(FLASH BACK...)
"True love ang meron siya, yan ang ibig sabihin nyan" sabi ng kuya Caleb niya sa kanya "pero hindi para sa tao kundi para sa pangarap niya. Feeling niya once na nagmahal siya hindi matutupad lahat ng pangarap niya" dagdag paliwanag pa nito. "Teka nga, Kian kanino ba yan? san mo nakuha?" sunod sunod na tanong ng kuya niya sa kanya
"Napulot ko, and I got curious. I know you can translate this for me" tanging paliwanag ni Kian. Ang kuya naman niya tumango na lang sa simpleng paliwanag ng kapatid.
"Eh kung babae ang may-ari niyan naku hirap naman ligawan niyan, masyado mataas pangarap niya. Oo daw, naniniwala siya sa love, pero ayaw niya pa distruct dun"dagdag pa ni Caleb sa kanyang mga paliwanag.
"Ah." natatangong sagot ni Kian "She really loves her dream and that's so obvious. I can see it in her face" bigla niyang nasabi
"Teka akala ko ba napulot mo lang yan?" tanong ni Caleb
"Yeah, But I am not sure if she's the one who owns that. But, if she's the one who wrote and owns that, its very obvious that she really love her dream. Whatever dream it is.." Pagpapaliwanag din ni Kian.
"Is it a girl?" curious na tanong nito
"Yes" maikling sagot ni Kian
"Di pa siguro nagkakaboyfriend yan" nangingiting sabi ni Caleb sa kapatid
"Ha? Why?"
"Eh ganyan magsalita, kailangan lang nyan yung tutunaw sa kanya. Mahirap man ligawan pero masarap mahalin yan. Totoo magmahal yan." Paliwanag nito
"I thought, her true love is her DREAM? her AMBITIONS?" balik tanong naman nito
"Kaya nga kailangan lang may magpapaliwanag sa kanya na hindi naman distruction ang love. Na ang love inspiration para mas maabot niya kung anuman yung pangarap niya" sabi nito "kung sinuman yun akala mo na may ari niyan, sabihin mo nga sa akin kung nakita mo na hitsura."
Si Kian "Ha?" gulat na tanong sa kapatid paano'y bigla siyang nakaramdam ng hiya. Close siya Kuya Caleb niya, open sila sa isa't isa pero bakit ito siya ngayon bigla siyang nahihiya "Why are you shy Kian? You're just going to describe that fussy girl, and you're getting shy?" saway ni Kian sa sarili.
"Ano hitsura kung nakita mo na?" tanong ulit ng kuya nito sa kanya.
"She's intelligent" sagot niya
"Bro hitsura, yun ang tanong ko"
"She's good in dancing, Ms. Intensity nga daw" dagdag nito
"Wow!. Ok pero malamang kung di mo masabi ang hitsura pangit yan." Parang sigurado si Caleb sa sinabi "tama fulfill na lang muna niya mga dreams niya, anyway uso ang science ngayon dun gaganda naman na sure yun" komento na lang ni Caleb. Si Kian nakangiti na lang at tinitigan ulit ang piraso ng papel na iyon.
"Sige nga panoudin nga natin ang dating Ms. Intensity" sabi ni Alexis habang papasok sila ng barkada sa isang studio ng university kung san nagpapapractice ng sayaw kasama ang kabarkada nilang si Glenn.
"Chor" tawag ni Glenn sa kanilang choreographer at lumapit dito "pwede magpapasok?" tanong nito
"Sino naman papasukin mo?" takang tanong ng choreographer nito sa kanya. "girlfriend mo?" tanong ulit nito.
"Hindi po, mga katropa ko" sagot ni Glenn.
"Aba himala ha, gusto kang mapanuod ng barkada mo habang nagpaparactice ka?" takang tanong ulit nito sa kanya. Paano'y kahit minsan dati'y di niya nakitang nanuod ang mga ito sa practice ng kabarkada, pero buo naman ang suporta nila dito lalo na kapag performance day na. "Sige, basta hindi makaka-isturbo ha" payag na ito, si Glenn tumango lang at lumapit na sa barkada niya "Wag kayo pahalata ha" saway nito sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...