CHAPTER X

688 7 2
                                    

(PRESENT TIME to FLASH BACK...)

“Hindi pa din ba siya nagigising?” alalang tanong ng ina sa tatay nito

“Oo, pero ok naman na daw ang lahat sabi ng doctor” sagot naman ng tatay niya. “Oh, ano kumusta pagpunta niyo sa school niya?” tanong din naman nito

Si Sai, nadidinig niya ang usapan ng kanyang tatay at nanay, sigurado siya dun. Pinipilit niyang gumalaw at dumilat pero talagang parang mabigat na mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, at isa pa parang hinang hina siya.

“Sai, Sai!” tawag nito sa kanyang pangalan, pero ito tinititigan lang niya ang mukha ng taong ‘to. Naiinis na nga din siya, ilang araw na sunod sunod na silang nagpapapractice, pero hanggang ngayon di niya makita ng malinaw ang mukha ng kapartner niya. Di man niya makita kita ang mukha pero alam niyang siya ito. Paano? Syempre dahil di niya nga nakikita, naamoy naman niya ito. Nakabisado na nito ang amoy ng cologne nito. Madalas nga pakiramdam niya ay naamoy niya pa din ito maski malayo na ito sa kanya. O kaya naman ay nasa bahay na siya, nakaligo na. may minsan pa nga na pakiramdam niya nang kanyang amuyin ang sariling cologne ay ganun na din ang scent nito.

“Gaano ka ba kapanget at di ko makita ang mukha mo? Bakit sabi nila cute ka? Mukhang di naman yata?” tanong niya, pero syempre sa isip lang niya yun. Di naman kasi masyadong nakikipag-usap si Sai sa mga taong di niya masyadong kaclose, at isa na ang lalaking ito dun kahit pa nga kapartner niya ito sa sayaw. Katwiran niya kasi, wala naman dapat pag-uusapan.

“Sai, are you okay?” tanong ulit nito “What's wrong with you?” dagdag ng lalaking ‘to. Ang kanyang kinakausap, di man lang kumurap “HEY? I am asking you, if you're OKAY!” malakas na ang boses nito pero imbes na sagutin at magpasalamat ito siya pa ang galit

“Wag mo nga ako sigawan!nadidinig kita” angal pa niya.

Di mo ba napansin Sai? Simula nang magkita kayo ng lalaking yan gabi-gabi di ka na makatulog.

“You're not answering”

“Ano ba kasi yun?” tanong nito, at nagtataka siya kung nasan siya

“You're here, in our clinis..”

“Ha? Bakit? Anong nangyari sa akin?” sunod na sunod na tanong nito, dahilan para di na makapagsalita at ipagpatuloy ang sinasabi niya.

“Do you know how to ask one question at a time?” nagsusupladong sabi nito “You collapsed, that's why you're here, in the university clinis” paliwanag nito. “The nurse said that, you have a very low blood pressure. And fatigued daw”

“Ha?!” gulat na tanong ni Sai, parang di niya naintindihan ang sinasabi ng kausap. “Overfatigued?” tanong ulit nito.

Hoy Sai! Ang sabi ng kausap mo, fatigue lang F-A-T-I-G-U-E, bakit may OVER ang iyo?

“Over fatigued?” nagtatakang tanong naman nito. Siya mismo napaisip kung ano ba ang sinabi niya “Huh? Did i really say that? Is there an OVER in the words i said” lihim niyang pagtatanong.

“Anong over fatigued?” tanong ulit ni Sai.

Ang kulet fatigue nga lang Sai walang over.

“Fatigued” pagtatama nito, pero sa isip niya ay pwede din naman yun. Pansin niya nga na ilang araw nang parang zombie ang kanyang partner. Laging parang walang gana, lagi din nilang nadidinig na angal nito “Wala pa akong tulog”

“Extreme tiredness, typically the outcome from mental or physical exertion” paliwanag nito “If you can't grasp it still, Okay,I will give some synonyms? Enfeeble, weaken. For you to understand it surely. This is the best  KNOCK-OUT” may diin sa magkakasabi niyang iyon.

Habang ang kausap nakikinig lang. Oo, nakikinig lang si Sai paano gandang ganda siya boses nito.

“Lalaking lalaki ang boses” kinikilig na sabi niya sa sarili pero agad din niyang sinaway ang sarili ng kanyang madinig ang sumunod na mga sinasabi nito

“I thought you're intelligent, How come, the word FATIGUED? you dont even know and can't understa…aa.” Di niya naituloy, paano nagulat siya dahil bigla siyang nakaramdam ng kung anong bagay na tumama sa ulo niya.

“Di ko makita ang mukha mo impakto ka, pero nakikita ko ang ulo mo at sigurado akong yun ang tatamaan ko” sabi ni Sai sa kanyang isip, habang ang kamay na may pinulot para ipangbato sa kausap ay nakaporma pa.

“Loko ka ah!” inis na sabi nito sa kanya habang hinihimas himas pa ang parteng nasapol ni Sai.

Si Sai, sa pagharap na iyon ng lalaking kanina pa siya kinakausap at nilalait ay nagulat siya. Nanlaki ang mga mata niya at parang huminto ang tibok ng puso niya. Napahawak pa nga siya sa totoo lang sa parteng iyon ng katawan niya na parang akala mo ay tatalon ito at aalis kung san man ito nakalagay. “Ang cute niya” sabi niya sa isip. “Ito ba ang mukhang di ko makita kita ilang araw na?” tanong pa niya sa sarili habang titig na titig pa din sa lalaki at kanya pang itinagilid ang kanyang ulo. Nagpapacute?

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon