CHAPTER XXXVII

254 3 3
                                    

FLASH BACK to PRESENT TIME…

“From the bottom of my broken heart
Even though time may find me somebody new
You were my real love, I never knew love 'til there was you
From the bottom of my broken heart” ~FROM THE BOTTOM OF MY BROKEN HEART        
(Britney Spears) 

After the incidents happened sa akin: sa condo ni Jason and sa ginawa ng kambal ni Zoe, tuluyan na akong nagkasakit. Hay buhay! Pero, bago pa ako tuluyang magkasakit, nakausap ko sina Jelard at si Alexis, even Jason. They wanted to comfront Andy, galit sila sa ginawa ng kaibigan nila. Yes! They were angry, bakit? SINUNGALING DAW KASI. Halos lahat daw ng sinabi niya sa akin, HINDI daw totoo. Kung alin sa mga sinabi ni Andy ang totoo at hindi, di ko na tinanong, I am not ready yet, and who knows? maybe one day, or someday I will know the TRUTH. Siguro pag dumating yung time na iyon, malamang ready na ako, okay na ako. Actually, more than okay. For me, itatiming ko na lang lahat muna.  

Pinakiusapan ko din sila, na kung pwede, manahimik na lang muna sila, or kung kakausapin man nila, sana hindi siya maging malaking issue. Mas mahihirapan akong magcope sa sitwasyon ko kung mas magulo. Gulong gulo na nga ako noon at hanggang ngayon, ayaw ko munang mas palalain pa. Pero, BABAWI AKO! sa Andy na ‘yun, at pasensya na, pati sa kambal niyang si ZOE! Kung paano ako babawi? Syempre di ko gagawin ang ginawa sa akin ni Andy, hindi ako makiki agaw ng eksena, kagaya ng ginawa ni ZOE, kundi babawiin ko ang eksenang dapat ay akin. Sabi nga sa isang telesrye ,“WALANG IYO”, walang kanya! Nakiagaw lang siya, babawiin ko lang at papatunayan ko lang ang kung ANO ang akin! Sabihin niyo nang masama ako, but this is me, this is SAI, di ako papatalo palagi.

AND THAT’S WHAT I DID, ALMOST ONE YEAR AND SIX MONTHS AGO.

 

But before anything else, thankful ako sa pagkakasakit ko, dahil dun feeling ko, muli akong nabuhay. Tama nga, sometimes you need to die first, so that you will realize everything and choose to live again. And, if that time comes, nabuhay kang ulit, dun mo lang maiisipang mas maging STRONG. If the situation is too tough, then, you have to be tougher than the situation where you are.

Dati na akong sumasali sa mga pageants ng university namin, at kung dati, pinipilit pa ako ng mga classmates at professors ko. NOW as I said, after the incidents I’ve encountered, hindi na kailangan pa ako ng pilitin. Ako na mismo ang nagkukusa. Di lang sa mga pageants, pati sa pagiging officer ng mga clubs, at ng boung university namin. I aimed higher, at may dahilan yan. Kung sino at ano? simple lang ang mga sagot. Sabi ko nga, BABAWI AKO. Kung ininsulto ako ng Andy na iyon at kinompare sa kambal niya, I will him prove him wrong, sa pagcompare sa amin. Iba si Zoe at iba ako. Si Zoe kaya kong daigin, pipilitin kong daigin, pero Zoe, sa akin? hindi. HINDI. Hindi ako papayag na madadaig niya ako.  Kaya kung ano ang mga sinalihan niya, sinalihan ko din. Kung nagbigay at pumusta siya ng isa, nagbigay at pumusta din ako. Higit pa sa binigay at pinusta niya. Inggetera ako? HINDI! I am just proving myself, kung marereliazed ko man, siguro nga, na naging inggetera ako, hindi pa sa ngayon yun, SAKA NA.

We’re both sophomores that time.

Sumali siya sa chorale ng university namin, sumali din ako. Minsan, pag may event, pinasosolo ako ng kanta, like the other pioneers. Siya hindi.

She joined writer’s guild ng school, I joined too. Every month, hinihingaan ako ng articles, siya? In 9 months,  5 articles lang ang kanya.

Kung siya, sa department at level nila ay pangatlo siya sa mga Dean’s Listers nang magkasunod na semesters last year, ako? sa department at level namin, pinilit kong maging pinakauna, so far, NAGAWA KO NAMAN. EWAN KO LANG, NGAYONG taon.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon