CHAPTER XXIV

587 5 0
                                    

FLASH BACK…

Maganda ang naging gising ni Sai nang umagang ito, hindi kagaya ng kahapon na wala siyang tulog. Ngayon ay iba, maaga siyang nakatulog marahil ay dahil na din sa pagod, at ang isa pa ay utos sa kanya ito ni Kian.

Oo, utos ni Kian at sumunod naman si Sai, at kagaya nga ng nakaraan at natatanong din niya s akanyang isip ay BAKIT…Bakit kasi sa madaming dahilan at hanggang nagyon ay di pa din kalinaw ang lahat.

Pagkatapos niyang itext ang kanyang nanay at tatay ay kaniyang tinupi ang kumot na kanyang ginamit, nag-inat siya nang kanyang biglang naalala ang kahapon. Nangingiti siya sa eksenang iyon. Paano naman kasi, kung di pa ata sila uulanin ay wala silang balak na dalawa kumalas sa isa’t-isa. Kapwa nila feel na feel ang hitsura at position nilang iyon kahapon. Ipinikit pa ni Sai ang kanyang mga mata, talaga namang gustong gusto niya ang lahat ng emotions na binibigay ni Kian sa kanya, pwera syempre sa biglaang paglungkot niya kahapon.

Mabilis siyang natapos sa routine na kanya ding ginawa kahapon. 

Madali siyang nagshower, at isinuot ang damit na kanyang napili kagabi pa lang. Oo, gabi pa lang ay iniready at inisip na niya kung ano ang isusuot niya kinabukasan. Isang royal blue three-fourths na mahaba sa likod at may kaiksian naman ang sa harap ng blouse niya. Puting pedal pusher at simpleng puting flat shoes. actually, Yung 3 inches high stiletto ang binalak  niyang isuot kagabi, kaso narealized niya na para siyang pupunta sa party, kaya naman agad ding nagbago ang isip niya. She also chose not to bring and later will wear her eye glasses, instead nag contact lenses siya. It enhances ang natural na kulay brown niyang mata na minana pa niya sa kanyang nanay.

Message sent

Bago siya umalis ay kanya munang tinext ang kanyang nanay at tatay, pagpapaalam niya.

Kinuha lang niya ang tumbler na lagi niyang dala na may lamang kape sa counter ng biglang tumutunog ang kanyang cell phone. Kinuha niya ito agad, kabang pagka aga aga ang dulot ng may-ari ng number na iyon. Mas tumindi pa ang kaba niya ng sagutin niya ito . 

“Hello”

“Hi, good morning cute” sagot naman ng tinig sa kabilang linya.

Tahimik lang ang linya ni Sai, as usual, natunganga na naman si Sai. Tawagin ba naman siyang CUTE, eh pagka aga aga pa lang sino ang di matitigilan? 

“Hello Sai?” boses sa kabilang linya.

“Yes?” si Sai, ayon buti naman at natauhan kana ulit. 

“Sorry to disturb you, still sleeping?” tanong ni Kian sa kanya.

“No” sagot naman niya. May panginginig pa sa kanyang mga kamay ng inilalock niya ang pinto ng kanilang bahay 

“Good cause I’m…..”di na naituloy ni Kian ang sasabihin, saktong pagharap din ni Sai sa gawi ng kanilang gate ay may nakita siyang sasakyang Mazda 3 na kulay silver. At sa kanyang isip ay alam niya kung kanino ‘to, paano ba naman kasi kagabi lang ito din ang sasakyang naghatid sa kanya.  Bago pa niya marealized ang lahat ay nakita na niyang lumabas ang laban ng sasakyang ito. Si gwapong Kian.

“Dios ko, bakit po ganito ako?” tanong niya habang kinakapa niya ang kanyang dibdib. “Nawawala ako sa sarili ko pag nakikita ko po ang lalaking ‘to” sa isip niya habang naglalakad siya papalabas ng kanilang gate.

“Hi!” bati ulit ng lalaking ito sa kanya habang nakangiti. Kaya naman naihulog ni Sai susi ng kanilang gate dahil sa sobrang kaba niya. Halos sabay pa nila itong pinulot. Si Sai, ito’t parang pasong paso na naman siya.

Hay ano ba yan! Ang aga aga naman ng kilig moments ng dalawang ito!! Nakakainis.

 Habang nasa loob ng sasakyan ay kunwaring nakapikit lang si Sai, kunwaring pinili niyang ibukas lang ang bintana ng kotseng ito para damhin ang hangin ng umaga. Enjoy na enjoy kasi siya dito. Hanggang sa marating nila ang school kung san sila nagvuvolunteer.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon