FLASH BACK.....
Kung kanina’y gustong gusto nang umuwi si Sai, ngayo ay ito’t wiling wili na siya sa mommy ni Kian na si Mrs. Ella M. Kwon. Ganoon din naman si Mrs. Kwon sa kanya. Tuwang tuwa itong may bisita silang babae, paano’y puro lalaki ang 3 niyang anak: sina Caleb, Kian at si Cyan. Siya at ang lola lamang ni Kian ang babae sa bahay na iyon.
“Akala ko ay totoo na ang sinabi ni Caleb na girlfriend ka ni Kian” nakangiting sabi ni Mrs. Kwon habang kanyang kinukuha ang dessert. “Madalas kang nakukwento ni Kian eh, lalo nitong mga nagdaang araw” pangtsitsismis niya sa anak
“Mom!” protesta ni Kian.
Si Sai, tahimik lang at nakangiti. Nasa tabi ni Sai si Caleb at sa kabilang side niya ay ang mommy nila.
Samantalang si Kian ay nasa tapat niya lang ganun din si Jason. Wala siyang kaalam alam kung ano mang commotion ang naganap kanina. Panay panakaw na sulyap ang ginagawa ni Kian kay Sai na madalas namang siyang nahuhuli ng mommy at kuya niya. At sa tuwing nahuhuli ito ng kanyang mommy ay ngumingiti na lang ito sa kanyang anak.
“Wait nga hija, I want to know, if my Kian is not your boyfriend then who is your boyfriend?” tanong nito kay Sai habang kanyang inaabutan ito ng dessert na lemon meringue.
Sa tanong na iyon kay Sai ay bigla siyang nasamid. Di niya alam kung masyado bang matamis ang ginawang panghimagas or sa sinabi ni Mrs. Kwon. Pero agad na namang naalala ni Sai ang sinabi kanina ni Kian New-found friend…
“Teka nga Sai,yun ba ang dahilan bakit ka nalungkot?” bigla ding naging malinaw ang gustong itanong ni Sai sa sarili kanina pa.
“Anong masakit sa sinabing iyon ni Kian?” dagdag tanong pa niya sa isip, kaya naman di na siya nakasagot pa sa tanong na iyon ng mommy nina Kian. Habang ang dalawa sa kanyang harapan na sina Kian at Jason ay naghihintay ng kanyang isasagot.
“Mom, I guess mahiyain ang guess natin” si Caleb nang kanyang napansin ang kanina pang nakayukong si Sai. “Pero Sai, may boyfriend ka na ba?” tanong din ng loko lokong si Caleb sa kanya. Sasawayin ang ina pero siya din pala ay babanat din.
At yun ang dahilan para tignan siya ni Sai, malinaw ang naging tanong nito sa kanyan. May boyfriend ka na ba?
“Bakit ikaw may girlfriend ka na ba?” pagbabalik tanong ni Sai sa kanya pero, gaya ng nakagawian sa isip lang ito. “Kasi kung wala ako na lang” gusto pa sana niyang idugtong iyon, pinigil lang niya ang kanyang isip.
Isang matipid na ngiti at pag iling ang sagot ni Sai.
“So, kung sakali may manligaw sa iyo Sai, sasagutin mo ba sila?” tanong ni Caleb sa kanyang habanag nakangiti.
“I’m sorry?” parang naging bingi ata siyang bigla sa tanong na iyon ni Caleb. Kaya naman inulit din ni Caleb ang tanong. “Kung sakali may manligaw sa iyo, sasagutin mo ba sila?”
Nakangiti si Caleb, naghihintay din siya ng isasagot ni Sai, at nakikita niyang may mga tenga na naghihintay ng kanyang magiging sagot.
Naexcite tuloy siya sa sagot.
Isang kibit balikat lang ang naging tugon ng babaeng kanyang tinanong. “Napaka mysterious naman ng babaeng ‘to” sa isip din ni Caleb sabay tingin sa reaction ng kanyang kapatid at bago sa kanyang pinsan.
Gusto na naman sanang umuwi ni Sai, pero nagpapahintay ang mommmy ni Kian sa kanya. Aalis lang daw muna sila saglit nila Caleb at pinilit din ni Caleb na isama si Jason sa kung saan man sila pupunta. Syempre alam na, magpinsan man sila ay mas lamang pa din ang pagiging magkapatid. “This is your moment bro” bulong niya sa kapatid bago lumabas ng bahay
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...