CHAPTER XXIII (Part 1)

494 6 0
                                    

FLASH BACK… 

Ilang minuto pa’ y huminto na ang motor na kanilang sinasakyan sa isang tapat ng itim na gate at ang bahay naman na kulay puti. Syempre ang hula ni Sai, dahil nga may kalakihan ang gate, malamang na malaki din ang bahay na ito.

Bumabang saglit muna si Kian sa motor at binuksan ang gate.

“Come in” pang aalok ni Kian kay Sai, samantalang si Sai ito na naman po siya’t tulala.

Ewan bakit parang naging hobby na niya anbg matulala ata.

Dahil sa hindi nagreresponce si Sai ay agad din namang nagworry si Kian, pumasok sa kanyang isipan ang nakita nito kanina. Kaya agad na nilapitan niya ito, at marahan niyang hinawakan at pinisil ang kamay nito. “Sai, please tell me you’re okay.” Sabi niya pero sadya yatang nawawala na naman si Sai sa sarili.

Hay! Ano na naman kaya nasa isip nitong babaeng ‘to.  

“Please?” si Kian. 

“Yeah, I’m okay” sagot na ni Sai.

Kitang kita ni Sai ang parang nawala ang pag aalala sa mukha ni Kian, nang sagutin niya ito.

“So, let’s go inside?” si Kian na parang nagtatanong 

“Sure?” may tanogn din sa boses na ‘yon ni Sai.

Si Kian napangiti siya sa kaharap. “Don’t worry, they are here.”

“What? I’m sorry?” tanning ni Sai nang parang di niya naintindihan ang sinabi ng kausap. No! actually she understood it, it’s just that…

She’s not sure of what she heard.

“My family” tipid na sagot ni Kian. Naku! Naiinis na ba ito sa katangahan ni Sai? “So tara na? papakilala kita sa kanila, for sure matutuwa sila” seryoso pa din ang mukha ni Kian habang sinasabi ito. 

“Ha?Bakit?” tanong na naman ni Sai at halata sa boses nito ang pagtataka.

Sa pagkakataong ito, igaganti ko si Sai. Ang lagay ba’y siya na lang ng siya lagi ang natutulala?

Natulala din si Kian sa tanong na iyon ni Sai, Oo nga naman bakit mo siya ipapakilala sa pamilya mo? Sige Kian, isip ng sagot.

Lumunok munang saglit si Kian para siguro makabawi, medyo ilang segundo din bago siya naka isip si Kian ng idadahilan sa nasabi niya.

“Kasi nakukwento ko sa family ko that I have a new-found friend.” Sa casual na boses niya habang ipinapasok ang motor sa loob ng gate. Habang ang kausap ay parang statwa lang.  Nang mapansin ni Kian ang hitsura ni Sai ay nilapitan niya ito. Hinawakan niya ng marahan ang braso and guided Sais a pagpasok sa gate.

Sus! Yun lang pala ang kailangan ni Sai para gumalaw.

Nang parang muli’y nabawi ni Sai ang kanyang katinuan ay “hey! Ano nga ulit sabi mo?”

Marahan na binitiwan ni Kian ang braso ni Sai at hinarap ito. Pinilit niyang makita ang mata ng kausap.

At ang ganyan niya ang isa sa pina kaayaw ni Sai, paano ba naman kasi’y pakiramdam niya ay nawawala siya sa kanyang sarili. 

“I said, nakukwento kita sa family ko na you’re my new-found friend.”

“I see.” Tanging sagot ni Sai.

“So?” tanong ni Kian sa kanya.

“Okay, sure” parang walang ganang sagot ni Sai.

Habang naglalakad sila’y may iniisip si Sai, hindi na niya nadidinig pa ang sinasabi ni Kian sa kanya, malamang din na hindi niya napapansin ang view na kanilang dinadaanan.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon