so, after a quite long wait thanks to moving, no internet and hmm busy days lang po.
here is our next chapter. it's half one or maybe, may kasunod agad na ibang chapter after a few days.
THANK YOU SO MUCH FOR WAITING...
ARIGATOU!
Maaga at ganado ako ng magising sa araw na ito, at dahil sympre naalala ko "Ngayon nga pala ang araw na dadating si Kian from Seoul, dahil sa project na meron siya." Habang nangingiti akong naglalakad papunta sa bathroom.
Miss na miss ko na siya talaga, kahit pa nga sabihing lagi kaming magkausap sa skype at lagi niya akong tinatawagan. Iba pa din talaga kapag nakakasama ko siya. "Hay! Hirap din minsan ang maging in demand ka, lagi kang may iiwang mga tao sa paligid mo. Laging may makakamiss sayo." Pakikipag-usap ko sa sarili ko.
Oo at isa siya sa mga nagplano ng kasalukuyang itinatayong pinaka mataas na building sa buong South Korea. Ako bilang kanyang girlfriend dito ay proud na proud din. Actually, simula nang naging kami ni Kian ay walang araw na hindi niya ako binigyan ng dahilan para maging proud na girlfriend niya. Bawat araw ay parang fulfillment para kay Kian.
"Hay! Samantalang ako?" sabay hinto ko nang matapos kong buksan ang faucet at sumandal sa pader. "Should I accept the offer or not?" at muli akong nagpakawala ng isa na namang malalim na hininga. "Hindi naman siguro masama kung tatanggapin ko iyon. Maganda ang offer, at bihira lang magkakaroon ng chance para sa mga gano'ng bagay. At kung tutuusin ay swerte lang ako, kasi dalawa pa ang nag-ooffer." Sa isip ko, at kasabay non ang decision na nabuo ko sa sarili ko. "I will ask my parents regarding that matter, also Kian."
Parang ang bilis bilis ng oras sa araw na ito, o siguro sobra lang akong motivated, at excited dahil padating na ang aking poging poging boyfriend!
Pero kung anong inaga nang matapos kong lahat ng mga dapat kong gawin, "Teka nga, halos kalahating oras na akong nakaupo dito sa waiting area ah! Asan na ba ang baliw na Jelard na yun?!" biglang nagwala ang isip ko nang marealized kong ang tagal tagal ko na palang nagdiday dream sa waiting area ng school!
Ibinilin kasi ako ni Kian sa kanyang bestfriend, kay Jelard! Sa dami ng kaibigan niya, kay Jelard pa talaga. Mas malapit kasi ang condo unit ni Jelard sa bahay namin, kaya siya. As if may choice ako di ba? pwede naman sana kay Jason, kaso "NOWAY" lang ang sagot ni Kian ng sinuggest ko iyon. Si Ryan, si Kuya Dan, si Glenn, juice ko! pati na nga si Ivan sinuggest ko pero ayaw niya. Si Jelard lang daw.
Taray di ba? parang malayo man, malapit pa din ang peg. Ibinilin pa ako sa kanyang kaibigan. "Okay lang naman sana eh, bukod sa girlfriend niya ang bestfriend namin ni Eam ay bestfriend din siya ni Kian, kaso bakit ganun? Cocoon ang tawag niya sa akin! ano yun?" maktol ko na naman.
SAI'S POV
"Jelard, please stop calling me cocoon. Will you?" pagtataray ko sa kanya at pinahahalata ko iyon.
"No, ayaw ko nga." Ni hindi man lang ako nilingon ng walang modong lalaking ito!
"Why are you calling me cocoon?!"
"Wala, trip ko lang." sabay kindat.
"Sabunutan ko eyelashes mo jan eh! gusto mo?" singhal ko sa kanya, sa talagang di ko alam bakit sa dinami dami ng pwede itawag sa akin bakit cocoon pa! "Di ba pwedeng butterfly na lang?" gulat ako nang tunawa siya ng malakas. "Problema mo?!"
"I already have my butterfly, you knew her so well. And she's my one and only butterfly. Kaya sorry Sai, di ka butterfly! Si Yuri lang ang butterfly sa akin. COCOON ka at si Eam naman ang caterpillar ko." at pinatakbo ng mabilis ang kanyang iniyayabang na Subaro.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...