It is Sunday morning, and kagaya ng nakagawian ng pamilya ko, nagsisimba kaming magkakasama. Actually, I have to be guilty sa nakasanayan naming ito, paano kasi'y minsan kina Kian ako sumasama, pero ayos lang naman iyon kina nanay.
I called Kian early that day. Telling him na sama siya sa amin sa pagsisimba.
Ayon, wala pang dalawang oras mula nang tawagan ko siya, at kasama niya din si Cyan, kakwentuhan na naman nila ang dalawa kong ugok na kapatid, sina LR at Sean.
"Nak, gwapo pala talaga ng boyfriend mo ano?" sabay nguso ng nanay ko sa kung saan naroon si Kian, kasama nang iba pa. "Di lang utak ang gwapo, pati mukha." Dugtong pa niya.
"Ngayon mo lang 'nay napansin?" nangingiti kong tanong sa nanay ko.
"Di naman. Kaso, ngayon ko lang ulit kasi siya nakitang hindi naka long sleeve."
Naka blue polo shirt and jeans lang si Kian. Black sporty watch ang suot niya't white snickers. Bumagay lalo ang lahat ng kulay ng suot niya sa kutis niya.
Simpleng- simple, at ang bango bango tignan. YUMMY!
Sa totoo lang, mas gusto kong nakikita si Kian na ganoong kasimple lang ang suot. Kesa sa naka kurbata siya. Nakapormal na suot. Para kasing ang hirap niyang iapproach pag pormal masyado ang suot niya.
Ang porma niya ngayon, reminds me of Kian I met few years ago. Nang college pa kami.
"Ako din 'nay, namiss ko ang ganyang pormahan niya." habang sinasabi ko iyon sa nanay ko, di ko namalayang nakatitig na pala ako kay Kian. Kung gaano katagal di ko alam, kung di pa siya mapapalingon sa gawi ko.
Nang makita niya akong nakatitig sa kanya, ramdam ko ang biglang pamumula ng aking mga pisngi. Kaya, tanging pagyuko na lang ang nagawa ko.
"Sige na, magready ka na din at matapos tayong kumain, aalis na tayo." Sabay kuha ng nanay ko sa hawak kong mga plato. "Bilisan mo magbihis."
Agad ko din naman sinunod ang utos sa akin ng nanay ko. Mabilis kong tinungo ang kwarto ko't nagbukas agad ng aking closet.
I chose the black off shoulder and my favorite white jeans. Pagkapili ko nun ay mabilis akong pumasok sa sariling toilet ng kwarto ko. "Dun na lang ako magbibihis." Sa isip ko. Paano'y may bagong bili at pakabit akong isang vanity mirror doon.
Mabilis ang pagligong ginawa ko.
Nagmamadali akong nagblower ng aking buhok, nag-apply ng cream at powder sa mukha. Konteng pahid ng pink carnation kong lipstick. Muli kong chineck ang mukha ko, "Okay na 'to."
"Are you not going to wear the necklace and bracelet I gave you?" halos tumalon ang puso ko sa gulat.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" sunod sunod kong tanong sa kanya. Naka tulak pa ang dalawa niyang kamay sa mukha niya, habang nakaupo sa edge ng bed ko. "Kanina ka pa?"
"Here we are again. Ask me questions one at a time, my love." Sabay tayo niya. "I am already here while you are still choosing your clothes to wear." Habang siya'y humahakbang papalapit sa kinatatayuan ko.
"Been watching you prepare mahal." Sabay angat ng isang side ng kanyang labi. "Mas naiinlove pa ako -"
"Bumaba ka nga, mamaya makita tayo nina nanay eh! lalo na ni tatay." Singhal ko, sabay talikod kunwari sa kanya. "Mamaya anong isipin pa nila."
"I asked permission kay tito. And they knew it. They are all aware that I followed you." sabay akap niya sa akin habang nakatalikod ako.
Gustong manlaki ng mga mata ko, kaso'y namali ako ng pwesto. Nasa harap kami ng aking isa pang salamin. Kitang kita namin ni Kian ang Isa't isa. Kaya pigil lahat ng pwedeng kabaliwang reaksyon ko.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...