CHAPTER LXX

282 3 0
                                    

SAI'S POV...

Pilit at marahang marahan kong iminulat ang mga mata ko. Parang pakiramdam ko, ang tagal kong nakatulog, ang tagal kong nawala... Oo, akala ko'y di na ako muling makakabalik sa piling ng mga taong sabik ako na makita sila.

May mga boses akong nadidinig, ang bawat boses na iyon ay kilala ko ang mga may ari. Gustong gusto ko nang makita sila ngunit kahit gustuhin kong magmulat ng mata ay di ko makaya. Pero, ito ngayon, nagawa ko na. Puting kisame agad ang nakita ko. Napatitig ako doon at napaisip kung ano ang mga huling nangyari.

Napapadalas na ang pagsakit ng parte ng katawan kong may deperensya. "Heart transplant" it played on my mind. Pero hindi pwede, maagap kong kinapa ang tiyan ko sa takot na baka kung ano na ang nangyari sa anak ko. "My baby, Axel." sambit ko. Yup, I will name my son, Kian's son- Axel.

Kapwa ko di maigalaw ng maayos ang kamay ko. Ang isa'y nakalabitan ng kung ano. At ang isa ay may nakahawak.

Marahan kong nilingon kung sino ang nakahawak sa isa kong kamay.

Alam ng Diyos kung gaano akong kasabik makita sya. Ito sya, ito sya ngayon. Hinayaan kong dumaloy ang mga luha sa mata ko. Luha para sa kaligayan. Sa maraming dahilan para maging masaya. At- para sa takot. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot pwro hindi ko alam kung para saan at bakit.

Marahan kong hinaplos ang napakaamo niyang mukha. Para kong muling kinakabisa ang bawat parte nito.

Sa matangos niyang ilong, sa mga pisngi niya, ang mga mata niya, ang labi niya. "Kian."

Paulit ulit ako sa paghaplos ng maamo niyang mukha at sa pagtawag ng pangalan niya. "I am so sorry, Kian."

"Kian."

Sa pagod marahil, ay nakatulog si Kuan sa tabi ni Sai.

Ang pinagtataka niya'y, parang kanina pa niya nauulinigan na may tumatawag sa pangalan niya, at kilalang kilala niya ang may-ari ng boses na iyon.

Pakiramdam niya'y pati ang palad na humahaplos sa mukha niya ay ito rin ang may-ari. Nawa'y di nga sya nagkakamali.

Kian slowly opened his eyes, he held the hand that touches his face. Finally, "Sai?" he said, but so afraid to look at her side.

"Kian." muling tawag nito. Gumagaralgal ang boses nito at hinang hina.

Kian is so afraid to look at her. And he doesn't know why! But one thing is sure, he hold no grudges to this girl even if she left him. He's afraid to look at her because...

"Sai, I miss you so much, I love you so much. I do not know how did I spent my days when you left me. I wanted to foll ow you, I did all to know where you really are." sabi niya, at gaya ni Sai, may kung anong sakit sa dibdib niya.

Gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Halikan kagaya ng dati. Dati, dati nung hindi pa sya nanghihina.

"Sai, it kills me seeing you lying here, seeing you and our baby in this situation. It kills me, 'cause I do not know what to do. Wala ako simula pa nang nalaman mo that you have with our child." then he kissed her hand.

"Kian, I'm sorry." ngunit imbes na sya ang pumahid sa luha ni Kian ay ito pa ang gumawa no'n sa kanya. "I'm back... Me and our baby's back." bulong ni Sai nang hinalikan ni Kian ang noo niya. Hinawahan ni Sai ang damit ni Kian, "I'm back." ulit ni Sai. May gusto pa syang sabihin, madami pero di niya makayang sabihin iyon. Ang mga iyon, dahil sya mismo ay nasasaktan.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon