CHAPTER LXIX

230 0 2
                                    

Laking pagtataka ni Kian kung bakit sya pinapupunta ng kanyang mommy at daddy sa ospital. Makailang ulit na din syang nagtanong kung sino ba sa kanila or sa pamilya ni Sai ang nasa ospital, ngunit walang sagot ang mga ito.

"Just go there, bro!" tipid na sagot ni Caleb sa kanyang kapatid ng tumawag sya dito.

Sina LR at Sean naman, di sinasagot ang mga tawag niya. Ni Kian.

"Weird!" sa isip niya. Oo, weird kasi kinakabahan din sya; sa totoo lang nung pabalik pa lang sila ng bansa galing Busan ay nagsimula na syang kinabahan.

He just ignored it. Keep ignoring it, akala niya kasi baka dahil board meeting nila ng araw din na iyon. At kung yun man ang dahilan, weird nga! kasi'y ni minsan di pa naman sya kinabahan ng dahil lang sa meeting. Sa isip niya.

Ilang sandali pa, muli na naman niyang naramdaman ang pagvibrate ng kanyang cellphone. Wala pang ilang minuto mula ng iinform niya ang mommy niya at nanay ni Sai na nasa Manila na sya at on the way na.

"Yes mom! I'm on my way there." sabay buntong hininga niya. Di niya alam kung alam kung saan ba sya natitense, o natitense sya sa pangangarag ng mommy niya sa kanya?

Nang marating na niya ang ospital na kahapon pa pinapupuntahan sa kanya ng mommy at daddy niya ay lalong lumakas ang kaba niya. Bahagya pa syang napapikit dahil don at nangilabot.

Mas lalo pa syang kinabahan at otomatikong nagmadali ang mga paa niya sa gawi ni LR nang makita niya itong bumaba ng kotse.

"LR!" tawag niya dito, matapos nyang bigyan ng instruction ang secretary niya.

"Oy!" tanging nasambit lang ni LR dito.

"What's in here? my mom keeps on calling me, telling me to go here." si Kian. Kasi'y nagtataka talaga sya. Kung wala naman sa pamilya niya or sa side ni Sai ang nasa ospital, bakit kailangan niyang pumunta dito? he even asked his friends, pero walang makasagot. Wala silang maisagot.

Wala silang maisagot kasi'y di pa nila alam ang totoo.

Si LR, imbes na magreact pa sa sinabi ni Kian ay nginitian na lang niya ito ng bahagya. Nakaramdam sya ng lungkot para dito. "Matanggap niya kaya?" tanong niya sa isip.

Alin ang matatanggap ni Kian, LR? yung pinagbubuntis ni Sai? o yung sitwasyon ni Sai?

Sabay na pumasok ang dalawa sa ospital na iyon. Akala mo'y mga celebrities sila, paano'y napapalingon sa kanila ang mga nandun. Ikaw ba naman, mukhang Jung Yong Hwa at Jung Hae In, di ka lilingon? minsan lang ang beautiful sceneries na hindi mo na kailangang maglakbay at libre pa, di mo lilingunin?

"Kuya-" naputol ang pagsasalita ni LR. Di niya alam paano at kung saan sya dapat mag-umpisa.

"Yes?" si Kian.

Ang isa'y napailing na lang. Pag bawi niya.

Habang naglalakad sila sa hallway ay mas nawiweirduhan si Kian at kinakabahan. Pero pilit niyang 'di pinapansin ito, sa halip paulit ulit syang huminga ng malalim. Pinakakalma malamang ang sarili. 
Si LR, he's looking at him silently. Tinatantsa niya ito.

Medyo nagpauna ng lakad si LR ng mapatapat na sila sa kwarto. Mabilis na hinawakan ni LR ang door knob. Di niya hinayaan si Kian ang mauna dito. "Be strong." sambit ng kapatid ni Sai bago niya pinihit iyon. Napakunot noo na lamang si Kian dito.

Tuluyan nang bumukas ang pinto. Kitang kita ni Kian ang shocked sa mukha ng mga tao sa loob ng kwartong iyon. Ang mommy at daddy niya, maging si Cyan. Wala nga lang ang kuya niya. Ganon din ang nanay at tatay ni Sai, at ang bunsong si Sean.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon