CHAPTER I

4.5K 36 3
                                    

(PRESENT TIME)

"Oo, once nabigay ko na yung journal na yun tapos. Ibig sabihin I have to move on, I need to move forward na hindi na siya yung nasa isip ko. Pipilitin ko. I have, no I need to let him go it a must to let him go and I know it is the best thing na magagawa ko.''

''Okay'' at malalim na buntong hininga ang tangi na lamang natugon ng kanyang mga kaibigan.

matagal pa bago ulit may naglakas loob ng salita, "So? ano kakausapin na ba namin si Momo? kasi sa kanilang lahat na magkakaibigan sya lang ang alam namin ni Yuri na madaling lapitan".

"Wee?" sabay kurot sa tagiliran ni Eam ang ginawa ni Yuri. "si Momo lang ba talaga?"

"Hahahahaha, ano ba Yuri hayaan mo na!!!ayaw mo nun?dalawa ang mission nya. Hayaan mong magkatotoo ang pangarap nya. At san ka pa ako pa ang dinahilan kunwari" sabay na nagtawanan ang tatlo sa sinabing iyon ni Sai.

"Kahit kailan kayong dalawa impakta talaga kayo!" nakapanghimaywang at may pagdurong palusot ni Eam sa kanyang dalawang kaibigan "may Angelo na ako nu!"

"Sus!siya ang kasama mo pero iba ang laman ng puso mo" pang aasar ni Yuri kay Eam. sabay habol sa kanya nito at tatakbong parang masayang masayang bata naman itong si Yuri nang biglang...

"Ay! sorry..."may pagyuko yuko pang nalalaman itong si Yuri sa paghingi ng sorry sa kanyang nabangga. Tanging tingin lang ang naging tugon sa kanya ng lalaking iyon, at tuloy na ito sa paglalakad papunta sa kanilang department.

"Ayan kasi eh! hahahahaha buti nga sayo. Ang bilis bilis talaga ng karma ano?" may pang aasar na sabi ni Eam kay Yuri.

"Yun?yun ba ang kinababaliwan ng kaibigan natin?, yun ba ang makakausap natin?" may pagdabog sa sabi ni Yuri

"Hoy!wag kang madrama jan!di naman tayo ang makikipag-usap si Sai!" sabay lingon sa kinaroroonan ni Sai ngunit wala na ito doon.

"Sai!, Sai? bruhildang yun nawala bigla"  

"Eh, pareho lang naman kayo nun kapag papalapit na mga prospects nyo napifeel nyo, malamang nagtatago yun" may pagsusungit sa boses na iyon ni Yuri.

"Hey! what are you saying?" tinig na nanggaling sa kanilang likuran at sabay na napalingon ang dalawa dito."tinawag ako ni Kuya Dexter eh, kaya bigla akong nawala no!"

"Sus!!!!pero alam mong paparating siya?" pairap na sabi nitong kikay na si Eam sa kanya. At sa sinabing iyon ni Eam ay natigilan si Sai dahil ang totoo ay "oo", naramdaman nyang paparating kaya naman parang bula siyang nawala bigla at

dumiretso na lang lakad itong si Sai papasok sa building ng kanilang kurso kasunod ang dalawa na palihim syang pinagtsitsismisan

"Tinawag daw sya ni Kuya Dexter? eh san si Kuya Dexter bakit maski anino ng lalaking yun di ko naman nakikita"

"Di pa aminin na lang eh 'no?" pabulong na sabi ni Yuri sa kanyang kausap.

"Hoy kayong dalawa ha"sabay harap ni Sai sa kanila "malabo mata ko pero.........."

"Malinaw naman pandinig mo" sabay na balik na sagot ng dalawa sa kanya. May mga pag ismid ismid pang nalalaman ang dalawang ito sa kanyang likuran at nag-uusap sa kanilang pinakamahinang boses tungkol sa kanilang kaibigan.

Sa bintana nang isang classroom sa second floor may nakatanaw sa labas at titig na titig siya sa tatlong naglalakad papasok ng katapat na building. Talagang bawat galaw ay parang binabantayan nya ng...

"Grabe malusaw yan! kung sinuman tinatanaw mo jan" sabay tulak sa kanya nito

"Adik na adik ang dalawang yan sa isa't-isa pero di naman nagiging sila"

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon