CHAPTER XXII

518 3 2
                                    

FLASH BACK...

Mag-uumaga na’y hindi pa din nakukuha ni Sai ang kanyang antok, hindi lang dahil sa kanyang insomnia, isama pa natin ang mga bagay bagay na iniiisip niya kagabi pa. Simula sa pag-aaya ni Kian sa kanyang kumain, biyahe nila papuntang Laguna hanggang sa pagsasayaw nilang dalawa sa rooftop ng dinaanan nilang bahay nila Kian sa lugar din na iyon, hanggang sa pag-uwi.

Ayaw na sana niyang magpahatid pa hanggang sa bahay nila. Pero sadyang mapilit si Kian, at aaminin din naman ni Sai na nagpapilit siya. Nalaman tuloy ni Kian kung san siya nakatira. At ang dalawang ‘to akala mo’y hindi magkasama maghapon, kakahiwalay pa lang nila sa gate ng bahay nila Sai ay agad naman nang tinawagan ni Kian si Sai. kunwaring sinaway pa nga ni Sai na hwag muna silang mag-uusap dahil nagdadrive siya, pero sabi ni Kian nakaheadset naman siya kaya ayos lang, ayon si Sai at Kian maghapon at halos magdamag magkausap.

Nang tinignan ni Sai ang orasan sa kanyang study table ay laking gulat niya’t 4:30 na pala ng madaling araw, sa totoo lang din ay masakit na ang kanyang ulo, pero talaga yatang na aaddict siya sa nangyari kaya’t di siya makatulog. Kaya’t pinili na lang niyang bumangon na at tinungo ang kanyang cabinet. Matagal na tinitigan niya ang mga damit niyang nakatupi at naka hanger.

“Hmmmm, which one will I wear today?” habang isa isa niyang tinitignan ang mga ito. 

Kailan ka pa namoroblema sa isusuot mo para sa araw araw? Dati rati naman kung ano unang makita mo o kaya’y anong trip mo for the day na damit yung ang isusuot mo, without even thinking basta kuha kaagad. Bakit ngayon? At inuna mo pa ang idadamit mo para sa araw na ito kaysa sa pagtulog mo? Iba ka.

“Yay! Tama yun na lang” sabi niya ng kanyang maalala nilabhan niya kaagad na polo shirt, yung binili nila ni Kian. Ang kanya’y kulay puti na may kwelyong kulay itim, kay Kian naman ay itim pero puti ang kwelyo at parehas na parehas lang ang design.

Mabilis niyang tinungo ang laundry area nila’t kunuha iyon. “Ayon” sabi niya sabay kuha dito’t bumalik siya sa kanyang kwarto.

“Black pants nalang ipapartner ko” at kunuha niya din iyon. “Perfect”

Ewan kay Sai, kahit walang tulog ay parang hyper na hyper. Nakapag tanggal na siya ng konteng alikabok sa mga appliances, nagwalis ng konte, nagpakain ng mga kinaiinisan niyang mga alagang isda sa aquarium ng dala niyang kapatid na lalaki, at ito ang pinakahimala! Nagwalis din siya sa labas ng bahay nila at nagdilig ng mga halaman ng kanyang nanay. Kung nandito lang siguro mga kapatid niya’y kanina pa siya inasar ng mga ito, kakaiba ka ngayon ha Sai? anong nakain mo? Or effect ba yan ng mga kaganapan sa buhay mo kahapon? 

Sinipat sipat niya sa kanyang vanity mirror kung anong hitsura niya sa suot niya, she even tried the sling bag, slippers and accessories she chose to use for the day “Matches my polo shirt huh!” nang makontento siya sa resultang nakikita niya. Ibinlower pa ang buhok, Aba!!!!

Saktong 6:30 ng tignan niya ang kanyang wristwatch at tapos na siya. Madali niyang kinuha ang tumbler sa counter, napahinto siyang saglit nang makita niya ang susi ng kanilang kotse, dalawa yun. Isang para sa Elantra na pag-aari ng nanay niya at gustong gusto niya ang kulay nitong maroon, pero nga sa nanay niya yun kaya mabilis na nagbago ang isip niya. Naimagine niya kasi agad hitsura ng kanyang nanay kung sakaling magasgasan iyon. May isa pa, ang susi para sa deep black Toyota Prius ng kanyang tatay.

“Tama ito na lang, itetext ko na lang si tatay na ginamit ko” nakuha na niya ang susi nang bigla siyang may naalala at natawa din siya sa naisip niyang magdadrive siya?

“Oh! Hindi ko nga pala magdrive paabante, paatras lang pala alam ko at di ko pala kayang magpark kapag may mga sasakyan sa tabi” kaya naman mabilis pa sa alas singko’y kanyang ibinalik ang susing kanyang kinuha habang nailing din sa katangahan niya.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon