CHAPTER LVIII

268 4 0
                                    

*NOTE*sa mga hindi na po nag-aupdate, putol putol or may parteng hindi makita sa story na; Why Can't We Be sa kanilang LIBRARY or READING LIST/s, please do try the following steps.


1. Log out niyo po ang account niyo, then LOG IN


2. REMOVE the story from your READING LIST/s or LIBRARY, then ADD it again. (Why Can't We Be? by: yzavenice)


3. UNINSTALL the WATTPAD app, then install it again.


thank you po...


Maghapon akong nagkulong sa kwarto ng araw matapos kong makuha ang resulta ng mga health tests ko. Maghapon lang din akong nakahiga at nakatingin sa ceiling ng room ko, "Hay life!" ang tangi ko na lang nasasabi.At kung nakaka ilang buntong hininga na ang nagawa ko, hindi ko alam. Medyo naputol lang ang pag-iinarte ko nang madinig ko ang pagring ng cellphone ko.

I answered it, without even bothering to look kung sino ang tumatawag sa akin. "Hello?" walang kagana gana kong sagot, sabay hingang malalim na naman. Wala talaga ako sa mood.


"Hi Sai, how's my pretty mahal?" at halata sa kanyang boses na siya'y nakangiti nang sabihin niya ang mga salitang iyon.


"Hi Kian! I am fine." Biglang nagkaroon ng buhay ang boses ko, malamang lalo na ng buong sistema ko nang madinig ko ang nasa kabilang linya.


"How's the result?" may bakas ng pag-aalala sa boses niya.


"Everything is okay. Maayos naman ang lahat." Sabay pikit at buntong hiniga ko.


"That's nice to hear. I am on my way para sunduin ka, be there in 20 minutes." masigla ang boses ng kausap ko.


"Amm, wala ako sa school, di na ako pumasok." Agad kong sabi sa kanya, baka kasi magkaaksaya pa siya ng oras sa pagpunta ng school at hintayin ako, eh wala na din naman ako doon.


"Why? I thought half day lang ang paalam mo?"


"Yup, but I changed my mind. Sinumpong ako ng katamaram ko. Kaya nagwhole day absent na lang ako."sagot ko namang agad sa tanong niya. Ang totoo kasi'y nawalan talaga ako ng gana pumasok. Nanghihina ako.

At may mga bagay akong iniiisip. Matinding iniisip.


"Okay. So, want to go somewhere and have dinner?" ramdam ko ang medyo pagkadismaya sa boses niya. and since, ako din ay wala sa wisyo naisip ko na lang na, kung di lang ito si Kian ay malamang na kanina ko pang hinanapan ng dahilan para lang matapos na ang usapan namin. Ang dami-daming tanong. Medyo nakakairita!


"No, dito lang sa room ko ang gusto ko, ayaw ko lumabas. Pupunta ka ba?" naway di naman masyadong halata sa boses ko ang pagiging rude ng sagot ko.


"Okay. Yes, I will go there. I want to see you and I also want to see the results." Seryoso pa ang boses niya.


Patay na ako nito!


"Sabi ko okay naman ang results di ba? bakit mo pa gustong makita?! Hindi k aba naniniwala sa sinabi kong okay lang ang lahat?" iritang tanong ko sa kanya. Sinabi ko nang OKAY, Ayaw maniwala!

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon