CHAPTER LX

246 6 3
                                    



Halos hindi na umuwi at pumasok si Kian sa trabaho nang mga araw na may sakit ako. Maka ilang ulit din nilang sinubukang dalhin ako nang hospital. Pero sadyang matigas, napakatigas ng ulo ko. Umabot na din sa puntong magalit na sa akin ang nanay ko, pero sa huli, dahil ayaw ko nga, di na din nila ako napilit.

Sa bawat araw at gabi na nahihirapan ako, ilang ulit kong naisip na baka masyado nang bilang ang mga araw na ilalagi ko sa mundong ibabaw. Pero, sabi nga nila: "Matagal bago mamatay ang masamang damo."

Well, I am not that bad na tao naman, medyo lang naman! O, marahil ay, di ko pa talaga time.

"Sai, would it be okay with you if I won't be here for the coming weeks? We have an urgent project to finish in Korea." Paalam ni Kian sa akin, habang nananatili pa din ang paghawak niya sa aking mga kamay, at malambing niya itong hinahalikan.

"Ilang weeks?" nanghihina kong tanong sa kanya.

Medyo ayos na din ang pakiramdam ko. Di na ako masyadong hirap sa paghinga at di na din sumasakit ang parteng iyon nang katawan ko.

"2? or maybe, a month" habang sige pa din siya sa paghalik sa kamay ko.

"Bakit matagal?" pag-iinarte ko. Sabay kuha ng aking mga kamay sa kanyang pagkakahawak at pinipilit kong tumayo. "Iniiwasan mo lang ako eh, galit ka kasi."

"What?" parang di nainitindihan ni Kian ang sinabi ko, bahagya din siyang napatigil sa pag-alalay sa akin. Sa aking pagtayo. "Why do you have these crazy things in your mind?" at sinadya niyang makipagtitigan sa akin.

Parang gustong mapatid ng aking hininga. Kasabay nun ay bumagsak ulit ang aking katawan sa aking higaan. Alam kong medyo mahina pa ako dahil kagagaling ko lang sa pagkakasakit. Pero, alam ko at malinaw sa akin na hindi lang ito dahil doon. Kundi, dahil na din iyon kay Kian.

Mabilis ang bawat naging galaw ni Kian para ako'y maalalayan. Ngunit masyado na din atang huli na ang lahat. Kapwa kami napahiga sa kama. Napaibabaw siya sa akin habang yakap ako. At ako, nakakapit sa kanyang batok. Kapit na kapit.

Ramdam at naaamoy ko ang hangin na binubuga niya. Para akong nalalasing dahil doon. Gusto ko mang kumalas, itulak siya, pero parang di naman kaya ng lakas ko. Marahil kaya naman talaga, pero iba ang pakiramdam ko. Para din akong walang magawa dahil sa wala talaga akong gustong gawin. Gustong gusto ko ang pagkakalapit ng katawan ni Kian sa akin.

Napasinghap at napapikit pa ako nang ilapit na niya nang tuluyan ang kanyang mukha sa akin. Tuluyan nang dumampi ang malalambot niyang mga labi sa nanunuyo at bitak bitak na labi ko, sanhi ng aking halos isang linggong pagkakasakit.

Pakiramdam ko, nauubos ang hangin sa katawan ko, para niyang hinihigop ang lahat ng natitirang lakas na meron ako. Hanggang sa iisang hangin na lang ang aming kapwa hinihinga.

Sabi ko nga, siya ang sakit at gamot ko. Kagaya na lang ngayon. Kinukuha niya ang lakas ko, pero siya pa din naman ang nagbibigay sa akin noon.

Kung dati ay may mga nagliliparang butterflies na tiyan ko, ngayon ay parang mas dumami pa iyon. Dumoble.

"God, I miss him so much." Sa isip ko, habanag patuloy din ako sa pagtugon sa mga halik niya. Ilang araw ko ding hindi siya nakiss? Ilang araw?

Para akong sabik sa bawat tamis na dinudulot ng kanyang halik sa akin. "Ganito ko kamahal ang lalaking 'to. Sa ilang araw, feeling ko, halos isang taon ko siyang hindi nayayakap. At-" Sa isip ko, at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya. "Nahalikan."

Grabe! Kagagaling ko lang sa sakit, pero ito at para na naman akong kinukombulsyon dahil kay Kian.

"No!" gulat at may inis sa boses ko nang sandaling itigil ni Kian ang paghalik sa akin. Kaya naman ako na mismo ang umabot sa mga labi niya.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon