"Sige, please Sean let me know if your ate Sai called. Please." mababakas ang lungkot at pakiusap sa boses na iyon ni Kian.
Mahigit isang buwan na din mula nang mang iwan bigla si Sai. Oo, nang-iwan, nawala at kung saan nagpunta na hindi man lang nagpapasabi. Nalaman na lang nila nang mismong araw ng pag-alis niya. "Sai, why?" halos maiyak si Kian sa salitang iyon na nasa isip niya.
"Hello, Kuya, still there?" tanong ni Sean. Maging ang kapatid na ito ni Sai ay laging nagtatanong, nakikibalita sa kung kaninong malapit si Sai. Kung tumawag, nag-email or nakausap kahit man lang sa messenger. Pero wala.
Kagaya ni Kian, ng mga magulang nila, siya man ay nagulat sa biglaang pag-alis ng kanyang ate. Kung saang bansa sya nagpunta ay di nila alam. Kung kumusta na ba ito ay wala din sila alam, wala silang balita. Maliban sa sulat at email nang araw na umalis siya. Yun lang, wala pa, wala na.
"Yes, still here." walang ganang sagot ni Kian, sabay bunting hininga.
Bakit ganon? gaano ba kahirap ang magsabi ka ng isang bagay sa taong matagal mo nang kilala at ang claim mo-ay importante sa iyo? Taong inintindi ka, sa taong naiintindihan ka maski sa panahong, ikaw mismo sa sarili mo ay di mo maintindihan ang nangyayari, ang sarili mo. Taong tanggap ka sa kahit anuman ang mangyari? sa taong nandyan lagi para sayo, ang damayan ka, mahirap man ito o hindi. BAKIT?
Paano din ba tatanggapin ng isang taong iniwan ang mga bagay bagay ng madali? Paano siya matatahimik, makaka move forward kung ni isang paliwanag o maski salita kung BAKIT ay walang nadinig? Paano niya malalaman kung saan sya mag-uumpisa? lahat mahirap. Hindi mo alam, nangangapa ka. Araw araw naghihintay, umaasa. Pero sa kada araw ng paghihintay at pag-asa mo ay nabibigo ka. Araw araw kang naghihintay sa wala. Araw araw ay para kang namamatay sa paghihintay ng pag-asang malabo pa sa sikat ng araw kapag maulan. Mahirap ang lahat.
Oo, mahirap ang lahat para kay Kian. Lalo na nang mismong araw na iyon, yung araw na pinaghandaan niya ng husto, na halos buong buhay niyang pinangarap at hinintay. Ang isa na sana sa magiging importanteng araw ng buhay niya ay saka pa nangyari ang di inaasahan. Sa mismong araw na akala niya ay matutupad na ang lahat.
FLASHBACK...
KIAN'S POV..."Sai, please answer your phone!" halos sipain na ni Kian ang upuan sa harapan niya. Ni hindi na din siya makausap ng matino nino man, maging ng magulang niya.
"Kian, anak calm down." mahinahong sabi ng daddy niya at sabay hagod sa likod ang mommy niya sa kanya. Pero ang totoo ay natataranta na din ang mga ito. Salitan sila sa pagtawag sa telepono ni Sai, pero hindi ito sumasagot.
Pinuntahan na ding uli nina Caleb at Cyan maging ng mga kapatid ni Sai ang bahay, kasama ang parents nito pero wala ito doon. Minabuti na din ng parents ni Sai na mag stay doon kung sakaling dumating ito ay agad nilang ihahatid lugar kung saan naghihintay sa kanya ang lahat. Lalo na si Kian.
Hindi din alam nina Yuri at Eam kung saan nagpunta ito, dahil simula tanghali ay di na nila ito nakausap. Hindi na ito nagrereply sa mga messages nila.
"Saii!!" di na napigilan pa ni Kian ang pagsigaw habang halos mabaliw at patuloy sa pagdial sa number nito.
Sabay na natigilan ang lahat sa nakita nilang iyon kay Kian, lalo na ang mga magulang niya. It was the first time they heard him yell. It was the furst time they saw him helpless.
Sino nga ba naman ang di mapapalagay sa mga oras na iyon, kung ang mahal mo ay nawawala o piniling mawala? Ni walang sinuman ang makapagsabi kung nasaaan siya. Sa tawag ay 'di din siya sumasagot.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...