CHAPTER XX (Part 1)

670 7 0
                                    

FLASH BACK...

Parang ang bilis ng mga araw na lumipas, ngayon ang simula ng mga araw na pinakahihintay ng lahat ang makapagpahinga kahit saglit, ang panandaliang bakasyon... Ang 2 weeks semestral break! Woah!!!saya saya!

Kung ang iba ay nagbabakasyon, ang mga officers at scholars ng bayan ay obligado sa charity program na sila mismo ang nag-isip at may pakana. Aba syempre naman! Sila nag-isip kailangan sila din gagawa. Idi deploy sila sa kung san man sila naka assign.

Habang ang iba sa kanilang mga kaklase at schoolmates at natutulog pa lang malamang hanggang sa mga oras na 'to: 9:00 , silang mga officers at scholars ay nasa school.

Parang regular class lang huh! Kanina pa na parang nasa mababang kapulungan ng senado lang ang datingan nila, yun lang nasa isang mahabang table lang sila, sa conference room.

Si Kian, bilang presidente ng student council, he started it.

Itatanong niyo syempre, nasan si hikaing Sai? at kahit hikain siya, kahit papaano ay scholar din siya at akalain mong may nagkamali ng boto sa kanya as one of the officers ng student council. Talaga naman oh!.

Ngayon hindi sila magkalapit ni Kian, nasa kabilang dulo ng lamesa si Kian nakaupo, si Sai kahit saang parte lang siya. Napapaligiran siya ng isang manang, isang impaktang baklita at katabing katabi niya ang isang poging lalaki.

"Excuse me, is somebody sitting here?" nakangiti nyang tanong kay Sai, tinanguan lang siya at agad din naman niyang inukupa ito. Habang umuupo ay nakikipag-usap siya kay Sai, at sa kabilang dako ng lamesang iyon ay may tumitirik na mata sa inis sa kanya, walang iba kundi si Kian. Mukhang mauunahan ka na! pasensya ka medyo mabagal ka kasi eh.

"Pacute!" Sa isip niya habang walang kakurap kurap siyang nakatingin dito. "And she like it to!" sa loob loob niya. Aba dahil lang nagreresponce si Sai kay kuyang pogi ay gustong gusto nya na? grabe naman yun.

"Hi! You're Sai right? Tanong ng isang bakla kay Sai.

"Yes" maikling sagot nito at pinilit niya ng todo todo na ngumiti.

"Pwedeng tumabi sayo?" tanong na naman niya

"Oo naman" sagot ni Sai.

Hmmmm, ang baklang 'to feeling ko iba ang ibig niyang sabihin, gusto niya katabi mismo si kuyang pogi, kaso nakaharang ka Sai, kung pwede tumabi tabi ka muna.

The meeting started with a prayer and right after that they proceed sa kung anuman ang mga bagay na dapat nilang pag-usapan. Nandun din ang advisers' ng mga scholars at officers, maging si VPAA nila ay nandun din nakikinig.

Si Kian ang madalas na sumasagot sa kung ano mang tinatanong ng mga nakatataas. Siya din ang nag-explain ng lahat lahat.

"Ang gwapo talaga ni Mr. President" kinikilig na bulong ng isa sa katabi niya at katapat yun ni Sai. Syempre malabo man ang mga mata niya sobrang linaw naman ng pandinig niya. "Sabunutan ko kayo jan eh" sa loob loob niya habang masama ang pagkakatingin niya sa mga babaeng ito.

"Dream guy ko talaga si Papa Kian" biglang sabi ng katabi niyang bakla at napalingon siya dun, sakto naman kasi sa kanya din pala sinasabi ito. Pero siya? Wala siyang masabi.

"Magpipray nga ako lagi kay Papa God para ibigay niya ang aking love, honey so sweet na si Kian." Dagdag pag-iinarte niya, habang ang katabi niya nakatitig lang sa kanya. At kung kanya sigurong titignan ng husto ang mata ni Sai, mababasa niya ang mga salitang "In your dreams. Tigilan mo ang prospect ko, kundi babalatan kita ng buhay "

"Ano ba? ang ingay ingay mo naman! Di ko madinig sinasabi sa lakas ng bibig mo" angal ng isa pang babaeng katabi din nila Sai sa baklang kanina pang nag-iingay.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon