(FLASH BACK)
Si Sai, kanina pang tulala, iniisip niya kung sino ba ang may kagagawan ng nangyari kanina lamang sa school nila. Naiinis siya at sigurado siya sa sarili niya na kapag nalaman niya kung sino man ang mga yun ang PATAY sila sa kanya. "Mga sira ulong yun! Ako pa napili nilng pagtripan" muli ay natahimik si Sai. Iniisip niya kung sino ba nag mga pwedeng gumawa nun sa kanya, may nakaaway ba siya ng di niya namamalayan?ano? hindi niya alam ang sagot sa mga sarili niyang tanong.
"Hoy! Kanina ka pa jan Sai. Ano ba iniisip mo? Malamig na pagkaing nasa harapan mo" saway sa kanya ng kaniyang nanay ng mapansin niyang wala sa sarili ang anak. Habang ang kanyang ama't dalawang kapatid na lalaki ay nagkakatinginan at lihim na napapangiti. "May sapi na naman nay yang si Ate" pang iinis na sabi ng kanyang bunsong kapatid na si Sean.
"Ah, talaga?" si Sai
"Kanina ka pa eh, naka kalumbaba ka pa" sabad naman ng isa pa si LR, habang nakangiti ito ng makahulugan.
"Problem niyong dalawa ha? Kutsarain ko mata mo jan LR eh!" naiinis na sabi ng kanilang ate.
"Tigilan niyo nga yang asaran niyo, Dalian niyong kumain. Mamaya pag-aawayan niyo na naman sino maghuhugas ng plato." Ang kanilang tatay ang nagsalita, kaya naman ay tumigil silang tatlo sa kanilang diskusyon. Bihira lang nilang magsalita ang kanilang tatay, hindi kagaya ng kanilang nanay na laging maingay. Ito kalmado parati, at alam din naman nila na kapag ito ang nagsalita ay malapit na itong mapuno sa kalokohang ginagawa nila.
"Ay naku! Sigurado yan. Magbabangayan na naman mga yan. Sa susunod nga itong tatlong 'to dapat sa dahon na alng ng saging kumain, para pagtapos tapon agad." Pagsang-ayon naman ng kanilang nanay.
"Hay naku!" sa loob loob ni Sai.
"Ang mahuling matapos siya maghuhugas" suhestiyon ni LR
"Tama, tama" pang gatong naman din ni Sean, alam na alam kasi ng dalawang ito kung gaano kabagal kumain ang ate nila. At sa totoo lang din ito lagi ang natitira sa kainan. May manirism kasi siya magpa hanggang ngayon na sinisipsip ang katas ng kanyang kinakain. Ilang ulit na din ba siyang napagalitan at napagsabihan ng kaniyang ina dahil diya. Pero dahil nag-iisang babae lang siya kakampi niya ang kaniyang tatay. "Hayaan niyo na, basta uubusin niya lahat ng kinuha't nilagay niya sa kanyang plato" tanging ganun lang ang sinasabi nito.
"Nek nek niyo. Bakit di ba LR ikaw ang may schedule ngayon sa paghuhugas? Di ikaw maghugas" pagtataray ng ate nila
"Eh ang bagal mo, kami tapos na. ikaw hihintayin pa bago makahugas" angal naman nito
"Di umpisahan mo nang maghugas habang di pa ako tapos"
"Kayong tatlo, kung paghuhugas lng ng plato pinag-aawayan niyo pa aba! Mabuti siguro hwag na lang din kayo kumain." Sabi ng kanilang nanay na kanina pang paikot-ikot. Kakatapos lang kumain at ito may nakita na naman agad siyang gagawin. At may naalala itong sabihin sa mga anak "Sa semestral break niyo nga pala, baka magbabakasyon tayo ng kahit isang lingo lang sa Hong Kong"
"What?! Is that true?" nagpapanigurong tanong ng bunsong si Sean
"Yes, so if I were you guys BEHAVE" at naka emphasize ang word na yun para maintindihan siguro ng tatlo.
"Hihintayin natin din ang ate niyo, after niya makuha ang GPA niya saka tayo aalis. Kaya Sai asikasuhin mo yun agad after finals niyo." Sabi ng kanilanga tatay
"Hay naku kahit kalian na lang talaga, kailangan hinihintay siya" pagpaprinig ni LR
"Di umpisahan mo nang lumipad para di ka maghintay" pag ikot pa ng mata ni Sai habang sinasabi to
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...