CHAPTER LXIII

277 4 0
                                    

Dahil marahil sa nakasanayan ko na ang gumising ng maaga, ito kahit Sabado ay alas singko na ang gising ko. Sabagay, kumbaga, Body clock ko na iyon.

Nagdaan pa ang halos isang oras ng pagtitig ko sa kisame, bago tuluyang nagising ang buong diwa ko. "Ano kaya ang pwedeng magawa?" habang aking chinicheck ang cellphone ko kung may text message sa akin si Kian.

Five days ago na, nang siya ay magtungo sa Davao para sa kanilang project doon. "At isang linggo na din ang nakakalipas simula ng magdrana ako." nahihiyang sabi ko sa isip ko. Kahit na ganon, napapangiti pa din ako. "Haha! nakatsansing ako!" natatawang nagwawala ang utak ko! "Matagal tagal ko din siyang nayakap at nasinghot singhot" with the devilish smile in my face.

Tsk! at talagang singhot singhot ano, Sai? umaandar na naman ang pagiging alien mo!

"Good morning fafavelz ko! dont forget to eat breakfast, before going sa site." sabay press ko ng send.

I can imagine, kung ano magiging reaction ni Kian while reading my text message for him. Even him, di niya daw maimagine, i have that bakla side! lagi siyang natatawa sa mga kabaklaang salita ko at kilos minsan. Hmm, minsan, kasi minsan sinasaway niya ako. Tsk! ikaw ba naman mapalibutan ng mga baklang coteachers! at, simula ata ng nagtransfer ako ng school ng college, napaliligiran na ako ng mga masasayang bading!

Bading, as in bading talaga. Yung tipong kagwapong lalake, kaso pusong babae at mas babae pa kumilos. At baklang babae! isa na dun sina Eam at Sheena. Well, halos lahat ng barkada ko, mga baklang babae.

"Speaking of my two devil bestfriends! mayaya nga sila sa trip ko." sabay ng aking pilyang ngiti.

I send them messages, asking them if they are free tonight.

"Yes! impakta, free na free ako tonight. Vakit magbovoyhunt ba tayo?!" mabilis na reply sa akin ni Eam. Si Eam pa, ang time niya para sa material making sa school, nagiging MATERIAL TEXTING! kitikitext lagi! buti na nga lang, Eam transferred sa school where I am teaching, kasi mas naging makulay ang buhay sa school. Rainbow ang kulay because of her.

"Bruha ka! boyhunt ka jan. Okay na okay na ako sa Kian ko, ano! Gusto ko lang sana tuparin ang pangarap ko." sabay send.

"Pesteng bruha ka! pangarap ka pang nalalaman jan. Ano ba ang pangarap mo? siguro naman nahawakan mo na ang mus-cles ng fafa Kian mo. Nalunod ka na sa halik niya sa labi. Nasakal sa higpit ng hug niya. Hug sa front at sa back huh! ano pa? uhuh! dont tell me? Yung churvabes niya?!" nanlaki ang mga mata ko sa nabasa kong message na iyon ni Eam.

"Pervert!" tangi kong naging reply sa kanya. "Gaga talaga, igaya pa ako sa kanya na imi score agad agad sa boys!" singhal ko sa isip ko. "Pero, hmmm..." at kinilig ako sa sarili kong kagagahang naisip!

Lakas talaga makahawa ni Eam ng kamaniacan!

"Gaga! ano ba nasa isip mo sa sinabi ko? kasi ako iba ang gusto ko sabihin. Di yata ikaw na besty best ang nagiging maniac!" pang aasar ng text niya.

"San ba tayo rarampa mamaya? kasi sumasakit ang gums ko because of my wisdom tooth." di pa ako nakakareply sa una niyang text, nasundan niya na agad. Hanga na talaga ako sa bilis ng kamay niya. Praktisado!

"Ano ba naman yang wisdom tooth mo? ilang taon na yan, di pa din tumutubo ng maayos? magtoothbrush ka kasi lagi!" reply ko.

"What do you think of me? just just?! nagsisipilyo ako lagi ano! bago at pagkatapos kumain. Bago matulog at bago gumising! perwisyong wisdom tooth 'to! tagal tagal ko nang matalino, hanggang ngayon ito pa din?!" pagkahaba habang pag iinarte at litanya ni Eam sa text. Naku! kung katabi ko 'to, malamang nakahila na ako ng hibla ng buhok niya.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon