Di ako alam kung sinusumpong na naman ba ako ng insomnia ko, or ano?! kasi halos ilang oras na din ang nakakalipas, nang maihatid ako ni Kian sa bahay. At wala pa ngang ilang minuto tinawagan na din niya agad ako.
"God, 4 a.m na, di pa din ako makatulog." Di ko na mabilang kung ilang ulit na akong nagpaikot ikot sa kama ko, kung ilang ulit na din akong nagbilang makatulog lang. Sinubukan kong magbasa ng libro, pero di ako makaconcentrate.
Paano naman kasi, paulit ulit din na nagpiplay sa utak ko ang mga nangyari kanina, iwasan ko mang isipin, bigla pa ding nagpaflashed. Parang hanggang ngayon damang dama ko pa din ang effect. Parang hanggang ngayon, nalalasing pa din ako! Waaaaah! KIAN'S EFFECT!
"Sai, let's go back in Laguna. In our rest house, where we first dance." Aya sa akin ni Kian, habang nagdadrive siya.
"Di ka pa ba pagod kakadrive? Maghapon na tayong naggagala." Sagot ko. Hindi sa ayaw ko ang suggestion niya, kundi, para kasi akong namumula kapag naiisip ko ang kiss niya! I am not complaining, sa halip paulit ulit ko talaga siyang iniisip. FIRST KISS ko kaya yun!
"Nope, I am not yet tired. Ikaw?"
"Hindi naman din. Concern lang ako sayo." Oi! Nagpapakasweet ba ako? di ko din alam bakit yun ang nasabi ko. anyway, mas mabuti na iyon kesa masabi ko ang totoo. Ang totoo sa UNFORGETTABLE KISS.
Instead of saying something, he just looked at me and smiled, even touching my cheeks gently.
GOD! I can't look at him, baka manakawan ko siya ng halik! Baka ako na ang hahalik sa kanya. Shemay! Si Eam ang nagturo sa akin nun!
"Don't worry about me, for as long as you're here beside me, I won't get tired." At nang matapos niyang sabihin iyan, inihilig niya nag ulo ko sa balikat niya. "I guess, ikaw ang napagod kakalakad. I know you hate walking."
Lang ya naman oh! Okay na eh! ang sweet na niya, bigla naman ako babanatan ng mga observations niya sa akin. Sabagay, ganun naman talaga kaming dalawa sa isa't isa. Usapan na namin ang maging honest sa isa't isa simula palang ng relationship namin. Simula sa simpleng bagay, hanggang sa kung sakali mang magkakaroon ng mga komplikadong bagay.
"Ganun? Ang sama mo naman, depende naman sa nilalakaran ko. kung kagaya ng mga pinuntahan natin kanina ang lalakaran ko, ayos lang. I won't feel tired, kasi nakakarelax naman yung paligid." Sabi ko. "Plus the fact na kaholding hands kita! At nananakawan kita ng titig, at kinissed mo pa ako! ayos lang! ayos na ayos lang!" dugtong ko sa isip ko. Sabay tingin ko sa labas ng bintana ng kotse niya, baka mabasa niya na naman mga kagagahan ng utak ko eh.
"Okay." Ramdam ko ang pagtango niya. "So, what's your decision?" he asked me again, sa plan niyang magpunta sa bahay nila sa Laguna.
"Teka! Anong gagawin natin dun?!" oh my goodness, Sai!
Huli na ang lahat, dahil sa buang ako minsan, mas nauuna pa sa akin ang magreact bago isiping mabuti ang sasabihin o kung anuman ang itatanong ko. kaya ito ngayon, nakakatitig na lang ako sa kanya. "Stupid Sai, stupid, stupid Sai!" pang aaway ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...