FLASH BACK…
Gabi na din ng Linggo ng sila’y makabalik sa kani-kanilang bahay. Kinabukasan, iyon na ulit ang bagong araw, start na din ng kanilang LONNNNGGGG second semester. Well, admit it, basta aral sa iba ang maiksing panahon ay humahaba, lalo na kung wala namang nagbibigay ng motivation sayo. Hmmm. Kung anumang motivation ang pinagsasabi ko, sige mag-isip na lang tayo ng kung anuman ang mga yun kasi madaming dahilan talaga. While sa iba naman na masipag mag-aral, pag natapos ang second semester, may nag aadvance pa para lang makapasok ng summer. Pwedeng masipag mag-aral or pwede ding nagmamadali makagraduate, alin lang sa nabanggit.
Monday, just like any other Mondays before, Sai did her routine again. Gigising, maliligo, magbibihis kakain, at lalayas na siya papasok sa school. Kung noong semestral break habang sila’y nagvuvolunteer ay may taga sundo siya every morning, ibahin na natin ngayon, kahit pa nga sabihin pa natin na nanliligaw na nga si Kian sa kanya, nanjan naman na ang kanyang ina… Codename DOWAGER!!!...
Ooops secret lang natin yun huh!.
After spending almost half of their day sa paglipat lipat ng mga assigned classrooms para imeet ang kanilang mga professors, at magintroduce ng subjects na load nila, “SALAMAT LORD!” biglang sabi ni Eam habang nag iinat inat pa ng kanyang mga buto buto at papalabas ng classroom. “Nakakapagod!” dagdag pa niya.
“Sus! Kahit naman wala kang ginagawa napapagod ka talaga” si Yuri sabay kurot ng kaunte sa tagiliran ni Eam.
“Nakakapagod kayang gumawa ng wala! Try mo kaya ming!” si Sai para kay Yuri. Ito na naman po tayo sa mga pilosopong estudyanteng kinabibilangan ng mga bruhang ito!
“Ay Sai! no thanks ming. Ayaw ko ngumanga at tumunganga minu-minuto kagaya ng ginagawa ni Eam” then smirked.
“Mga impakta talaga kayo! Ako na naman ang nakita nyong dalawa! Di ba pwedeng iba naman?” Sabay pout
“Sarap tapyasan yang nguso nitong babaeng ‘to!” at kunwari’y kanyang hinahabol nga ang nguso ng kaibigan. “Sai ming! Paki hawak naman yang kamay ng bruhang ‘to” madali din namang sumunod si Sai, sa sinabi ng kaibigan. Nang mahawakan ang dalawang kamay ni Eam ay kunwaring inaabot ni Yuri ang nguso nito, todo ilag din naman si Eam sa ginagawa ng mga kaibigan.
“Hey! Education students!HANUNANAMANYANN?” isang familiar at nakakakilabot na boses ang nagsasalita. Biglang napahinto ang tatlo sa kalokohang kanilang ginagawa, nagkatinginan at sabay sabay at marahan nilang ipinipihit ang ulo sa gawi ng boses na iyon. Nyak! Ito na nga ba ang isa sa dilemma ng mga education students ng university na ito eh! ang kanilang pinakatatakutang professor na iba iba ang codename! Pero wala sa mga codenames niya, wala ang kahit isa ang maganda, lahat negative! Pag lingon ni Yuri sa may ari ng boses na iyon ay napalaki ang kanyang singkit na mata. Si Eam nakita nya ang ginawang iyon ni Yuri, kaya naman di niya maiwasang mapatawa. While Sai, kahit nakita niya ang ginawa ni Yuri di naman siya natawa or what, kay Eam siya natawa but she did all her best para pigilan ang sarili na hindi mapagaya kay Eam. She bit her lower lip , alam niya ang mangyayari kapag gumatong pa siya sa reaction ng dalawa. Hay naku!kagagahan ng isa, damay ang lahat. This is what they call CHAIN REACTION, meron pa ngang iba silang tawag DOMINO EFFECT…
“What’s funny Ms. Marcos? HUH!” sabay pandilat ng mata nito kay Eam at kay Yuri. Yun! Ligtas ang bruahng si Sai!!
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...