(PRESENT TIME)
Tinitignan ng kanyang nanay ang katabing aparatu, nakikita nitong ok na nga ang anak. Kagaya nga ng sabi ng doctor niya ay “Stable na siya, ok na ang paghinga niya”
Pero ang pinagtataka ng nanay niya eh nahihilig ata ito sa pagtulog. Dati rati naman kapag naoospital siya at nagkamalay agad ay parang ayaw naman niyang matulog, pero ito ngayon.
Pinagmamasdan niya ang mukha ng anak “Mukha namang maayos na nga siya. Kumain lang ng konte at natulog na naman?” takang tanong niya sa kanyang isip.
Kakaalis lamang ng tatay ni Sai para umuwi muna at dahil hindi lang naman siya ang anak ng mga magulang, aasikasuhin din at sasamahan muna ang bunso nilang kapatid. Kasabay nitong umuwi si LR, at nagpa iwan ang nanay niya para bantayan siya.
Oo nagkamalay na si Sai kanina pa bago umalis ang tatay niya, pero ito si Sai parang mas gusto niyang matulog, matulog? O nakapikit lang siya at kaniyang inaalala ang lahat sa kanyang past?
Sarap na sarap si Sai alalahanin ang lahat, kung pwede nga lang gusto niyang bumalik sa nakaraan kaso malabong mangyari naman yun. Mahirap. Para sa kanya ang ngayon, nagbibigay lamang ng sakit. Kaso Sai, di naman pwedeng lagi ka na lang ganyan.
“Hay naku Shimmera Lyon, ano ba ang nangyayari sayo?” tanong ng kanyang ina sa kanya. At nadidinig yun ni Sai paano nga’y gising naman talaga siya at nakapikit lang. para sa kanya mas nakakapag-isip siya ng ganito. Ayaw niya ng ibang iisipin, kundi yung tapos na at kanyang pinagsisisihan ng malaki ngayon.
“Shimmera Lyon tulog ka ng tulog diyan, paano ka gagaling agad niyan?”
(FLASH BACK)
“Shimmera Lyon Paraiso Gonzales!”
“Ha?” takang tanong ni Sai sa isip, tama ba nadinig ba niya ang pangalan niya? Sinong nakakaalam ng buong pangalan niya? At buong buo pa ang pagtawag sa kanya talaga.
“Shimmera Lyon Paraiso Gonzales!”
“Ayan na naman! Sai may tumatawag sa’yo? Sa boung name mo?” si Yuri na nagtataka
“What’s happening here at kailangan talaga buong pangalan pa ha!” si Eam “Bakit ikaw lang tinatawag? kami ni Yuri ayaw ba nilang tawagin?” pakikay na naman na tanong nito.
“Gaga! Di din Ok para sa akin tawagin ako sa buong pangalan ko. At ‘no ka ba Eignh Alexandra Marcos kaso si Sai ang tinatawag nila” may paghimaywang na sabi ni Yuri kay Eam. “ayan, Eignh Alexandra Marcelo kanina ko pa binabanggit ang buong pangalan mo! Masaya ka na?”
“Ayaw ko na ikaw tatawag sa akin, gusto ko yung kagaya nang kay Sai yung di mo alam kung san galing, gets mo ba Yurika Nagata?”
“Shimmera Lyon Paraiso Gonzales!”
Ang tatlo nililibot nila ang kanilang paningin. Only to realized nasa 5th floor pala sila. “Kasi naman bakit nasa tuktok ng mundo ang speech lab natin” inis na sabi ni Sai.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...