Halos isang buwan na din ang nakakaraan nang may mangyari sa amin ni Kian, at parang dahil doon ay mas naging mahigpit pa siya sa akin. Bagay naman hindi ko kahit kailan ikinainis. Isa pa, paliwanag niya kaya mas naging madalas ang pagcheck niya sa akin ay para hindi ko na daw ulitin pa ang pagwawala ko sa harap ng madaming tao. Medyo harsh nga kung idescribe ni Kian ang nagawa kong pag popoll dance sa bar na pag mamay-ari ng aming coteacher, si teacher Maan.
Hindi na din naman natuloy pa yung balak na ipasara nina Kian at Alexis ang bar dahil nandun kami. Simple lang naman ang ginawa ng impakta at bakla kong kaibigan, nagpacute sa boyfriend niya at sa boyfriend ko. good thing, tumalab naman.
"Hoy! kanina pa kita kinakausap, Sai! at kanina pang lusaw yang ice cream na inorder mo. Ano, ako na lang lalafang niyan, trip ko pa naman ang lasa." At di na hinintay pa ni Eam ang sagot ko sa tanong niya, kusa na niyang kinuha ang kanyang tinutukoy at mabilis na nilantakan
"Grabe, sunggab agad?" tangi kong nasabi.
"Eh, ang tagal mo. Saka bakit ka ba tulala d'yan? Huh?" may pagduro pa ng kutsarita sa mukha ko ang loka loka. "Daig mo pang nalugi ng isang milyon sa pagkakatulala mo these past few weeks!" sabay tulak sa balikat ko.
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Aware naman ako, natutulala talaga ako ng mga nakaraang linggo pa. Paano naman kasi, nalilito ako, naguguluhan ako. "Sasayangin ko ba ang opportunity na minsan at bibihira lang ang pinagbibigyan noon? Makakaya ko naman kayang iwan si Kian, kasi'y matigas siya sa naging tugon niya noon, 'I'll come go with you, or you're not going anywhere. You can still study and work here, where I am. Or if you want, I will support your studies.'" sabay pakawala ko ng aking hininga.
"Hoy babae! Baka tumalsik ako niyan. Nagmamajinboo ka na naman." Habang tuloy pa din siya sa paglantak ng ice cream na inagaw lang naman niya sa akin.
"Kung, hindi ka mananahimik d'yan, baka ipaligo ko yan ice cream nay an sa'yo." Banta ko, sabay irap.
"Eh, kas—" di ko na pinatuloy pa ang sasabihin niya. Agad ko siyang sinenyasan na manahimik na lang. Tanging pagkibot lang ng bibig ang nagawa niya.
"Kahit isang oras lang, manahimik ka. Please lang."
"Ay, grab—" muli'y di ko hinayaan na ituloy pa niya ang sasabihin niya. Tsk, kahit kailan talaga, the best ang bunganga niya sa pagdaldal. Napa kalumbaba na lang ako at tumanaw sa labas ng ice cream house kung nasaan kami. Muli kong inisip ang nagpapagulo sa akin.
Just this morning, I received an email coming from the school in London, telling that everything's ready. They even sent thru email the plane ticket and deposited the allowance I will be needing in my bank account. Scheduled flight? Well, day after tomorrow lang naman. "Paano ba ito?!" sigaw ko sa isip ko. Ni hindi pa ako nakakapagpaalam kina nanay at tatay, maging sa mga kapatid ko, sa mga baliw kong mga kaibigan at lalo't higit kay Kian.
The school admin was informed already, that I will be leaving, at pumayag din naman silang hwag ipaalam iyon. Malinaw ko din namang sinabi sa kanila, na after my studies abroad and experienced inteaching doon ay babalik ako sa school na iyon. Natuwa naman sila sa decision kong iyon.
Naputol lang saglit ang pagmumuni muni ko nang may iabot sa akin si Eam na papel. Hays! Abnormal talaga ang babaeng 'to.
Gaga! Kanina pa may tumatawag sa iyo!!!!!!!!!!!!!!!!
At talagang sandamakmak pang exclamation point ang inilagay niya.
"Para kang baliw, isinulat mo pa. Pwede namang sabihin na lang. Tsk!" sabay iling ko.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...