CHAPTER LXVIII

172 3 2
                                    

Naging mabilis ang pagdaan ng bawat araw, hindi na din kapwa namalayan nina Sai at Jean na mag-pipitong buwan na pala sa susunod na  dalawang linggo ang tiyan ni Sai. Ang pinagbubuntis nito.

At sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo pang nagiging mahirap kay Sai ang lahat. Naging laman na sya din ng ospital may tatlong beses kada linggo, at may mga pagkakataon pa nga na halos buong isang linggo sya sa ospital.

Napapadalas na ang pagsakit ng dibdib niya. Ngunit malinaw naman din ang sinabi ng doktor niya sa kalagayan niya ngayon.

Tsk, Kung gaano kabilis ang paglipas ng mga araw ay syang bilis din ng pagdeteriorate ng katawan niya.

Mas nagpapalala pa ng sitwasyon niya ang kanyang pinagbubuntis. Maselan kasi siya sa pagbubuntis. Nasabihan na din sya at alam niyang hindi sya pupwedeng operahan dahil sa kalagayan niya ngayon. "Jean, napapagod ka na ba sa akin?" makahugang tanong ni Sai sa kaibigan at halos na habol pa ang kanyang paghinga.

"Ha?!" gulat na balik tanong naman ni Jean sa kanya. "Pinagsasabi mo?" kunot noo pa ito. Hindi niya masyadong naintindihan ang pakahulugan nito.

"Ang sabi ko, kung nahihirapan ka na, pagod na sa akin? Sa amin ng baby ko? kasi..."

"Gaga! sira ulo ka talaga ano?!" singhal nito sa kanya. "Ngayon pa ba? Sai, ilang buwan na tayong nagkasama, ilang buwan na din tayong nagdadamayan. Para na tayong magkapatid, pamilya, tapos ganyan ka kung makatanong? may sapi ka?" medyo may inis sa boses nito. "Siguro kung ako man ang nasa sitwasyon mo, ay gagawin mo din ang ginagawa ko, tama ba?" dagdag pa nito.

"Oo naman! Kagaya mo hinding hindi din kita iiwan." agarang sagot ni Sai sa tanong din ni Jean.

"Yun naman pala, eh." sabay abot niya ng baso ng tubig kay Sai para inumin nito ang vitamins niya.

Matapos si Sai sa pag-inom ay napabuntong hininga sya. Mabilis din namang chineck sya ng kaibigan. "Nahihirapan ka bang huminga?"

Iling lang ang taging naging tugon nito. At pagpikit ng mata.

"Hoy! bruha ka, magsabi ka kaagad kung ano nararamdaman mo at nang madala ka sa ospital kung kailangan. Hwag mo masyadong istressin ang baby ni pogi!" at umupo ito sa tabi ni Sai.

"Loka! hindi, nag-iisip lang ako. Nag-iisip lang ako ng mabuting gawin. Nang tamang gawin." sabay hampas din nito kay Jean. Hinang hina man, nagawa pa niyang hampasin ang kaibigan.

"Ano naman yun? siguraduhin mong mabute at maganda yan!" si Jean habang ngumangata na naman ng kung ano. Kanina pa may busal bungabga nito! walang tigil sa pagkain. "Alam mo Sai, feeling ko ako na naglilihi para sa'yo! ako na kumakain ng mga dapat ikaw ang kumakain!" singhal pa niya.

"Pansin mo? o dahilan mo lang yan? kasi sagyang matakaw ka lang" si Sai, sabay bigay niya ng tipid na ngiti dito. "Jean." tawag niyang uli dito.

"Ano? Jusme, Sai! sabihin mo na yan, kanina ka pa. Kinakabahan ako sa'yo!" sabay tayo nito. "Baka mamaya dalawa na tayong may sakit niyan sa puso sa pambibitin mo at pagpapakaba sa akin!" sabay irap.

"Hirap na hirap na ako, pwede bang uwi na tayo ng Pilipinas?" naluluhang sabi ni Sai.

Ramdam ni Jean ang hirap ni Sai, kaya nang marinig niya ito ay halos madurog ang puso niya. Parang sya ang nahihirapan. Sya ang higit na natatakot para sa kaibigan niya at sa baby nito.

Bahagya muna siyang huminga ng malalim at pilit na pinigil ang luha niya. "Sigurado ka na ba jan?"

Sa totoo lang, si Sai ang matigas ang ulo. Noon pa niya, nila pinipilit umuwi at pilit na kinokombinsi si Sai na ipaalam at kung maari ay magpapunta na ng kanyang kamag-anak para makasama niya. Pero sya lang, si Sai lang ang nagmamatigas at ayaw.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon