CHAPTER XXX (Part 2)

655 3 0
                                    

FLASH BACK…

Matapos nilang mailagay ang kanilang gamit sa kani-kanilang mga kwarto’y lumabas din sila agad, ang totoo nagmamadaliang halos lahat para libutin ang paligid. Aba! dapat lang na walang masayang na oras, dalawang araw at isang gabi lang ang ilalagi nila dito, after it back to normal. Pasukan na sa Monday. Ganun talaga, sila ang mga students na nakikiramay sa isa’t isa dahil lahat sila’y di nakapag sembreak.

But for them, even if di sila nakapag sembreak, they’ve learned lot of things sa pagvolunteer nila para sa mga batang nanganganib na di maka graduate. 

“This is the first time na makapunta ako dito!” sabi ni Eam, habang nag iinat inat ng kanyang mga buto buto. 

“Me too!tignan mo oh, perfect ang view ni Mr. Taal sa atin” sabad din naman ni Yuri at tinuturo ang tanawing nasa kanyang harapan. “Ikaw Sai?” tanong pa niya

“Actually this place looks familiar eh” sabi niya habang ginagala ang paningin sa paligid. “pero baka kamuka lang” pagbawi niya din sabay sipa kunwari kahit wala naman talaga siyang sinisipa.

“Hello!!!!” sigaw ni Eam at laking tuwa pa niya nang mag bounced back ang boses niya “Ang galing!” saad niya

“Kung di ka pa naman masyadong loka loka, sige anong tawag sa narinig mo?” si Yuri 

“Syempre echo!” nagmamalaking sagot ni Eam

“Very Good!” kunwari’y hinahaplos haplos naman ni Yuri ang ulo ni Eam dahil sa tama niyang sagot.

“Gaga!palagay mo naman sa akin di nag-aaral? Maski yata yung little girl dun sa sulok eh masasagot ang tanong mo!” sabay turo sa isang sulok, sinundan naman ng tingin ng dalawa ang kanyang tinuturo pero wala silang nakikita.

“Huh? Bata?!” si Yuri, tanong ulit kay Eam, at nilingon din niya si Sai na napako din ang tingin sa sulok na tinuro ni Eam 

“Yes! Siya!” sabay turo ulit ni Eam sag awing iyon at kunwaring kumakaway pa.

“Sigurado ka? San yung bata?” alternate na tinitognan ni Yuri ang tinuturo ng buang na si Eam at si Eam. 

“Ituturo ko pa ba ulit?” kunwaring pagsusungit ni Eam.

“Sai may nakikita ka?” tanong ni Yuri nanaka kunot noo sa kausap. Si Sai, iling lang ang sagot, sabay palihim na sinenyasan niya si Yuri na umalis na doon. 

“Tara”sabay talikod nila Yuri at Sai kay Eam

“Hey where are you going?” pakikay na tanong ni Eam sa dalawa. Pero imbes na sagutin siya ng dalawa ay tumakbo pa ang mga ito, dahilan para magtitili ito “Hey waiiiiit!!!!! Waitttt!!! Ano ba problema niyo?” she asked while still trying to reach her two friends.

“E may nakikita kang di namin nakikita ni Sai, kanya kanya na muna tayo friendship!” hinihingal sa sagot ni Yuri sa tanong ni Eam

“Hey! Its just a joke!” tumatawa niyang sabi sa dalawa, sabay hinto na din sa paghabol.

Samantalang ang dalawa, natigilan din sa sinabing iyon ni Eam. “Kapal ng mukha nitong manakot! Kung sino pa ang duwag ah!” si Yuri, haharapin sana niya si Eam ngunit pinigilan siya ni Sai.

“Hayaan mo, we will retaliate” and she smirked a little.

“How?” mahinang tanong naman ni Yuri

“Di panindigan niya sinasabi niyang little girl” sabay harap nilang dalawa sa gawi ni Eam

“Eam!” tawag ni Yuri na kunwari’y natataranta

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon