CHAPTER XLI

278 4 0
                                    

PRESENT TIME…

 

“I hope someday you can
Find some way to understand I'm only doing this for you
I don't really wanna go
But deep in my heart I know this is the kindest thing to do
You'll need someone who'll be the one that I could never be
Who'll give you something better
Than the love you'll find with me” ~ I LOVE YOU, GOODBYE (Nina)

 

 

“Juice colored! Saturday na! at halos dalawang oras na lang po!” di ko sigurado kung nagdadaasal ba ako, or ano. ang alam ko halos gusto kumawala ng puso ko sa kung san man ito nakalagay ngayon.

Alam ko din na malamig, dahil may bagyo at kahapon pang halos walang balak tumigil ang ulan na ito. hihinto, mamaya ayan na naman, badtrip! Kaya ito ngayon, wala pa din kaming pasok. Di makapag concentrate ang utak ko sa pag isip ng kung paano ako makakalabas nang bahay. Tiyak ako na di ako papayagan ng nanay ko, lalo pa’t nandito din si tatay. “Arrrrggggh!!!” sabay bitiw ko sa aking doorknob.

Gusto nang lumabas at lumakad ng mga paa ko, pero parang unti unti naman na nauubos yung lakas ko ng loob. “Tsk! bakit kasi naisip ko pang kitain ang lalaking yun!” sabay bahagya kong pagsandal sa aking study table at akap akap ko ang pinagsama sama kong JOURNAL ko at ang mga bagay na binigay ni Kian sa akin na picture naming dalawa na pinaka tinatagao tago ko.

Isang napakalalim na hinga na naman ang aking ginawa, “Do it now Sai!” sabya pikit ko at hinga na naman ng malalim. Feleing ko, kung meron lang ako kahrap ngayon, ay baka humagis na sila kung saan. Wala kasi akong ginawa kundi ang bumuga ng hangin. Eh, sa sobra ko ngang k aba di ba? “Tsk, Sai! ano ba kasing kalokohan ang naisip mo? Bakikt di ka na lang mag move on, kung mag momove on ka! Bakit kailangan pang ibigay ‘to sa kanya?” tanong ko sa sarili ko, habang patuloy ako sa pagtitig sa mga hawak ko.

“HUH! IT’S NOW OR NEVER!” nagsusumigaw na salita sa isipan ko, tama nga naman. Kailan ko pa ba gagawin? At lolokohin ko na naman ba nag sarili ko? nangako nga ako di ba, sa sarili ko. ngayon, pag di ko tinupad yun, daig ko pang nakikipaglokohan lang sa sarili ko.

mabilis kong binuksan ang cabinet ko, kumuha ako ng jacket, wala na, hindi ko na tinigan pa kung anong kulay iyon, basta sinuot ko kaagad, at nagmamadali kong tinungo ang hagdan. “BAHALA NA!”

“Nay, pwede po pahiram ng Elantra mo?” pagpapaalam ko sa nanay ko, and ang totoo, di ako ganun kaconfident na pahihramin niya ako.

“Why? At san ka pupunta?” tanong niya sa akin, at di man lang ako nililingon, busy siya sa ginagawa niya sa kusina niya. Ang kanyang teritoryo. “Bumabagyo Sai, san mo balak magpunta pa?” tanong niya ulit, pero feeling ko naman ay di siya galit, okay na okay ang mood niya. Hmmm.

Ako naman, sa tanong ng nanay ko, “Huh? Aaaa, eeeehhhh, Hmmmmm.” Mabulun bulunan naman ako sa kung ano ang dapat kong sbaihin, paano’y wala akong idea, “Ano nga ba ang reason ng paglabas ko kahit bumabagyo at hinihiram ko pa kotse niya?” balik tanong ko din sa sarili ko. Maya maya ay hinarap ako ng nanay ko, at tinignan ako. Baka naghihintay ng sagot ko.

“Aaaah, eibibigay ko lang itong project na ‘to sa classmate ko na hiniraman ko” wow! Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. at waaaahhh!!!Sai! LIAR!!! Anong PROJECT? Hanep ang project mo huh! At sino naman sa mga classmate ko ang may ari kaya?

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon