CHAPTER LVI

261 5 0
                                    

Nang marating na namin ang lugar, na sa malamang ay yun ang tinukoy ni Kian kay Andy, ay nadoon na din sila.

Unang kita ko palang sa pagmumukha ng lalaking iyon kahit nasa loob palang ako ng kotse, gusto ko siyang dambahan na't makaganti man lang. Kaso, medyo matagal na sana kaming nandun pero mukhang wala pang balak si Kian na bumaba sa sasakyan niya, at ang masaklap pati ako'y damay. Gustuhin ko mang tumakas na sa tabi niya, di ko magawa. NAKALOCKED YUNG PINTO EH!

I am trying to see and check Kian in my peripheral vision, ayun, nasa malayo ang tingin niya't nakakuyom pa din ang kanyang mga palad. Ngunit, laking gulat ko nang samaan niya ako ng tingin bigla.

"Ano bang ginawa ko sayo?!" sigaw ko sa kanya, "Ikaw na nga may kasalanan ng lahat ng 'to, mukhang ikaw pa may ganang magalit? Ikaw pa ata ang masama ang loob! Pababain mo na nga ako dito at nang maka uwi na ako!"

"Ako nang agrabyado, ako pa ata ang masisisi! Palabasin mo na sabi ako!" sigaw kong ulit sa kanya, habang pinipilit kong buksan ang pinto ng kanyang kotse. "Sisirain ko 'tong pintong 'to pag di mo pa binuksan!" malakas na ang loob ko, nakahinto na ang kotse niya. unlike kanina. Ang bilis ng takbo namin!

"Dangsin ttukkeong-eul dada!" balik sigaw niya sa akin.

"Damatte! Mittomo nai!" papatalo ba ako sa pagbulyaw? Teacher ata ako! at isa sa requirements nang pagiging teacher ang malakas ang boses, kung normal na boses ko na nga lang ay malakas na, what more kung sisigaw pa! "Pashut up, shut up ka pa jan! pababain mo na ako!"

How did I know na SHUT UP ang sinabi niya? expression na niya kasi yun, lalo na't kapag nangungulit ang mga barkada niya. Kumbaga, namemorized ko na.

Sa pagsigaw kong iyon sa kanya, halos ihagis na niya ang seatbelt niya pagkatanggal. Mabilis kong hinawakan ang pinto ng sasakyan niya, pero di ko mabuksan! "Stupid! Stupid! Stupid! Babasagin ko 'tong bintana mo kapag di mo binuksan..."

Halos humagis ako sa labas ng sasakyan niya nang bigla niyang buksan ang pintuan sa side ko. Pagkabukas noon ay mahigpit niyang hinawakan ang aking mga kamay. Di ko alam, pero sa nakikita ko sa mata niya, takot na takot ko. Parang nagsisisi na akong sinigawan ko siya. At higit sa lahat, sisi ko't nagpupumilit pa akong lumabas, parang mas gusto kong nakaupo na lang pala ako sa loob ng kotse niya, hanggang sa kumalma siya.

"Sorry, I'll just stay here." buong pagpapakabait ng aking boses nang sabihin ko iyon sa kanya. 

Well, boys really have to deal sa ganitong katangian ng mga babae. MADALI KAMING MAGBAGO NG DECISIONS SA BUHAY. DEPENDE PATI SA SITWASYON. Sana lang umubra kay Kian.

Pero, walang nagawa ang huli kong sinabi. Sa halip ay mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko. At kahit pa ata buong lakas na ang binigay ko para hwag lang niya ako mapalabas ng sasakyan niya'y talo pa din ako, kaya halos pahagis pa ang pagkakalabas ko sa kotse niya.

Kaladkad kung kaladkad ang ginagawa sa akin ni Kian. Kung pwede lang ngumawa ay ginawa ko na, nang maawa naman sana ang mga nakakakita sa amin, sa pagkaladkad sa akin ni Kian. Bahagyang napahinto si Kian nang matapatan namin si Jason, at ako halos magmakaawa ako na tulungan niya ako. Pero sa halip ay umiwas siya ng tingin sa akin at mabilis siyang naglakad papunta sa mga kabarkada nila. OH MY, I'M HOPELESS!

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon