(PRESENT TIME...)
Si Eam at Yuri kanina pa nakatitig sa kanilang cell phone, "nagreply na ba sayo ming?" tanong ni Eam
"Wala nga eh" nang biglang magvibrate ng sabay ang cell phone ng dalawa. Mabilis nilang tinignan ito "hay naku si Angelo" naiiritang sabi ni Eam, samantalang si Yuri "hinahanap na tayo nila Edwin, malapit na daw magtime"
"Naku feeling ko galit sa atin yun"nag-aalalang sabi ni Yuri
"Oo nga eh"
"Ikaw kasi eh" may pagbibirong sisi ni Yuri
"Anong ako?"
"Oh bakit di ba ikaw pumara nung van?"
"Eh malay ko bang diderecho siya ng uwi!" depensa ni Eam "ang usapan natin di ba dito?"
"Hoy kayong dalawa diyan kanina pa kayo ah, ano bang oras ng klase nyo? Tanong ng lola ni Eam sa dalawa. Dito tumatambay ang tatlo kapag free time at pag nagkacutting classes sila. Sa lumang library ng high school department ng unibersidad na pinapasukan nila. May sariling lounge din ang lola ni Eam dito, paano'y isa sa mga pioneer teacher, assistant principal pa. Dahil dun, dito nakakatambay ang tatlo.
"Hinihintay po namin si Sai" magalang na sagot ni Yuri dito.
"Oo nga pala, asan si Sai? kanina ko pa di nakikita yun. Pag nauuna yun sa inyo dumadaan yun dito eh. Di ba nagtetext sa inyo?" nagtatakang sabi din ng lola ni Eam
"Kanina pa nga po namin tinitext, di naman nagrereply" simpleng sagot ni Eam. Di nila maiopen ang totoo, maaring galit si Sai sa kanila dahil sa nangyari kahapon.
"Eh baka walang load, kayong dalawa lang naman mahilig magkukutingting ng cellphone niyo eh"
"Di naman po" may pag-angal sa boses ni Yuri
"Kayong dalawa ang halos araw araw kong nakikitang walang ginawa kundi magpindot ng magpindot diyan sa cell phone niyo, si Sai hindi. Nagrereklamo nga kayo di ba na di man lang kayo mareplayan, na kesyo kanyo magtatype na lang kinatatamaran niyang gawin. Saka di kaya nasa school na din yun"
"Imposible yun lola" halos sabay pa na sagot ng dalawa
"May practice yun para sa pageant night niyo? Kaya nandun nayun di lang makareply"
Ang dalawa napaisip din maari ngang ganun, siguro ay busy sa practice. "Kaya umalis na kayo, pag dumaan siya dito sasabihin ko na sumunod na siya sa inyo"
Sumang ayon naman ang dalawa at mabilis na din na umalis. Habang naglalakad sila "imposible Yuri" biglang sabi ni Eam
"I know. mamaya pang hapon ang schedule ng practice nila"
"Pero baka nagbago din ng schedule" sinubukang paniwalain ng dalawa ang sarili pero ang totoo ay nag-aalala talaga sila
"Eam, alam mo kanina pa ako kinakabahan"
"Akala ko ako lang" sagot naman niya kay Yuri
"Di kaya makakasalubong natin ang grupo nila?" may pagtanong pa itong si Yuri kay Eam
"Hay naku ming wag kang magbiro ng ganyan, alam mong wala si Sai, and we both know na hindi natin kaya yun" di pag sang ayon ni Eam sa naisip ng kaibigan.
"Pero Yuri iba ang kaba ko eh, actually natatanaw ko na sila" habang kanyang niyuyugyog ang kamay ng katabi
"Asan?"tanong naman ni yuri sa kanya
"Ayun sila gusto mo ituro ko pa?o gusto mo tumakbo pa ako papalapit sa kanila?" pilosopong sagot sa kanya nito, "ayan yang bibig mo kasi eh" angal pa niya
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...