Mag-iisang buwan na din nang makarating ako dito, sa bagong lugar kung saan ako nagtatrabaho sa umaga hanggang hapon at aral naman sa gabi. Pero kahit anong gawin kong pagkabusy sa sarili ko ay hindi ko pa din maiwasan ang maguilty sa ginawa ko. Sa naging decision ko.
"Di bale, after 5 years, maayos na ang lahat. Baka nakapagpagamot na ako n'on. Sure na din na graduate na ako sa doctoral degree ko." pang-aalo ko sa sarili ko. May parte ng puso at isip ko ang natatakot, nag-aalala. "Sorry, I am so sorry. Sana, pagbalik ko mahal mo pa din ako, sana pagbalik ko mapatawad mo ako sa ginawa ko. Ginawa kong ilihim 'to sayo para hindi masira ang maganda mong buhay at lagay ng trabaho mo. Alam ko naging selfish ako, Kian I am so sorry."
"Hey, Miss Gonzales!" sabay tapik sa akin ni Jean. Si Jean ang room mate, coteacher at classmate at higit sa lahat ay bagong kaibigan ko. Mabuti nga at sinadya ng school na ito na pagsamahin kaming dalawa, kaming dalawang magkababayan. "Ano ka ba girl, emote everyday ang peg? Every morning, every afternoon and every night na lang, huh Sai? baka ikaw na ang maging next best actress dito!" nakapamewang niya pang sabi sa akin.
Madali ko din namang nakasundo si Jean dahil medyo hawig sila ng ugali ng bestfriends kong loka loka na sina Eam at Yuri. So, I thik makakapahinga na ako sa mga gaga kong kaibigan, aba'y may kakosa pala ang mga bruha at ito nga, 2 in 1 ang dating, nakasama ko pa. Salamat na din sa kanya kasi kahit paano siya ang nagpapasaya at nagpapatawa sa bawat araw na nag eemote ako dito.
When it comes to our new work place, maayos naman ang lahat. Madali naman mapakibagayan ang mga katrabaho naming Briton, actually iba ibang lahi, kasi nga'y international school ito. Lahat ay professionals, walang tsismis na kagaya sa Pilipinas. Kung ano ang tanong mo, yun lang din ang sagot sa iyo. Kung ano ang kailangan mong malaman yun lang ang sasabihin sa'yo. Ganun sila nang una sa amin ni Jean, but after a week or two ay nakakabonding na din namin sila. Masaya sila kasama, madali naman sila intindihin... hmmm, maliban lang sa isa, at yun ay ang accent nila. Fish tea! Duguan lagi ang ilong namin at utak ni Jean! Di namin alam kung ngongo ba minsan ang mga kausap namin o bingi lang kami o kami ang ngongo talaga.
Ganon din sa loob ng classroom. Sa mga students namin, at kami bilang students. May minsan pa nga na sa sobrang british accent ng professor namin ay kaming dalawa ni Jean ang nakakuha ng lowest score. Well, ako lowest lang naman. Si Jean, ika nga sa language niyang dala niya dito ay WALEY as in wala, bokya, ZERO, itlog.
"Hwag kang mag-alala, kung talagang mahal ka ng jowa mong half half ay hihintayin ka niya hanggang sa iyong pagbabalik. Baka nga isang araw ay masurpresa ka na lang at naanjan na siya sa pinto. Tsk ikaw naman kasi, bakit ba di ka nagpaalam ng maayos sa kanila? Edi sana hindi ka mukhang tanga diyan na ngumangawa."
"Hay –" di ko na naituloy ang sasabihin ko.
"Oo, alam ko na ang sagot mo dyan pang 100 times ko na ngang nadinig yan girlalu! At malapit na akong maumay. Pero mali ka pa din talaga." Hay naku! Alien ata ang kausap ko.
"Para ka talagang pinagsamang Eam at Yuri." Tangi ko na lang sinabi habang walang gana akong pumaling sa kanya para mas makita ng malinaw ang maganda niya sanang mukha. "Alam mo, you look prettier without make up."
"Sure ka 'te maganda ako kahit walang make up?! O joke mo lang iyan?" parang ang sarap niyang lagyan ng lip tattoo! Yung pulang pula ang kulay.
"Ewan ko nga sa'yo. Matulog na lang tayo." Sabi kong habang nakapikit. Medyo nakaramdam kasi ako ang pagkahilo, at mukhang napapadalas na itong nararamdaman kong ito.
"Sai, uminom ka na ban g mga gamot mo?" tanong sa akin ni Jean.
"Oo, tapos na." sagot ko.
"Mabuti naman, at tigilan mo muna yan kakaemote mo lagi huh, kasi feeling ko di ka na nakakatulog ng maayos. I hear you every night na nag-iiyak dyan. Papaanong di ka mahihilo, eh kulang ka sa tulog malamang bumaba pati dugo mo." Sabay patay niya ng ilaw. "Don't worry, he loves you and I know that. If a guy truly loves you, he'll wait for you no matter what."
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...