CHAPTER LI

471 3 0
                                    

Habang tinititigan ko si Kian sa kanyang binibigay na address, di ko maiwasang lalong kiligin at ma inlove sa kanya. Parang pakiramdam ko, ang swerte swerte ko naman dahil ang isang katulad niya na matalino pa ang nagkagusto at nagtsaga sa akin.

Ang isang kagaya ko na, baliw, magpagkabipolar, maarte at kahit ilang beses ko sinubukang lumayo sa kanya, ay di pa din siya nagbago. Well, ako din naman. Kahit ilang ulit kong sinubukang kalimutan siya, dahil sa mga nangyari, ito naman ako ngayon.  Deads na deas pa din sa kanya.

Pinakikinggan at iniintindi ko ng mabuti ang bawat sinasabi niya, ang mga ibig sabihin nun, ang mga kahalagahan ng mga iyon. may paminsang tingin siyang itinatapon sa gawi ko, mga tingin na di maiwasang magtama ang aming mga mata kaya syempre kilig to the bones na naman ang loka lokang kagaya ko.

Thesis of the Year, Suma Cum laude.

Dalawa lang sa mga parangal na binigay sa kanya, at alam ko maging ng  lahat na ---DESERVED niya ang mga yun.

Masaya at kinakabahan ako sa araw na ito. Sino nga ang  di kakabahan? Aba! si Tita Ella lang ang pagitan namin ng kanyang halmoni, ng kanyang lola. Lola niyang grabe kung makatingin! Mula ulo hanggang paa, pabalik! Juice colored. Whenever she looks at me, parang natatakot ako. Parang gusto ko din dalhin ang nanay ko, at sila na ang mag-usap sa tinginan.

Ang totoo, dahil sa pagdating niya ay na stressed ako. Ilang gabi atang wala akong tulog, bukod din kasi sa mga final requirements namin ay mas namuroblema talaga ako sa kanya. Ito nga ngayon, medyo sumasakit ang ulo at mata ko. Sana lang wag namang lumala or kung ano man ang sumpungin sa akin.

********************************

“Would be ok Kian, if I won't come to your graduation?” tanong ko kay Kian nang tawagan niya ako kaninang umaga, para ipaalala sa kanya ang time ng pagsundo nila sa akin.

 

“Why?” yun lang ang tanging tanong niya din sa akin.

 

Bahagya akong napaisip, ano ang sasabihin ko? yung totoo? Or magdadahilan ako?

Alin man sa dalawa alam ko maiintindihan niya ako, pero di ko din alam kung bakit, isa pa gusto ko din makita si Kian sa isa sa mga espesyal na araw niya.

 

“Hmm, nothing. I just asked.” Tangi ko na lang sagot.  Ito na naman ako, sa pag iinarte inarte effects! Kainis!

 

“Then, I think you really have to come. I would be happier and proud if you’re there.” Sabi niya.

 

“Ganun?” sabay buntong hinigan ko. “Iinuman ko na lang siguro ito ng pain killer.” Sabi  pa ng isip ko.

 

“Yes. And halmoni wants to meet you. She keeps on asking me about you!” may konting ngisi sa kabilang linya akong nadinig.

 

“Ano naman mga sinasabi mo sa kanya about me?”pasungit kong tanong

 

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon