FLASH BACK...
FRIDAY, Bukod sa huling araw na nang lingo, ay huling araw na din ito ng kanilang remedial class. Higit sa lahat ay mas may isa pang dahilan kung bakit lahat sila ay naeexcite na matapos ang remedial class na iyon, Ito ay ang OUT OF TOWN na pinlano ng school para sa mga officers at sa mga volunteers. Kaya naman matapos at nadismissed na nila ang mga bata ay halos lahat sila’y di magkanda ugaga sa pagbaba sa hagdan dala dala ang kanilang mga gamit.
1:30 pm pa ang kanilang alis, kaya naman pagdating nila sa quadrangle ng school na iyon ay nagkanya kanya din sila habang hinihintay ang coaster na kanilang sasakyan. May nagpunta ng canteen para maglunch, mga palakad lakad at ang iba ay pinagdiskitahan ang bola ng volleyball na kanila itong makita. At ang mga taong sangkot dito ay ang mga kagrupo ni Kian: sina Eam, Cielo, AB, Alexis, Jason at Jelard.
“Ayan sakto tayong anim” kinikilig na sabi ni AB
“Ano bang bola ang hawak mo?” tanong ni Cielo dito
“Hoy Manang Cielo, bulag ka ba? hindi mo ba alam ang hitsura ng mga bola?”
“Alam siyempre! Eh ikaw alam mo ba ang mga mechanics ng mga larong katumbas ng bola na yan?” pataray na balik tanong ni Cielo. Si AB, pairap irap lang ang nagawa. “Sa volleyball, kailangan atleast 6 na tao ang maglalaro kada team, and we need 2 teams para makapaglaro” dagdag pa nito. At dahil sa sinabing iyon ni Cielo, mas tumindi pa ang mga irap na binibigay ni AB sa kanya.
“Anim naman tayo eh, I think pwede naman if we evenly divided each other” biglang sabat ni Eam.
“Oo nga, tig tatlo na lang” si Jelard
“Tara tara kampihan tayo, matalo manliibre pagdating natin sa pupuntahan natin! Sino gusto niyo makagrupo? Akin sina Eam and Jason” sunod sunod na sabi ni Alexis habang nangingiti siya. Mabilis niyang pinili ang pinsan dahil ang alam niya, magaling ito maglaro ng volleyball? Basketball?. “Teka volleyball player nga ba siya or basketball player?” lihim siyang napatanong sa isip, di siya sigurado.
“Wow huh! Magtatanong ka kung sino gusto naming makakampi,as if may choice ako sa mga tinira mo?” nailing na sabi ni Jelard sa kaibigan
“Okay na yan” sagot naman din ni Alexis, habang iniisip pa kung basketball player nga ba si Jason or volleyball player “Anong ball nga ba yun?” tuloy nya pa ding tanong sa isip habang lumalakad sa gawi ni Jason.
Tsk, tsk, tsk. ano Alexis? Nahawa ka na ba kay Eam?
Nang malapitan na niya si Jason, “Couz, you’re a volleyball player right?” nakangiti ngunit mahinang mahinang tanong ni Alexis sa pinsan.
“Soccer player. Why?” seryosong sagot din naman ni Jason sa pinsan, maya maya pa ay kanya ding naintindihan ang ibig sabihin nito “Hahaha! Is that the reason why you chose me sa grupo mo?”
“Ha? Ano ka hindi naman. I just asked!” depensa din naman ni Alexis
“Oh! Ano start na ba tayo ng laro or magbubulungan kayong parang lovers na magpinsan jan?” nagsusungit na tanong ni Jelard sa dalawa. Paano’y di pa din niya matanggap ang mga kagrupo niya.
“Sige! Game na. matalo manlilibre”si Jason
Nagsimula na nga silang maglaro ng volleyball, kagaya nga ng inaasahan ni Jelard sa kanyang mga kagrupo, Si AB, pag papalapit na ang bola sa kanya ay tinatakbuhan niya ito. Si Cielo, dahil marahil sa salamin sa mata ay di siya makapaglaro ng maayos. At syempre, sa isang grupo naman, kina Alexis, si Eam. nakakailang attempt na siyang pumalo ng bola, pero sadya yatang ayaw ng bola sa kanya. Kung di sobra sa layo ang pagitan niya sa bola, minsan ay bitin.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...