CHAPTER XI

711 7 6
                                    

(FLASH BACK...)

Ang kausap o mas magandang sabihin natin ang kanyang inaaway ay nagtataka kung bakit at ano ang nangyayari kay Sai. Kaya naman nilapitan niya ito tinanong “You okay??” alalang tanong nito. Paano ay nakwento ni Sheena na may hika ito, takot niya din ano?

Nilapitan niya si Sai pero composed na compose pa din siya. “Cool ka lang Kian, pretend as if youre not really bothered.”

saway niya sa sarili.

Si Sai, “Ayan na siya”sabi niya sa isip at dinig na dinig niya ang lagabog ng dibdib niya.

“Wag ka lalapit, jan ka lang!” madiing sabi nito.

Si Kian lalong nagtataka. “Ako na nga ang binato mo, ikaw pa ata ang galit!” may inis sa boses nito.

“Wag ka nang magsasalita” halos pasigaw na sabi ni Sai “Kundi babatuhin kita ulit” panakot nito. Nagmamadali siyang tumayo sa kinauupuang higaan ng kanilang clinic, pero di niya napansing may kataasan pala ito kaya muntikan siyang matumba pero

“Hey! will you please try to know and practice the word CAREFUL!” galit na sabi ng nakasalo sa kanya “If i were you, I will also try to stop being grouchy. While somebody still want to hel... ”

at muli di niya naituloy ang sasabihin dahil ulit, na out balance naman si Sai. Madali niya itong nahawakan.

Ang eksenang iyon ang saktong nakita ng barkada nila. Kapwa nilang di napansing bumukas ang pinto ng clinic.

Yakap ni Kian si Sai, habang si Sai ay nakatitig sa kanya. Natigilan silang lahat sumandali

Parang huminto ang mundo ni Sai sa eksenang yun, pakiramdam niya nawalan siya ng utak, puso at malala pati ata kaluluwa niya ay nawala din, kaya naman kanyang tanong na parang nagdadasal sa isip “Lord, nasa langit na po ba ako?.”
“Bakit Sai anong nangyayari sayo?” may parte ng utak niyang yun ang tanong. May gusto siyang sabihin, may gusto siyang gawin pero bakit hindi niya magawa? Bakit di niya masabi? Asan na ang katarayan mo?

Si Kian, ganun din. Titig na titig siya dito, amoy na amoy niya si Sai “Simple ng amoy niya, but she rocks!” sabi pa niya sa isip.

At Kian, ano? Wala kang balak tanggalin ang kamay mo jan?

Ang totoo din parang naparalyzed siya, di din siya makagalaw.

“Oy teka, teka. Let’s take a picture” ang halos nagmamadali at pasigaw na sabi ni Jelard habang pinipilit ipasok ang sarili sa bawat pagitan ng mga nakatayo na lang na mga barkada sa clinic. Mabuti at wala ang resident nurse dun. “It would last longer” dagdag pa niyang parang loko loko lang sa kakamadali.

“Once in a lifetime lang tayo makakakita ng ganyan na libre at di kailangang manuod sa sinehan” dagdag din ni Dexter at nakipag appear pa ito kay Ryan at Andy

“Gandang eksena to, blockbuster!” birong sabi din ni Andy

Habang sina Yuri at Eam nakatakip pa din ang kamay sa kanilang bibig, kanina pa nilang ayos ito simula ng makita nila ang pormang iyon nila Sai at Kian. Habang ang iba naman ay nagmamadaling kinukuha ang kanilang cell phone na de camera. Ang nangunguna? Syempre ang feeling pogi at looking pangit naman na magkapangalan pa sina IVAN. Kabarkada ni Sai na Ivan at Kabarkada din ni Kian na Ivan.

“Ano, ganyan na lang kayo?” di malaman kung saway o pang iinis ni Alexis sa mga to.

Parang binihusan ng malamig na malamig na tubig ang dalawa sa biglang napansin din nilang hitsura nila, tinulak agad ni Sai si Kian

“Sabi ko sayo di ba 5 meters away” nagsusungit at duro ni Sai dito.

“Hey! WHAT!? Is that how you show your appreciation to what I did?” Pagsusungit din ng isa kay Sai “You still have the audacity!! and what are you saying 5 meters away?” dagdag pa nito. Ang totoo kinakabahan pa din si Kian, parang feeling niya ay malapit na malapit pa din kanya si Sai. Pinilit ni Kian kalmahin ang sarili, nanghimulsa pa siya at sabay hinga ng malalim. Di niya alam kung bakit pero, alam niya kinakabahan siya. At ang totoo tanong niya sa sarili bakit natutunan niya ang kaba, oo dahil lagi siyang kalmado, pero simula ng makita niya ang mataray, masungit, maarte at saksakan ng supladang babaeng ito? At ngayon, mas tumindi pa ang kabang ito. Bagong bago sa kanya.

Si Sai walang masabi kanina pa. Blangko. 

Mabilis niyang pinulot ang kanyang panyo, paano ay nahulog ito kanina. Sabay punta sa gawi ni Kian na parang pinapakita niya ang galit niyang mukha dito. At nagmamadali na siyang lumabas ng clinic. Pakiramdam ni Sai dapat niyang isumpa ang clinic na yun, at teka anong petsa ba ngayon?

Si Kian, ayun buntong hininga na naman ang ginawa. Sige kalmahin mo ang sarili mo.

Habang ang kapwa barkada nila ay ganun pa din. Ang iba ay inaacting na naman ang nakita, may natutulala at sina Eam at Yuri nagkakangitian at nagkakatinginan. Dahil bukod sa nabigla sila sa nakita kina Sai at Kian, may nakita na naman agad silang mga prospects. At sure sila dun, mga FAFABLE  kung kanilang tatawagin.

 

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon