(PRESENT TIME to FLASH BACK...)
"Stable na ang paghininga niya, pero may konting halak pa din. Maya maya baka magising na din po siya." paliwanag ng isang nurse at nadidinig niya yun, pero bakit ganun? Ang paligid niya napakaliwanag, maingay.
"Hala"pasigaw na sabi ng isa, ngunit huli na ito at nahuhulog na siya pababa ng hagdanan. Tanging pagtakip sa mukha at tenga na lamang ang nagawa ng kanyang mga kasabay sa hagdanan at nagkalampagan ang mga dala dala niyang stainless na planggana. Paano'y nagkaroon sila ng play para sa isang subject, isa ito sa kanilang mga ginamit na props. Ibinababa nila ito papunta sa sasakyan ng kaklase nilang nagdala at nagpahiram nito sa kanila.
"Ouch shit!"malutong na mura ang kanyang pinakawalan sa isip at agad na tumayo na kunwari'y parang walang nangyari, mabilis niyang pinulot isa- isa ang mga props na nahulog kasama niya. "Oh my" tumama ata ang aking sacrum sa stupid na hagdanan na to" paninisi niya sa nananahimik na hagdana at kuntodo poise siya pero sakit na sakit talaga siya, paano naman kasi'y masama ang pagkakatama nito.
"Oy Sai ok ka lang?" nag-aalalang tanong nina Sheena at Tricia dito
"Ha?" yun lang ang tangi niyang naisagot sa dalawa. Paano di niya alam ang sasabihin sa mga ito. Aamin ba siya or sige ituloy ang pagpapapoise. "kami na lang niyan, umupo ka kaya muna" sabi ni Sheena dito
"I'm ok, don't worry. It didn't kill me naman" sagot nito sa mga ito.
"Weee sure?"may pang asar sa tanong na iyon ni Julia
"Ano ba warm up ko lang kanina yung sa play natin nuh" sagot naman ng loka lokang ito sabay kindat at dahilan para gawin na lamang nilang kakatawanan ang nagyari.
"Basta Sai sabihin mo lang kung kailangan ka na ba naming ipaospital ha!"nakahawak sa tiyan itong Yuri habang sinasabi ito
"Bakit di ba kakayanin ng clinic?"dugtong na biro ni Eam
"Mali!icheck nyo muna baka nabiyak yung hagdan" dagdag pa ni Julia sa pang aasar
"Kayo ha! sumusobra na kayo" kunwaring pagtatampo naman ni Sai at sabay naghalakhakan ang mga loka lokang mga babaeng ito. "Bilisan natin kanina pa ako sumisikat ditoeh,"pabulong na sabi ni Sai sa mga kasama "Yung professor natin na yun, may sarili naman tayong AVR dito pa niya tayo dinala sa anong department ba to?" tanong niya
"Architecture and Engineering" sagot ni Sheena, tignan mo ang daming yummy na fafa." ang sagot ng baliw na si Sheena. "Hmmmm, masarap magboyhunt dito" dugtong naman din ni Eam sa sinabing iyon ni Sheena.
"May future dito" may pagkindat pang sabi ni din ni Tricia
"Mga baliw bilisan niyo, hindi naman kayo ang napahiya ako kaya please lang maawa kayo" at nauna na siyang bumaba ng susunod pang hagdan nang kanyang napansin ang grupo ng mga kalalakihan sa corridor na kanina pang nakatingin sa kanila. Ang apat sinasadyang bagalan pa ang lakad, naku mga nagpapacute.
Nang pag-alis ng grupo nila Sai ay biglang nagtawanan ng malakas ang grupo ng mga kalalakihan, na kanina pang pinipigil ang sarili. Kitang kita nila kung paano nalaglag sa hagdan ang babaeng yun.
"Papoise pa ang wala!" pailing iling na sabi ng isang cute na cute na lalaki, tama ang puti at matagkad. Si Alexis isang engineering student
"In fairness mga magaganda ang mga educ. Ha" dagdag naman ng isa pang cute na moreno at matangkad din na lalaki si Jelard. Architecture naman ang kurso niya. Ang iba naman ay inaacting ang nangyari sa babae kanina, kitang kita nila ang lahat.
"Hahaha buti naka civilian sila ngayon, kasi palda ang uniform nila naku po kung hindi...." Di na niya natapos ang sasabihin
"Sus umandar na naman kamanyakan mo" pang aasar naman ng isa sa grupong ito. Madami sila at nung araw nayun swerte pa ding maituturing dapat ni Sai yun kasi di pa sila kompleto nun. Mga matatagal na na magkakalilala ang mga ito, magkaklase, magkapit bahay lang ang mga ito at naging solid na ang samahan. Ang iba sa kanila ay nasa ibang department. Ano ba ang pwedeng masabi sa grupo ng mga kalalakihang ito? Hmmmm, Ok cute, gwapo wala kang itatapon sa kanila paano'y lahat may hitsura, di lang hitsura ika nga ng iba kung sa babae may beauty and brain pasok na din sila dun, matatangkad din. Ang iba sa grupong ito ay nasa varsity, kung hindi man ay inilalaban sa mga academic contests or in short tinitilian talaga. Karadapat-dapat naman din sila sa mga tiling yun. Gentleman pa nga sila kung tutuusin, hinintay pa kasi nilang umalis ang grupo ng mga babaeng yun bago pa sila magtawanan, mabuti kamo at napigilan pa nila ang sarili.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...