip namin kung ano ang problema ng mga babaeng yun. Kasi ako, ganun talaga ang ginagawa ko.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon