CHAPTER IX

756 9 2
                                    

(PRESENT TIME...)

"Ay ganon ba Mrs. Gonzales? Kaya pala wala siya ngayon." Gulat at halatang nag-aalalang sabi ng kausap "Kailan pa po ba siya naospital?"

"Kagabi lang po" matipid naman ang naging sagot ng ina ni Sai sa nagtatanong sa kanya. Paano ay nagpunta sila ng isa pa niyang anak sa eskwelahan nito para ipaalam na hindi makakapasok ito, at itatanong sana kung bakit ganon katindi na naman ang pag-atake ng hika nito. Iniisip niya kasi na baka bumalik na naman ito sa pagsasayaw. "Kailangan ko lang alamin" ika nga niya.

"Ma'am I hope you don't mind me asking" seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kausap.

"Yes, sure ano po ba iyon Mrs. Gonzales?"

"I am thinking kasi na baka bumalik na naman sa pagsasayaw ang anak ko, mahigpit ko na po siyang pinagbawalan na hindi na siya pwede pang bumalik ulit sa pagsasayaw. Naku Ma'am alam kong alam naman po ninyo kung gaano kapilit ang batang yun. Na kapag gusto niya ay gumagawa siya ng paraan." Paliwanag ng nanay ni Sai.

"Yes, I am aware sa ganyang ugali ni Sai Misis, but I can assure you na hindi siya bumalik sa pagsasayaw"

"Sana po, kasi yung huling naospital siya ng ganon, dahil yun sa pagod niya sa pagsasayaw"

Ang professor ni Sai, nakatingin lamang sa kanyang kausap. Paano nga ba niya masasagot ang pilit na tanong kung bumalik sa pagsasayaw si Sai kung hindi naman talaga, at Oo di niya din mismo alam. "Napaka over protective talaga niya" sa kanyang loob loob. Pero alam niyang mabait ito, suportado ang anak sa kung anuman ang gawin nito. Maliban syempre sa inaalam niya ngayon. "Mrs. Gonzales, I think mali po ang nasa isip niyo about your daughter. Wala siyang ibang sinasalihan except off course sa pageant. Wala na." sabi nitong nakangiti

"I see." Sabay hinga ng malalim ang pinakawalan ng nanay ni Sai, ano ba ang paghingang ito? Naniniwala na ba sya? O hindi pa din?

"Kailan po ba ang University week and pageant night na yun?" dagdag tanong nito.

"Next week po ang celebration, pero yung mismong pageant night Midweek po siya nakaschedule." Sagot nito habang inaayos ang mga papel ng kanyang mga estudyante. Si Mrs. Marcial, ang adviser ng major na kinukuha nila Sai. Hindi siya makatingin ng maayos sa nanay ni Sai dahil mismong siya ay nagulat na nasa ospital pala si Sai. Kahapon lang nakita pa niya itong kasama ang barkada nito, mukhang ok na ok naman, pero ito ngayon. Pinipilit din nyang isipin "Ano nga ba ang ginawa ng batang yun?" kasi kagaya nga nang sabi ng nanay nito, "Kung wala siyang ginawang iba na pwede niya ikahapo, kagaya ng pagsasayaw. Hikain man ito ay di naman siya maoospital"

Parang mga sariling mga anak na ang turing niya sa kanyang mga estudyante, sa kanyang advisory class. Lalo na ang batch at section nila Sai ang pinakatinututukan niya, ika nga niya "Favorite", ang batch at section kasing ito ay madami nang binigay na karangalan sa academics. Mga active sa mga academic contests, mga extra curricular activities except sports. Pag sumasali ang section na 'to sa mga sports ay natatalo at tiyak yun. Wag ka nang magduda pa, pero isali mo sa mga contest na gagamitan ng utak tiyak naman din ang panalo. Yun nga lang, ang section din na ito ay mga palaban. Pag alam na alam nilang mali, ilalaban talaga ito. Sa totoo lang may mga professor nang napaiyak ang mga anak niyang 'to, may napatalsik na din na professor. Paano'y "Mali ang itinuturo" katwiran nila.

Ang sabi nga ng iba sa kanya, sa hawak na section na ito, "Swerte niya, at malas siya."

Ang iba naman ay niloloko siyang "Kung ano ang puno, siyang mga bunga" ganon din naman kasi siya.

"Baka hindi na po makasama si Sai sa pageant na yun, lalo kung isasuggest ng doctor niyang magpahinga muna siya"

"Naiintindihan ko po, tamang magpahinga muna na lang siya" pagsang-ayon nito. Ang totoo ay nanghihinayang talaga siya, lahat na naipanalo nang alaga niya, abot kamay na nila ang huli pero mukhang mawawala pa ito. Manhinayang man siya, para sa kanya mas mahalaga pa din na maging maayos na si Sai. "Misis, kung may time ako ay pupuntahan ko sana ang anak niyo. Anak na din ang turing ko sa batang yun, sila ng kanyang mga kaklase."

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon