FLASH BACK...
Sa wakas! pagkatapos ng napaka habang kalahating araw ng meeting, si Sai parang gustong lumundag sa tuwa. At syempre dapat magpasalamt kay AB, sa mga tanong niyang walang ka kwenta kwenta. Tama ba namang magtaas nang magtaas ng kamay at magtanong ka ng mga bagay na hindi naman related or hinding hindi kahit kailan man magiging related sa agenda ng meeting?
Wala lang siguro talaga siya magawa at totoo din naman na nakakaboring ang meeting, nakaka antok para sa mga taong wala naman talagang gana makinig ng maayos sa pinag-uusapan.
Gaya nga ni AB, nagmamadali siyang matapos ang meeting kasi nga daw ay “May date pa siya”
Sige AB, buti ka pa, at ikaw na din ang maganda.
Kaya wala na siyang ginawa, for the last 2 hours before the meeting has ended eh angal na siya ng angal, pero ang bruhildang bakla na hindi pa ganap na tao ay kay Sai lang naman sinasabi. Pero salamat na din kasi kung magtatagala pa yun, malamang may madidinig na silang humihilik habang may naghehele, ang dalawang ngayon lang nagkakilala at nagkakasundo kahit papaano sa kalokohan. Sina Sai at AB. Si Sai ang humihilik, habang itong feelingerang girl na si AB ang naghehele.
“Hay salamat! Natapos din” habang pasimple siyang nag-iinat ng kanyang mga buto. “Dapat laging nasa meeting si AB para tapos agad ang meeting” sa loob loob niya habang inaalalala ang mga tanong at mga pinag gagagawa ng baklang katabi niya.
Nang maalala ni Sai na kanina pa pala nagbavibrate ang kanyang cellphone, on her notification toggle there’s a missed call and message.
After typing the pin code, dun lang niya nakita:
5 missed calls
7 messages
Di na siya nagtaka pa, alam na niya kung kanino galing mga iyon, sa nanay niya.
4 na missed calls sa nanay niya, 1 sa tatay niya.
3 na messages ang nareceived niya sa nanay niya, 1 sa tatay niya, 1 kay LR at ang dalawang natitira na di din masyadong atat sa reply ay galing kay Eam. She first opened the message of her nanay.
“We’re at airport, pag-uwi mo kumain k na agad at inumin mo mga vitamins mo! Wag mo ipaflush. Kung magbabago isip mo at gusto mo sumunod sa Cebu just text or call us”time received: 10:20 am
“Pagkatapos ng meeting niyo tawagan mo ako agad. Kung maiisipan mong gumala kasama sina Eam umuwi ka kaagad at maaga” time received: 10:23 am
“Magtetext at tatawag ako sayo pagdating namin sa Cebu, pag sinabi kong mag online ka sa skype, mag oonline ka ha!. Sige I ooff ko muna cell phone” time received: 11:01 am
After she read it, napapangiti na lang siya habang sinasabi sa sarili “My overprotected mother. I don’t want to go there, kaya thanks ‘nay. Ayos din eh, di pa nga ako nakakaalis para sa gala uuwi na agad ako?” habang nailing siya. “I don’t need to call you kasi nay, oras oras malamang ikaw din ang tatawag” at tumatawa siya sa loob ng kanyang utak.
Tinignan nya din ang message ng tatay niya, “Mag iingat ka lagi, kung gusto mo sa gabi may kasama at kung papayagan sina Eam or Yuri na mag sleep over sa bahay sige. Basta magpapaalam muna kayo sa mga parents nila, and let me know para ako bahala sa nanay mo magpaliwanag. Alam mo na naman ang laging bilin ng nanay mo sa inyo kapag mag-isa sa bahay di ba? I don’t think na kailangan pang sabihin ulit. Sige mag iingat ha.” time received: 11:01 am
“Mga simpleng bilin ng mabait kong tatay at di nakakapressure unlike yung kay nanay” sabi niya sa sarili.
Last 2 messages galing kay Eam
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...