CHAPTER VII

793 9 0
                                    

(FLASH BACK...)

"Guys, Isa siya sa mga dati nang member ng dance troupe na to, dati na din siyang nabigyan ng bansag when it comes to dancing." Umpisa nito "But nagquit siya kasi he chose to concentrate sa studies, well nung nagquit siya di na niya tayo nabibigyan ng awards sa dancing, sa ibang bagay naman. Mabuti nga at napapayag ko siyang sumayaw ulit, sabihin na natin na siguro namiss nya din ang pagsasayaw" sabay tingin sa gawi nito.

Si Sai naman tahimik lang at nakayuko, binabasa kasi niya yung text ng kanyang nanay.

"Di ko na iilaborate lahat lahat basta alam ko pag nakita niyo siyang sumayaw malalaman niyo ibig ko sabihin" at halos maghiyawan ang magkabarkada nito ng sinenyasan siyang lumapit.

"Paiba iba ng partner, ano ba kasi balak niyo?" may pag-irap na sabi ni Sai sa isip at napapailing na lang siya.

"He is Kian, dating member ng dance troupe" sa sinabing iyo ay nagpalakpakan ng todo ang mga kabarkada nito

"Di ba siya yung mathematician ng school natin?" tanong ng isa

"Oo, ang gwapo gwapo naman niya" kinikilig na sabi naman ng isa pa

"Eh kanina pa yan nanunuod dito eh, baka kaya nanunuod kasi babalik pala"

Si Sai nananahimik lang sa sulok nakapikit at hinihintay niya kung mag uumpisa na ba, at nayayamot na siya

"Sai" tawag ng choreo "this is Kian and he will be you partner" sabi ng choreo nila

 Si Sai, tumayo sa kinauupuhan, "Ang cute cute niya Sai" kilig na bulong ni Sheena sa kanya, Napataas na lang ng kilay ang kausap niya. Nang titignan sana niya ang tinutukoy ni Sheena ay bakit di niya makita ng maayos ang mukha nito? "Grabe talagang tumapat pa siya sa liwanag ah" sabi niya sa isip.

Pagabi na nun at tanging ang ilaw na lang ng studio ang malamang ang tinutukoy ni Sai na "dun pa siya tumapat"

Ang nakikita niya lang ay ang katangkaran nito, na tantsa niya ay nasa 5'9, nakawhite jogging pants na may tatak na "ARCHITECTURE", "ah galing sa department nayun, at mukang maporma at malinis ha" sabi niya sa isip.

Habang papalapit siya sa gawing iyon ay medyo lumilinaw ang nakikita niya, Pero ang mukha nito parang kumikinang pa din sa liwanag at kinaiinis na talaga siya. "hay! Hmm pero, maganda ng buhok!" hangang sabi niya sa isip, nang makalapit na siya sa choreographer at sa tinutukoy nito ay "Sus di ko naman makita kung totoong gwapo. Malamang di naman talaga siya gwapo" sabi niya sa isip at parang nadismaya pa siya.

Aba at itong si Sai sadya yatang di malinaw ang paningin, o bulag na? paano niya nasasabing di gwapo?paanong di niya naapreciate ang hitsura ng kaharap? Eh isa ito sa mga crush ng campus. Matalino na gwapo pa. 5'9 ang taas niya, may pagka payat, singkit ang mata, matangos ang ilong, tama ang puti nito at bagay sa kanya, maganda ang mga ngipin at lalo't higit ang mga ngiti nito dagdag pang malinis, magaling magdala ng damit. Ang sabi nga ng iba may kamukha itong Korean actor at lead vocalist ng isang sikat na banda sa Korea.

"Ok Kian, this is Sai" pakilala ng kanilang choreographer sa kanilang dalawa. Unang nag offer ng kamay ay si Kian at tinanggap naman ito ni Sai "Wow!!ang lambot ng kamay" parehong komento ng dalawa sa kanilang isip.

"Nasundan naman daw ni Kian ang mga steps so begin, Sai ganun ulit and you Kian show your demeanor" pagkasabi nun ng kanilang choregrapher ay agad pinatumugtog ang kantang kanilang pinapractice kanina pa.

"Owww.."sa isip ni sai. "I can't see his face" sabi pa niya ulit sa isip. Pero narealize niya na okay na din siguro yun para at least kahit papano kung totoo man na cute siya o gwapo siya gaya ng sabi nila Sheena ay di siya madidistruct.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon